🍃 Wala ka bang napapansin sa iyong kapaligiran? 🍃
Ngayong Pebrero, damhin ang awit ng pag-ibig at ng kalikasan sa taunang serye ng mga konsiyertong pinamagatang, “Himigsikan.” Hatid sa inyo ng UPD-OICA para sa UP Diliman Arts and Culture Festival 2025: Kalahok sa Nagbabagong Kalikasan.
Makinig sa himig ng panahon at makiisa sa laban para sa kalikasan sa “Hamon: Himigsikan sa CS.”
Tampok ang mga pagtatanghal ng mga mag-aaral mula sa UP Manila, UP Diliman College of Science, at isang guest performer, at mga mensahe mula sa mga organisasyong may adbokasiya para kalikasan.
Tara na sa ika-11 ng Pebrero, 5 n.h., sa UP Diliman College of Science Amphitheater! Ayain ang iyong pag-ibig, mahal, baby, o mundo para sa libreng tugtugan na may kaunting kilig! 🥰🌺
Makilahok para sa kalikasan! Makisama para sa kinabukasan!
Poster by Phoebe Lina