UP Diliman Arts and Culture Festival 2020
Noong taong 2020, kaalinsabay ng komemorasyon ng ika-50 taong anibersaryo ng Sigwa ng Unang Kwarter o First Quarter Storm (FOS), ang Opisina ng Tsanselor, sa pamamagitan ng UP Diliman Opisina ng Pagpapasimuno sa Kultura at mga Sining (UPD- OICA), ay bumuo ng mga gawaing may layunin na maimulat sa kasalukuyang mag-aaral ang kahalagahan ng FQS sa pamamagitan ng iba’t ibang anyong sining. Ang mga gawain rin ay may layuning mapag-usapan ang kontribusyon ng aktibismo sa paglago ng makataong lipunang Filipino at maisakonteksto ang aral ng Sigwa ng Unang Kwarter sa kasalukuyang panahon.
Ang tema sa taong ito ng UP Diliman Arts and Culture Festival ay “Makita Kang Sakdal Laya” mula sa kundiman na “Bayan Ko”, titik ni Jose Corazon de Jesus at komposisyon ni Constancio de Guzman. ltinanghal sa mga dulang tulad ng sarsuwela, naging bahagi ng pag-awit ng “Bayan Ko” ang pakikibaka laban sa kolonisasyon, kung kaya’t itinuturing itong musika ng protesta at pakikibaka laban sa pang-aapi sa sambayanang Pilipino.
Maaaring i-download ang UP Diliman Arts and Culture Festival 2021 Omnibus Program sa:
FQS: Konsyertong Bayan sa Ika-50 Taon
NAGBABADYANG UNOS: lnstallation Art to Commemorate FQS ni Toym lmao
HIMIGSIKAN: Mga Piling Kanta ng Dekada Sitenta
10th Asian Regional Conference of the ILERA: “Workers Voice and Representation and Labor Activism in The First Quarter Storm (FQS) of 1970”
MGA INISYATIBA NG IBANG YUNIT AT MAG-AARAL
Ang iba’t-ibang yunit at mga organisasyon ng estudyante sa UP Diliman ay inimbitahang magsagawa ng mga inisyatibong proyekto sa buwan ng Pebrero at Marso 2020 na tutugma sa tema na Makita kang Sakdal Laya. Ang mga proyekto na ito ay naka-angkla sa mga tema ng FQS tulad ng pakikisangkot sa mga isyu ng lipunan, karapatang pantao, ang rebalwasyon ng sining bilang instrumento ng transpormasyon ng lipunan, ang malawakang pag-unawa sa kasaysayan ng pakikibaka ng mga Pilipino, at iba pa.