Skip to main content
Navigation

About UP Diliman (Community & Heritage)

Tungkol sa UP Diliman (Komunidad at Pamana)

UP Diliman Narratives of Place


In 2019, to commemorate the 70th year of the University of the Philippines’ move from its 10-hectare original site in Ermita, Manila to its 493-hectare campus in Diliman, Quezon City, an exhibit was held at the Bulwagan ng Dangal University Heritage Museum on February 15 to April 12 entitled Lupang Hinirang: Mga Kuwento ng Pagsasalugar ng UP Diliman. The exhibit was a project component of the UP Diliman Arts and Culture Festival in 2019. The faculty, students, alumni, and representatives of Barangay UP Campus and Barangay Krus Na Ligas contributed to the exhibit.


Through a combination of archival research, oral history methods, and installation art, the exhibit explores the contextual understanding of the relationship of history, people, site, structures, sound and material culture, serving as the basis of understanding UPD as an active heritage site.

Noong 2019, sa paggunita sa ika-70 taon ng paglipat ng Unibersidad ng Pilipinas mula sa 10-ektaryang orihinal nitong lokasyon sa Ermita, Maynila patungo sa 493-ektaryang kampus sa Diliman, Lungsod Quezon, idinaos ang isang eksibit sa Bulwagan ng Dangal University Heritage Museum mula Pebrero 15 hanggang Abril 12 na pinamagatang Lupang Hinirang: Mga Kuwento ng Pagsasalugar ng UP Diliman. Bahagi ang eksibit na ito ng UP Diliman Arts and Culture Festival noong 2019. Nag-ambag sa eksibit na ito ang mga guro, mag-aaral, alumni, at kinatawan mula sa Barangay UP Campus at Barangay Krus na Ligas.


Sa pamamagitan ng pinagsamang pananaliksik sa artsibo, mga metodo sa oral na kasaysayan, at sining ng instalasyon, tinalakay ng eksibit ang ugnayan ng kasaysayan, tao, lugar, estruktura, tunog, at materyal na kultura, na batayan ng mas malalim na pag-unawa sa UPD bilang isang buháy at aktibong pamanang pook.