Skip to main content
Navigation

Linggo ng Parangal 2022

When

June 20, 2022 - June 24, 2022    

Inaanyayahan ang lahat na makilahok sa Linggo ng Parangal 2022 na gaganapin sa 20-24 Hunyo 2022.

Bibigyan ng parangal sa pagkakataong ito ang mga natatanging ambag ng mga miyembro ng komunidad ng UP Diliman para sa kapakanan ng pamantasan, publiko, at sambayanang Pilipino. Ang tema ng Linggo ng Parangal 2022 ay kaMULATan bilang aspirasyon at adhikain ng bayan. Hangad ng pamantasan na mabigyang-diin ang kahalagahan ng kritikal na pag-unawa sa lipunang Pilipino sa gitna ng ligalig at kawalan ng seguridad ng ating kolektibong kinabukasan.

Panoorin ang mga programa sa buong Linggo ng Parangal sa pamamagitan ng livestream link.

Poster by UP DIO