Narito ang mga programang aabangan ngayong Pebrero hanggang Abril!
Bilang pagpupugay sa ika-150 anibersaryo ng kamatayan ng tatlong Pilipinong paring minartir, inihahandog ng UP Diliman Office for Initiatives in Culture and the Arts (UPD-OICA) ang UP Diliman Arts and Culture Festival 2022, “kaMALAYAn: Pamana ng GomBurZa @ 150.”
Kaalinsabay ng pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Sining ngayong Pebrero 2022, gugunitain ng Unibersidad ng Pilipinas ang isang mahalagang tagpo sa kasaysayan na pumukaw sa ating diwang makabayan sa panahon ng kolonyalismong Espanyol. Mula Pebrero hanggang Marso, iniimbitahan namin kayong buhaying muli ang inyong kaMALAYAn sa panahong hinihimok tayong kumilos at mamulat para sa hinaharap ng bansa.
Walang-sawang titindig ang UPD-OICA sa layuning bumuo ng malikhain at makabuluhang materyal hango sa daloy ng kasaysayan!
#GomBurZa150
#UPDArtsCultureFestival2022
#NAM2022
**Event titles and schedules are subject to change without prior notice.