Skip to main content
Navigation

The UPD Art Collection

The UPD Art Collection

Ang UPD Koleksiyong Sining

UPD is steward to many artworks and heritage objects under the care of various units on campus. In 2017, the University Collection Mapping (UCM) project was developed with the goal of updating the 1986 inventory as published in the University Art Collection. The project was also mandated to expand the definition of the university collections beyond the fine arts, to include archeological and ethnographic materials, and selected heritage furniture that contains historical significance to the institutions and its functions.


The outputs of the project include a database that may be accessed by scholars, researchers, conservators, art managers, and art policy makers; and a publication, Adhika: Vision and Legacy (2020) which offers thematic essays reecting on art history, public art, archaeological and ethnographic materials, and heritage furniture, as they pertain to objects that have functioned as a “teaching collection” used as a pedagogical tool in the early years on the university, becoming later on as part of the “university collections” anchored on institutional histories and disciplines. Moreover, the UCM project hopes to encourage research on these collections, and to promote interdisciplinary collaborations on the study of art and culture, through the lens of UP’s intellectual history.

Tagapangalaga ang UPD ng maraming likhang-sining at pamanang bagay na nasa pag-iingat ng iba’t ibang yunit sa kampus. Noong 2017, binuo ang proyektong University Collection Mapping (UCM) na may layuning isapanahon ang 1986 imbentaryo na inilathala sa University Art Collection. Mandato rin ng proyekto ang palawakin ang depinisyon ng koleksiyon ng unibersidad lampas sa tradisyonal na sining biswal upang maisama ang mga arkeolohiko at etnograpikong materyal, gayundin ang piling pamanang muwebles na may kabuluhang historikal sa mga institusyon at sa tungkulin ng mga ito.


Kabilang sa mga awtput ng proyekto ang isang database na magagamit ng mga iskolar, mananaliksik, tagapag-ingat, tagapamahala ng sining, at mga tagapagbuo ng patakaran sa sining; at ang publikasyong Adhika: Vision and Legacy (2020) na naglalaman ng mga tematikong sanaysay tungkol sa kasaysayan ng sining, publikong sining, arkeolohiko at etnograpikong materyales, at pamanang muwebles, kaugnay ng mga bagay na nagsisilbing “koleksiyong panturo” sa mga unang taon sa unibersidad, at naging bahagi kalaunan ng “koleksiyon ng unibersidad” na nakaangkla sa mga institusyonal na kasaysayan at disiplina. Dagdag pa, layunin ng proyektong UCM na hikayatin ang pananaliksik hinggil sa mga koleksiyong ito, at isulong ang mga interdisiplinaryong kolaborasyon sa pag-aaral ng sining at kultura mula sa lente ng intelektuwal na kasaysayan ng UP.


Adhika: Vision & Legacy

Learn more about the University of the Philippines Diliman Collections book.

UPD Public Art and Buildings

Features a map from Pasyal: UP Diliman Art Trail (2017) showing the public art and buildings around the UP Diliman campus