Handa ka na bang masaksihan ang isang epikong Pilipino sa entablado? ✨
Sa pambihirang pagkakatao, itatanghal ang Tales of the Manuvu sa UP Diliman! Ito ay handog sa atin ng UP Opisina ng Presidente, kasama ang Alice Reyes Dance Philippines, bilang paggunita sa Pambansang Buwang ng Sining.
Ang Tales of the Manuvu ay makapangyarihang rock opera ballet ni Pambansang Alagad ng Sining Alice Reyes hango sa libretto ni Pambansang Alagad ng Sining Bienvenido Lumbera.
Isang makulay at masidhing pagsasadula ng paglikha ng unang tao at babae, ang tunggalian ng mabuti at masama, at ang pagkamulat ng sangkatauhan sa sariling lakas at kapalaran.
Damhin ang pagsasanib ng sayaw, musika, at mitolohiyang Pilipino sa isang gabing puno ng sining at kahulugan. Ito ay LIBRE para lahat! Magreserba lang ng tiket sa bit.ly/talesofthemanuvu
🗓 February 27, 2026 3:00n.h. at 7:00n.g.
At Feburary 28, , 2026 3:00n.h. at 7:00n.g.
📍 University Theater, UP Diliman
Makibahagi sa isang makasaysayang pagtatanghal. Kita-kits sa teatro! 🎭✨
