Skip to main content
Navigation

UP Diliman Arts and Culture Festival 2021


Kaalinsabay ng pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Sining noong Pebrero 2021, ginunita ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman ang dalawang mahahalagang engkwentro o pagtatagpo: ang ika-50 taon ng Diliman Commune at ika-500 taon ng Pagtatagpo ng Pilipinas at Espanya. Kaalinsabay rin nito ang ika-500 anibersaryo ng tagumpay ng labanan sa Mactan at ang ika-500 taon ng pagpapakilala ng Kristiyanismo sa bansa. Ang mga pagtatagpong ito ay ginunita sa pamamagitan ng Engkwentro: UP Diliman Arts and Culture Festival 2021 na ginanap sa buwan ng Pebrero hanggang Abril ng taong 2021. 

Isang katangi-tanging pagkakataon na tingnan ang mga kaganapang ito bilang engkwentro o mga pagtatagpo na nagmula sa iba’t ibang sitwasyon ng pakikipag-usap o diyalogo – conversation, negotiation, emotion, silence, etc. Ang paggunita sa dalawang yugto na ito sa kasaysayan ng Pilipinas ay itinuturing na mahalagang batis ng mga pag-aaral at pag-unawa sa sining at kultura ng mga Pilipino. Magkaiba man ang panahon, lunan at konteksto,  itinanghal ng mga engkwentrong ito ang panata, dedikasyon at kolektibong aksyon sa  ngalan ng kalayaan ng bayan. 


Poster by Cyp Damot

Gayundin, nagpapatuloy ang paghikayat sa mga iskolar ng bayan na pagnilayan sa pamamagitan ng mga  proyektong pansining at pangkultura ang mga pagtatagpo ng ideya at konsepto, ang palitan ng  materyal at performatibong kultura, ang paglikha ng mga kolaborasyon na nagbibigay ng kritikal na perspektiba sa mga isyung pangkasaysayan at panlipunan, at ang pagsusulong ng mga talastasan ng mga mananaliksik, guro, mag-aaral, at publiko. 

Ang UP Diliman Arts and Culture Festival 2021 Omnibus Program ay maaaring i-download sa:

OMNIBUS PROGRAM




Barikada Singkwenta: Pagpupugay at Paggunita (a late afternon vigil)
enKWENTrO: Mga Kwento ng Enkwentro (A Public Art Installation Project)
Engkwentro: Salaysay ng Diliman Commune (A Virtual Exhibition)
Talastasan sa Kasaysayan: Serye ng mga Webinar
KWENTONG MULAT: The Diliman Commune Virtual Pasyal
Saysay ng Salaysay: Paggunita sa Pagtatagpo ng Puwersa at Pamayanan
The Boxer Codex Reimagined: A Re-viewing and Re-creating of the Illustrations of Filipinos in the Codex through Digitally Generated Images
Obras Arquitectónicas En Ultramar: Arquitectura Mestiza and the Built Environment in the Philippines
Of Crosses and Culture: An Anthropological Look at 500 Years of Christianity in the Philippines
PAGDIRIWANG 2: Christianity and Popular Devotions—An Online International Conference on Folklore and Heritage
Sabang: Early Southeast Asian-European Intercultural Encounters (An International Online Conference)
The 2nd Consuelo J. Paz Lecture:
A thumbnail sketch of Philippine Linguistics during the Spanish Colonial Period by Dr. Arwin Vibar
Tugon: Community Reflects on Historical Moments
Layag sa Karagatan: Kultura, Agham, at Kasaysayan

MGA INISYATIBA NG IBANG YUNIT AT MAG-AARAL

Itinampok din ang mga inisyatiba ng mga organisasyon ng mag-aaral at ng iba pang mga yunit sa UP Diliman na tumutugon sa mga nabanggit na tema.

⁠UP Asian Center—Scripts in Asia, c. 1500-2000 (An International Conference via Zoom)
UP Film Institute⁠—Sining Sandata: Mga Dibuho ng Protesta’t Pakikipagtunggali sa Panahon ng Ligalig at Pasismo


Sining Sandata: Mga Dibuho ng Protesta't Pakikipagtunggali sa Panahon ng Ligalig at Pasismo

5 Abril - 31 Agosto
UP Film Institute


Sentral na layunin ng Sining Sandata na makalikha ng isang full length na bidyo-dokumentaryo na tatalakay sa ugnayan ng makalipunang realismo sa anyo ng sining biswal, tunggaliang panlipunan, pasismo, at pagsasabansa.

Ang dokumentaryong Sining Sandata ay partisipatoryo, partisano, at anyo ng pagbangga sa isang uri ng lipunang para lamang sa iilan.

Ayon sa organizer ng aktibidad, nais nila na gawing lunsuran ang Sining Sandata "upang maipakita sa mas malawak na manonoord ang papel ng sining sa pagsusulong ng panlipunang pagbabago; ang halaga ng sining bilang kultural at historikal na teksto; ang pag-ugit ng mga manlilikha ng sining, sa pamamagitan ng kanilang mga salaysay at obra, ng alternatibong mga espasyo ng pag-unawa at representasyon upang salagin ang mga rebisyonista at opisyal na meta-naratibo ng naghahari sa ating panahon," at "upang maipakita sa manonood na hindi maaaring sipatin nang magkakahiwalay ang pagsasalimbayan ng sining, manlilikha, lipunan, at ang mga pwersang nagbubuno at nagtutunggali sa lipunan."

Text from UP DIO, UP Diliman Arts and Culture Festival 2020-2021 Omnibus Program

Scripts in Asia, c. 1500–2000 (An International Conference via Zoom)

27-28 April | 8AM-5PM


Learn more


The European arrival in Asia in the 16th century was a turning point not only in the political trajectories but also in the writing traditions of Asian states and societies. In maritime Southeast Asia for instance, indigenous literacy in Indic-derived scripts was long widespread in societies such as the Batak (si-sia-sia script), Tagalog (baybayin) and Bugis (lontara). However, increasing European influence occurring alongside Islamization engendered the transition to Latin or Jawi (Arabic-derived) scripts. This conference intends to explore the impact of European presence in the various writing traditions of Asia. In what ways were certain languages and especially scripts privileged by colonial states? How is the transition from one writing script to the other reflected in the sources? How do postcolonial societies across Asia view or instrumentalize their varied epigraphical, textual, and codicological traditions? 

Poster by Cyp Damot

Layag sa Karagatan: Kultura, Agham, at Kasaysayan

28 Abril | 3PM
via UPD-OICA Facebook Page and Zoom


Watch here

See panelists

Pambihirang pagkakataon ang taong 2021 na magbalik-tanaw sa mga pag-aaral at pananaliksik tungkol sa kultura, agham, at kasaysayan ng paglalayag sa karagatan. Mapayapa man o marahas, itatampok ang pakikipag-ugnayan o pakikipagtagpo ng mga Pilipino sa ibang kultura at lipunan. Pag-uusapan ang mga iba’t ibang daloy ng karanasan - ang mga naratibo ng karagatan at alon ng tubig na may epekto sa karanasang Pilipino; mga perspektiba sa materyal na kultura na naka-ugnay sa kaligiran ng karagatan ; at ugnayan ng Pilipinas sa iba’t-ibang kultura sa mundo.


Tatalakayin sa panel ni Dr. Maria Bernadette L. Abrera ang husay at tibay ng paggawa ng mga bangka ng sinaunang Pilipino hanggang sa panahon ng pananakop ng mga Kastila; ang pag-aaral ukol sa epekto ng ocean currents sa pagitan ng Pilipinas at Hapon na nagdulot ng engkwentro at ugnayan ng mga materyal na kultura ay ibabahagi ni Propesor Emeritus Norma A. Respicio; ang ugnayan ng agham at mga kasulatang pangkasaysayan ay ibabahagi sa pag-aaral ni Dr. Benjamin M. Vallejo, Jr. na Si Almirante Montero at ang kanyang Koleksyon ng mga Kabibe sa Museo Natural ng Ferrol, Galicia España.

Tugon: Community Reflects on Historical Moments

26 Abril 2021 - 26 Abril 2022


Visit their page

Watch the trailer

A composite exhibit of 1x1 artworks made by teachers, students, and staff of College of Fine Arts.

Responding to the Festival theme:

The arrival of Spain in the Philippines and the Diliman Commune: How do we weave the two historical moments within our current collective challenges?

This will be a generation's response to a nation's historical lessons.

Details:

- Everybody in CFA is encouraged to participate regardless of their rank in scholarship, practice or service, because the point is to make meaningful artwork to give voice to everybody.

- The 1x1 artwork can be 1ft by 1ft painting, photograph, print; sculpture or installation that will fit inside a 1ft cube; 1min audio, video, animation.

- There will be a pre-production lecture that will serve as a brief about the two historical moments. An exhibit, whether physical or virtual, will be the output of the project

The 2nd Consuelo J. Paz Lecture:
A thumbnail sketch of Philippine Linguistics during the Spanish Colonial Period by Dr. Arwin Vibar

19 March | 2-4PM


Watch here

Ang Consuelo J. Paz Lecture ay isinasagawa ng Departamento ng Linggwistiks, Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya, tuwing maka-dalawang taon. Inilunsad ito upang bigyang- pugay ang di-matatawarang ambag ni Dr. Consuelo J. Paz sa linggwistiks sa Pilipinas (Philippine linguistics) at aralin sa kultura (culture studies). Sa taong 2021, idaraos ang Paz Lecture bilang bahagi ng Buwan ng mga Sining at Kultura sa UP Diliman na may temang “Engkwentro: Barikada Singkwenta at Ika-500 Taon na Pagtatagpo ng Pilipinas at Espanya”. Dahil dito, ang tampok na lekturang matutunghayan sa programa ay hango sa isang tatlong-tomong disertasyon hinggil sa mga pag-aaral ng mga wika sa Pilipinas na isinagawa ng mga misyonerong Espanyol at ang mga implikasyon nito sa pagbuo at pag-unlad ng linggwistiks sa Pilipinas at sa pagsasakasaysayan sa Filipino bilang Wikang Pambansa. Ang ikalawang Paz Lecture ay magmumula kay Dr. Arwin Vibar ng University of Asia and the Pacific. Ibo-broadcast ang palatuntunan sa pamamagitan ng StreamYard at ila-livestream sa Facebook page at YouTube channel ng Departamento ng Linggwistiks.


Arwin Mesina Vibar obtained his MA degree in English Studies (Language) and PhD in Linguistics from the University of the Philippines Diliman. He taught at the University of the Philippines Manila, handling English communication courses for General Education and Linguistics for students of AB Organizational Communication, AB Behavioral Studies, AB Social Sciences, and BS Speech Pathology. His research outputs include Studies on the Major Philippine Languages by Spanish Missionaries, Update on Chabacano (co-author), Notes on the History of English Language Teaching at UP, A Language-based Approach to “Divide by Two” and Other Short Stories by Francisco Arcellana, and Doctor-Patient Exchange Structure: A Discourse Analysis (co-author). In 2017-2019, he served as an Affiliate Assistant Professor at the Widya Mandala Catholic University Surabaya in Indonesia. Currently, he is an Assistant Professor at the University of Asia and the Pacific and Editor of Synergeia, the multi-/interdisciplinary academic journal of the university.

Sabang: Early Southeast Asian-European Intercultural Encounters (An International Online Conference)

18 - 20 March 


Learn More

The Philippines’ entanglement with Hispanic and Hispanicized cultures from the sixteenth century facilitated the flow and exchange of goods and ideas to and from Asia, on the one hand and the Americas and Europe, on the other. The Philippines, Manila in particular, played a crucial role not only as an important trans-shipment point for American silver, Chinese porcelain, textiles, and other products, but also as a melting pot of cultures. The 500th anniversary of Philippine-Spanish encounter provides an opportune moment to analyze and reflect on the vaunted yet largely understudied intercultural encounters between Europe and Asia.


The UP Asian Center intends to hold a three-day webinar conference entitled “Sabang: Early Southeast Asian-European Intercultural Encounters” to discuss the varied cultural legacies of the European-Asian encounter. “Sabang” (meaning juncture of bodies of water in Visayan and several other Philippine languages) encapsulates the meeting of cultures and the centrality of the Philippines in these encounters. While the conference’s inspiration draws primarily from the Philippine-Spanish experience, it also seeks presentations on and from neighboring Southeast Asian countries to highlight similarities and differences with the Philippine experience. It likewise seeks presentations that employ inter- and trans-disciplinary approaches to understand cultural exchange and hybridity. “Sabang” envisions a lively online exchange of ideas by both young and senior scholars from Asia, the Americas, and Europe. It intends to have several modalities of exchange namely roundtable discussions, keynote lectures, and panel presentations.

PAGDIRIWANG 2: Christianity and Popular Devotions—An Online International Conference on Folklore and Heritage

17 - 18 March  |  10:30AM - 4:30PM

The UP College of Social Sciences and Philosophy — Folklore Studies Program will be hosting Pagdiriwang 2, an online international conference to mark the commemoration of the 500th year of the introduction of Christianity in the Philippines. It is a celebration and a conversation about faith that has been localized and contextualized through intimate and collective acts of devotions. The conference will focus on the transformations and incorporation of Christianity and popular devotion in the cultural and social lives of local populations. Academics from the Philippines and other countries who have conducted research on the topic were invited to present in the conference.


Of Crosses and Culture: An Anthropological Look at 500 Years of Christianity in the Philippines

10 March | 8:30Am - 4:30PM


View the Program Flow

Watch the morning session here

Watch the afternoon session here

Convened by the UP Diliman Department of Anthropology, this one-day conference will feature critical discussions on cultural developments pertinent to the introduction and practice of Christianity in the Philippines. Panel presentations will offer critical perspectives on theories explaining ‘Philippine culture’ (e.g. syncretic) with evidence coming from studies relating to different fields of social life, including the religion, food, performing arts, material culture, and law. The polyvalence of the word ‘cross’ is explored in the conference. Its various meanings – a metonym for Christianity, adversity and suffering, intersection, hybridity – will serve as conceptual anchors for the different discussions.

Obras Arquitectónicas En Ultramar: Arquitectura Mestiza and the Built Environment in the Philippines

This project focuses on the Spanish influence on the Philippine environment. The event included an online exhibit (launched on 5 March 2021 ended after three months) with a monograph and a webinar with a panel discussion that aims to highlight the dialogic relationship between Spain and the Philippines in terms of spatial and architectural production during the colonial period.

Webinar 1: Spanish Influence in Philippine Architecture

5 March | 4-6PM
Guest Speaker: Javier Galvan

Watch here


Webinar 2: Colonial Modernity under Spanish Rule

12 March  |  4-6PM
Guest Speaker: Gerard Lico

Watch here


Webinar 3: The Filipino Element: Architecture in Manila between 1571 and 1800

19 March  |  4-6PM
Guest Speaker: Pedro Luengo

Watch here


Webinar 4: Regulating Colonial Spaces

26 March  |  4-6PM
Guest Speaker: Lorelei De Viana

Watch here

The Boxer Codex Reimagined: A Re-viewing and Re-creating of the Illustrations of Filipinos in the Codex through Digitally Generated Images

Inilunsad noong 29 Abril 2021

The Boxer Codex is a 307-page transcription and translation of an illustrated late 16th century Spanish manuscript also known as the ‘Manila Manuscript’ “concerning the Geography, History, and Ethnography of the Pacific, South-east and East Asia.” It was originally written by a Spaniard and believed to be illustrated by a Chinese artisan working with an Indio. The Philippines is represented in the codex by fifteen (15) illustrations of several types of inhabitants around the country. The project aims to re-visit, re-view, and re-imagine these 15 illustrations of Filipino ‘natives’ documented in the codex through 15 digitally generated images that mirror a new encounter with the past. These will be generated in collaboration with students in the Art Workshop I class, SFA 192 EA Electronic Art Projects I, under the instruction and supervision of Riza A. Romero. The images will be uploaded on a web page to be designed by Riza Romero.

Saysay ng Salaysay: Paggunita sa Pagtatagpo ng Puwersa at Pamayanan

Kasabay ng pandemya ang patuloy na pag-ikot ng mundo na lumilikha ng panibagong mga pangyayari. Gayunman, sa pag-unawa sa mga ito, mahalagang ugatin at bagtasin ang mga naunang danas ng pagtatagpo at pagtatalaban na binibigyang-buhay ng ating mga artista/iskolar sa pamamagitan ng mga likhangsining. Sa kaparaanang online, itatampok ng proyektong Saysay ng Salaysay: Paggunita sa Pagtatagpo ng Puwersa at Pamayanan ang mga karanasan ng mga artista at iskolar ng Kolehiyo ng Arte at Literatura (KAL) sa iba’t ibang engkwentro sa unang pag-ikot sa mundo, labanan sa Mactan, pagpapakilala ng Kristiyanismo, at Diliman Commune.


Balik-tanaw sa Barikada '71

17 Pebrero (Martes)  |  3:00 n.h. via Zoom

Isang panayam sa mga guro ng KAL upang magbalik-tanaw sa mga kaganapan noong Diliman Commune (1-9 Pebrero 1971)

Watch the program here


Other videos:

Prof. Emeritus Jose Dalisay Jr.

Prof. Emerita Rosario Torres-Yu

Prof. Edru Abraham


Tanghal-Tanaw sa Barikada '71

3 Marso (Miyerkules) | 3PM

Pagtatanghal at eksibisyon ng mga akda/likha ng kasalukuyan o dating mga guro ng KAL

Watch here


Papet Pasyon: Ang Kauna-unahang Senakulong Pambata sa Pilipinas

28 Marso (Linggo ng Palaspas)  | 3:00 n.h.

Isang dulang pampapet na isinulat ni Pambansang Alagad ng Sining Amelia Lapeña‐ Bonifacio at itatanghal ng Teatrong Mulat ng Pilipinas

Ngayong taon, inihahandog ng Teatrong Mulat ng Pilipinas (Mulat Theater) at UNIMA-Pilipinas, kasama ang UP Diliman Office of the Chancellor, UP Diliman OICA, at UP College of Arts and Letters, ang ika-36 na taong pagtatanghal ng Papet Pasyon na isinulat ni Amelia "Lola Amel" Lapeña-Bonifacio (University Professor Emerita at Pambansang Alagad ng Sining sa Teatro).


500 años de encuentros textuales: Mga Hamon sa Pagsasaling Wika

20  Abril  (Martes)  | 3:00 n.h.

Talakayan tungkol sa mga isyu ng pagsasalin ng mga akdang ginagamit sa pagtuturo at pananaliksik​

Tampok sina Dr. Nilo Ocampo at Asst. Prof. Tilde Acuña mula sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, Prof. Wystan de la Peña at Asst. Prof. Rosalinde Fleur Zapata mula sa Departmento ng Wikang Europeo bilang mga tagapagsalita at Dr. Jovy Peregrino bilang tagapagpadaloy.

Watch here

KWENTONG MULAT: The Diliman Commune Virtual Pasyal

12 Marso, 6PM


View Program Flow

Watch here

Given the limits on movement brought about by the current situation, the UP Asian Institute of Tourism aspires to contribute in commemorating the significant role the University and its people played to uphold freedom during the Martial Law period via an interactive virtual tour. This project aims to redevelop and reprogram the Diliman Commune Walking Tour into an interactive virtual tour, create the content for the Diliman Commune Virtual Tour, conduct trainings for the virtual tour guides and escorts, and produce the Diliman Commune Virtual Tour in a video format.

Talastasan sa Kasaysayan: Serye ng mga Webinar


Ang mga tema ng eksibisyon ay naka-angkla sa siyam na araw ng Diliman Commune at mga perspektiba ukol dito. Ang mga bahagi ng eksibit ay maglalahad ng lawak at lalim ng ugnayan ng Diliman Commune sa kasaysayan ng UP at ng bayang Pilipino. Ang mga elemento ng eksibisyon ay magbibigay ng repleksyon at interpretasyon sa mga pangyayari noong Pebrero 1971 mula sa lente ng kasaysayan, malikhaing pagsulat at panitikan, mga tradisyong oral, at creative video documentaries na tatampukan ng mga saksi sa kasaysayan ng Diliman Commune. Nakatuntong sa konsepto ng public history, ang perspektibang pangkasaysayan ay makikipagdiyalogo sa mga panulat ni Jose Rizal na humihikayat sa kabataang Pilipino na magkaroon ng papel sa paglikha ng lipunang Pilipino.

Webinar 1: 50th Anniversry of the Diliman Commune: Celebrating the Legacy of the Diliman Commune

02 February (Tuesday)  |  2:00 p.m. - 4:00 p.m. via Zoom
Guest Speakers: Bonifacio P. Ilagan and Judy M. Taguiwalo

Watch here


Webinar 2: 500th Anniversary of the Mass at Limasawa: The Confusion and Contention Over Mazaua

16 March (Tuesday) | 4:00 p.m. – 6:00 p.m. via Zoom
Guest Speakers: Dr. Antonio Sanchez De Mora and Fr. Antonio De Castro, SJ

Watch here


Webinar 3: 500th Anniversary of the Cebu Part in the First Circumnavigation of the World: Understanding 16th-Century Visayan Society

7 April (Wednesday)  | 2:30 p.m.– 4:30 p.m. via Zoom
Guest Speakers: Dr. Jose Eleazar R. Bersales and Dr. Rolando O. Borrinaga

Watch here


Webinar 4: 500th Anniversary of the Victory at Mactan: Mapping Perspectives on Indigenous Warfare

23 April (Friday) | 2:30 p.m. – 4:30 p.m. via Zoom
Guest Speakers: Dr. Felice Noelle Rodriguez and Dr. Jose Amiel P. Angeles

Watch here


Engkwentro: Salaysay ng Diliman Commune (A Virtual Exhibition)

Inilunsad noong 9 Pebrero 2021


Visit the exhibit here

Ang mga tema ng eksibisyon ay naka-angkla sa siyam na araw ng Diliman Commune at mga perspektiba ukol dito. Ang mga bahagi ng eksibit ay maglalahad ng lawak at lalim ng ugnayan ng Diliman Commune sa kasaysayan ng UP at ng bayang Pilipino. Ang mga elemento ng eksibisyon ay magbibigay ng repleksyon at interpretasyon sa mga pangyayari noong Pebrero 1971 mula sa lente ng kasaysayan, malikhaing pagsulat at panitikan, mga tradisyong oral, at creative video documentaries na tatampukan ng mga saksi sa kasaysayan ng Diliman Commune. Nakatuntong sa konsepto ng public history, ang perspektibang pangkasaysayan ay makikipagdiyalogo sa mga panulat ni Jose Rizal na humihikayat sa kabataang Pilipino na magkaroon ng papel sa paglikha ng lipunang Pilipino.

enKWENTrO: Mga Kwento ng Enkwentro (A Public Art Installation Project)

by Prop. Toym Imao

Ilulunsad sa 1 Pebrero | UP Oblation Plaza


View Gallery

“enKWENTrO” is a two-part art installation which consists of “Barikada” which is made of bamboo, repurposed condemned/old campus furniture, components from past installations, particularly coming from “Nagbabadyang Unos” (Gathering Storm) in 2020. Assembled and painted red, they form two towering barricades in the Oblation Plaza, near the actual barricades set up by students in 1971.

“Barikada” is the descended form of “Nagbabadyang Unos,” a suspended artwork that represents the protests and mobilizations that started on the historic steps of Palma Hall in 1970 during the First Quarter Storm and culminated in the siege of the university in 1971 during the Diliman Commune with the barricades that were set up by students and the UP community along the main portals of the campus. Barikada, with its bamboo components and hanging messages and stories embedded in the installation, is also a homage to the artist Jose Luis Yee or Junyee’s art installation “Balag” made of the same materials, and constructed during the year of the First Quarter Storm. That important work is technically the first art installation done in UP Diliman 50 years ago by an artist who is acknowledged as the pioneer of installation art in the Philippines.

“Muebles”, which means either furniture or apparatus, refer to around 50 upcycled class tables, student’s desks, and chairs wherein sculptural relief and in-the-round components are embedded in the furniture to represent narratives from events leading to the Diliman Commune of 1971. These sculptural elements were inspired from actual documented accounts and events during the early years of the Marcos dictatorship. The concept of this collection of specially designed furniture is to represent the classroom as not only a sacred space of learning but also a venue for one’s awakening into the painful histories and realities of a nation. For a period of three days before February 1 (the first day of the Diliman Commune) these muebles will travel from three separate points in the campus – the centers of mobilizations of students: the Palma and Melchor Hall Steps, and the Vinzons Hall Plaza (where the monument of Andres Bonifacio is located). These “travelling” muebles will be documented with photographs and caption stories along the empty roads, street corners, steps, and buildings of the campus and will culminate with their final placement within the “Barikada” installation at the Oblation plaza.

Barikada Singkwenta: Pagpupugay at Paggunita (a late afternoon vigil)

1 Pebrero, 5:30PM | UP Diliman Official Facebook Page


Watch the full show here

Watch the Diliman Commune Documentary Series

Ang maikling programang ito ay isang taimtim na pag-alaala sa pangunguna o pagiging bahagi ng mga kabataan o ng mga mag-aaral na mabigyan ng pansin ang lumalalang isyung panlipunan noong dekada '70. Nais ng komite ng paglulunsad na bigyang-pugay ang mga mag-aaral, isa na rito si G. Pastor Sonny Mesina, na nagbuwis ng kanilang buhay para sa adhikaing ito.