Skip to main content
Navigation

UP Diliman Arts and Culture Festival 2020

Noong taong 2020, kaalinsabay ng komemorasyon ng ika-50 taong anibersaryo ng Sigwa ng Unang Kwarter o First Quarter Storm (FOS), ang Opisina ng Tsanselor, sa pamamagitan ng UP Diliman Opisina ng Pagpapasimuno sa Kultura at mga Sining (UPD- OICA), ay bumuo ng mga gawaing may layunin na maimulat sa kasalukuyang mag-aaral ang kahalagahan ng FQS sa pamamagitan ng iba’t ibang anyong sining. Ang mga gawain rin ay may layuning mapag-usapan ang kontribusyon ng aktibismo sa paglago ng makataong lipunang Filipino at maisakonteksto ang aral ng Sigwa ng Unang Kwarter sa kasalukuyang panahon.



Ang tema sa taong ito ng UP Diliman Arts and Culture Festival ay “Makita Kang Sakdal Laya” mula sa kundiman na “Bayan Ko”, titik ni Jose Corazon de Jesus at komposisyon ni Constancio de Guzman. ltinanghal sa mga dulang tulad ng sarsuwela, naging bahagi ng pag-awit ng “Bayan Ko” ang pakikibaka laban sa kolonisasyon, kung kaya’t itinuturing itong musika ng protesta at pakikibaka laban sa pang-aapi sa sambayanang Pilipino.

Maaaring i-download ang UP Diliman Arts and Culture Festival 2021 Omnibus Program sa:

OMNIBUS PROGRAM




FQS: Konsyertong Bayan sa Ika-50 Taon
NAGBABADYANG UNOS: lnstallation Art to Commemorate FQS ni Toym lmao
HIMIGSIKAN: Mga Piling Kanta ng Dekada Sitenta
10th Asian Regional Conference of the ILERA: “Workers Voice and Representation and Labor Activism in The First Quarter Storm (FQS) of 1970”

MGA INISYATIBA NG IBANG YUNIT AT MAG-AARAL

Ang iba’t-ibang yunit at mga organisasyon ng estudyante sa UP Diliman ay inimbitahang magsagawa ng mga inisyatibong proyekto sa buwan ng Pebrero at Marso 2020 na tutugma sa tema na Makita kang Sakdal Laya. Ang mga proyekto na ito ay naka-angkla sa mga tema ng FQS tulad ng pakikisangkot sa mga isyu ng lipunan, karapatang pantao, ang rebalwasyon ng sining bilang instrumento ng transpormasyon ng lipunan, ang malawakang pag-unawa sa kasaysayan ng pakikibaka ng mga Pilipino, at iba pa.


Dulaang UP⁠—Nana Rosa (Restaging)
UP LIKAS⁠—Barikada: Isang Sampaksaang Paggunita sa Panahon ng Sigwa ng Unang Kwarter


BARIKADA: Aktibismo at Pakikibakang Inianak ng Sigwa

19 Pebrero | 4-7PM | PAV 1 1318-1320, Palma Hall, UP Diliman

Tatalakayin sa sampaksaang ito ang pagsasakonteksto sa mga karanasang naganap sa Sigwa ng Unang Kwarto nag-anak ng aktibismo at pakikibaka ng mga mag-aaral laban sa karahasan at katiwalian. Bilang bahagi rin ng pagdiriwang ng ika-32 taong anibersaryo ng UP LIKAS, itatampok din dito ang naging papel ng organisasyon at mga kasapi nito sa paglaban sa diktadura. Higit sa lahat, tatanawin ang sampaksaang ito bilang hamon sa mga kasalukuyang mag-aaral para kilalanin at itaguyod ang isang kritikal at mas makabuluhang pag-aaral ng kasaysayan.

Dulaang UP: Nana Rosa (Restaging)

27 Pebrero-8 Marso | Wilfrido Ma. Guerrero Theater, UP Diliman

On it's 28th Theatre Season, the UP Playwrights' Theatre invites you to once again witness and remember the courage of Maria Rosa Henson, the first Filipino Comfort Woman to make her story public.

Nana Rosa is written by Rody Vera, and is under the direction of José Estrella.

10th Asian Regional Conference of the International Labor and Employment Relations Association (ILERA): "Workers Voice and Representation and Labor Activism in The First Quarter Storm (FQS) of 1970"

3-4 Disyembre | via Zoom and FB


Para sa komemorasyon ng First Quarter Storm (FOS), tinalakay ng kumperensya ang mga isyu ng manggagawa mula sa representasyon ng aktibismo ng mga manggagawa noong 1970's. Ang kumperensya ay pinangasiwaan ng School of Labor and lndustrial Relations (SOLAIR) sa pamumuno ni Prof. Maragtas S.V. Amante at Dekana Ronahlee A. Asuncion. Mayroong photo eksibit na nagtatampok ng iba't-ibang pananaliksik sa porma ng interbyu, larawan, naratibo mula sa mga karanasan ng UP fakulti, kawani, mag-aaral, at mga manggagawa noong '70s.

Watch the video recordings here


Ang Kondisyon ng Manggagawang Pilipino: A Round Table Forum on Labor Militancy

14 Nobyembre | via Zoom

Kaugnay ng 10th ILERA Asian Regional conference, itinatampok sa isang round table forum ang mga napapanahong isyu tungkol sa paggawa katulad ng "endo", kontraktwalisasyon, pagsasamantala, ang konsepto ng "freelance work" bilang anyo ng pang-aalipin, at iba pang mga kaugnay na isyu. Kabilang sa mga tagapagsalita ay si UP SOLAIR Professor Emeritus Dr. Rene E. Ofreneo.

HIMIGSIKAN: Mga Piling Kanta ng Dekada Sitenta

23 Pebrero | 5:00 n.h. | UP Carillon Plaza

Itinampok ang iba't- ibang banda na tumugtog ng makabagong timpla at areglo ng mga awiting narinig noong 1970s. Muling nanumbalik ang diwa ng aktibismo at protesta sa pamamagitan ng konsyerto na bukas para sa lahat. Sa pakikipagtulungan sa SUSI, ang konsyerto ay naglalayon na magbigay-puwang sa iba't-ibang porma ng musikang popular dahil itinuturing itong epektibong sandata ng pagmumulat ng sambayanan.

NAGBABADYANG UNOS: lnstallation Art to Commemorate FQS ni Toym lmao

7 Pebrero - 23 Pebrero | 6:00 n.g. | AS Steps, Palma Hall

Magkokomisyon ng installation art sa AS lobby ng Palma Hall, isa sa mga makasaysayang lugar sa UP Diliman lalo na noong panahon ng masidhing akitibismo ng mga estudyante at guro ng UP. Layunin ng installation art na mapukaw ang interes at damdamin ng mga mag-aaral na pag-aralan ang partikular na kasaysayan na ito ng Unibersidad, upang sa gayon ay patuloy na mapag-usapan, mapagnilayan, at maging bahagi ito ng kanilang sensibilidad at kamalayan bilang iskolar ng bayan. Malawak at malalim na ang pag-aaral at praxis ni lmao sa installation art, site-specific art, at assemblage na gumagamit ng mga makabuluhan na bagay sa kapaligiran, na isinasagawa niya bilang lunsuran ng diskurso ng kasaysayan ng sambayanan at adbokasiya sa hustisyang panlipunan.

FQS: Konsyertong Bayan sa Ika-50 Taon

7 Pebrero | 6:00 n.g. | AS Steps, Palma Hall

WATCH THE FULL CONCERT HERE

VIEW EVENT PHOTOS


Isang konsyerto na pinangunahan ng panulat ni Bonifacio llagan, direksyon ni Chris Millado, at direksyon sa musika ni Prof. Josefino Toledo, kasama ang pagtatanghal ng mga nangungunang koro sa bansa at Unibersidad ng Pilipinas Diliman - UP Singing Ambassadors, UP Staff Chorale, UP Cherubim and Seraphim, at AUIT Vocal Chamber Ensemble. Kasama rin ang mga artista ng bayan mula sa Surian ng Sining, lnc. (SUSI) at Concerned Artists of the Philippines (CAP).

Ang programa ay naglalayon na mailahad ang mga naratibo hinggil sa pagkamit ng kalayaan at soberanya bilang bansa. Ang musika kasama ng mga tula at dramatisasyon ay magpapanumbalik sa Sigwa na naging marka ng henerasyong may panata sa pagtataguyod at pagsisilbi para sa bayan.

Ang nasabing konsyerto ay ginanap sa AS Steps at kalsada sa tapat ng Palma Hall. Kung babalikan ang kasaysayan ng lugar na ito, naging mahalaga ang espasyo ng loob at labas ng gusaling Palma sa pakikibaka ng mga estudyante at guro noong 70's.