Letters to the Future – KALOOB
Dear Charo (Creative Hardworking ARtists all Over)
Sa pagsasara ng ating Arts and Culture Festival ngayong taon, may kaloob na liham ang ating mga artista-iskolar para sa mga kapwa artista at aspiring creative content creators. Ito ay words of encouragement and affirmation na magpatuloy lang sa paglubog sa mga komunidad at sa paglikha ng sining na mula at tungo sa bayan.
Para sa mga susunod na Artista-Iskolar-Manlilikha ng Bayan, nawa ang inyong sining ay magsilbing paalala na hindi limitado sa pagiging pansariling libangan lamang ang paglikha; bagkus, gamitin ang inyong kakayahan na magbigay-kulay at -sigla sa isang lipunan na unti-unting binabalot ng kawalan. Nawa ay paglingkuran ang sambayanan sa pamamagitan ng pagiging isang liwanag na siyang kailangan upang labanan ang kadiliman. At laging tandaan na lagi’t lagi, dangal muna bago ang husay, hindi lamang sa pagkatha, ngunit maging sa ating buhay.
Mula sa Bayan, Para sa Bayan! Padayon, mga susunod na Artista-Iskolar-Manlilikha ng Bayan!
-Tops

Para sa mga kabataan, bagong henerasyon ng artista-iskolar-manlilikha,
Nawa’y patuloy kayong mag-aral, magsaliksik, at tumuklas ng mga bagong anyo ng sining. Palagi ninyong isaisip ang mga nangyayari sa ating paligid. Ito ay isang paraan upang patuloy nating maitaguyod ang karapatang pantao at karapatan ng kalikasan.
Gamit ang ating talino, lakas ng loob, at talento, madaling maipapakita ang kondisyon ng kalikasan at ng tao, gamit ang ating kakayahan sa paglikha.
Maging mapagmasid at kritikal sa lahat ng bagay, gayundin, maging mapagpakumbaba at mapagmahal sa kapwa. Palagi nating isaisip na hindi tayo naiiba sa ating kapwa. Patuloy tayong kumilos, lumikha ng mga bagong estratehiya at makabagong paraan para sa ikauunlad ng sambayanan.
Nagmamahal,
Yllang

Sundin ang ibinubulong ng iyong puso!
Huwag mapagod.
-Fuu
Huwag mapagod.
-Fuu
From one artist to another,
You might think that it’s not a wise choice to be in this field because some of us think that we are not good enough or that often we do not get recognized unless we have all the connections and the funds. But these thoughts don’t stop you right? You continue to strive to create an identity unique from the rest.
Remember—art is experimental. It is never perfect and is always evolving. You, the next generation, make art better each time because of the magic you put in it.
-Thalia

Sa mga artista-iskolar-manlilikha ng susunod na henerasyon,
Hi!
Tiyak kong sining ang ginagawa mo ngayon dahil masaya kang gawin ang bagay na iyan. Sa sining mo nakikita ang saysay at katuturan ng buhay.
Masaya akong masaya ka sa ginagawa mo! 🙂
Katulad din ng ibang mga larangan, may mga pagkakataon na hindi madali; may mga sitwasyong susubukin ang iyong lakas, tapang, katapatan, at dedikasyon. Sige lang! Kaya yan! Bagama’t may mga nagsasabi’t nagtatakda ng uri at kalidad ng sining na kailangan mong gawin o pagtuunan ng pansin, huwag mong kalilimutan na ang isa sa may hawak ng kapangyarihan ng pagsasabi’t pagtatakdang ito ay walang iba kundi ikaw mismo. Higit kaninuman, ikaw ang nakakaalam ng sining na ginagawa mo; ng direksiyong tatahakin ng pananaliksik sa sining na pinagkakadalubhasaan mo. Isa-isa lang. Hinay-hinay lang.
Panghuli, may kakaibang lalim na hatid ang paglikha ng sining na nakatunghay para sa higit na pag-unlad hindi lamang ng sarili kundi pati na rin ng komunidad at lipunan. Lagi mo nawang alalahanin ang bagay na iyan.
Padayon!
-fredyl

Hindi madaling pagtagumpayan ang mga nais makamit sa ating buhay, ngunit bigyan natin ng lakas ng loob, tibay ng dibdib, at pagpapakumpababa ang mga bagay na ating sisimulan. Gamiting perspektibo ang pananaliksik upang tingnan ang mga bagay na ating binigigyan ng oras at atensiyon. Pag-aralan kung saan nag-uugat ang nasa ating harapan. At tuklasin kung ano ang karagdagan mong maiaambag sa kasalukuyan at sa hinaharap. Tulay ka na nag-uugnay, pag-asa ng nakaraan, at daan tungo sa kinabukasan, at ito ang oras mo. Manalig ka sa kabutihan at katapatan nang magbunga ang iyong buhay at ang iyong sining.
-Annie
-Annie
Kumusta, Iskolar? Nais ko lamang ibahagi ang mga katagang: mabuhay, magpursigi, at mamukadkad. Huwag na huwag mong susukuan ang talentong ipinagkaloob ng Diyos sa iyo sapagkat alam Niya na ikaw ay uunlad sa landas na tinatahak mo. Kahit anong balakid ang iyong harapin, patuloy mo lamang hanapan ng oportunidad upang ito’y maresolba. Alam ko na ikaw ay isang mapamaraan na iskolar dahil hindi ka nakatayo kung nasaan ka ngayon kung hindi rin dahil sa iyong kakayahan—matutuhan mo nawang maniwala sa iyong sarili, sa iyong lakas ng loob. Lumikha ka lamang nang lumikha dahil pagdating sa dulo, kahit gaanong hirap ang iyong pinagdaanan, lahat ng ito’y magbubunga.
-VIII
-VIII
Mabuhay, mga artista-iskolar-manlilikha!
Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan kung saan pinapahalagahan ng lipunan ang inyong mga likha, pananaw, at ideya. Kung hindi, sana alam ninyo na may kasama kayo sa paglikha—noon, ngayon, at sa hinaharap.
Sana, hindi lang kayo lumilikha, kundi lumulubog din sa komunidad, pinapalawak ang inyong pananaw, at tumitindig para sa pagrespeto sa mga karapatan ng iba. Gamitin ang inyong pagiging MALIKHAIN upang MAGPALAYA ng sarili at ng iba!
Padayon tungo sa mas mabuting hinaharap!
-Malipay