Ngayong ika-124 Araw ng Kalayaan, ating ipagdiwang ang kasarinlan ng ating bayan at gunitain ang mahabang panahon ng pagpupunyaging makamit ito mula sa panloob at dayuhang pangingikil.
Sa mga panahon ng dilim at ligalig, nasa kamay natin ang patuloy na pakikibaka at pagsasakatuparan ng isang malaya at mapagpalayang bukas.
Pinakamataas na pagpupugay sa kagitingan ng bawat Pilipinong nag-alay ng kanilang buhay upang ipaglaban ang kasarinlan ng ating bayan!
Sa ika-80 taon anibersaryo ng Labanan sa Bataan, ating ipagdiwang hindi lamang ang mga kabayanihang ipinamalas, ngunit pati na rin ang patuloy na pananalaytay ng lakas at giting sa kasalukuyang pakikibaka para sa kalayaan at kaligtasan ng lahat.
#ArawNgKagitingan
References: National Commission for Culture and the Arts (NCCA), “PHILIPPINE HISTORY SOURCE BOOK: Annotated Compilation of Selected Philippine History Primary Sources and Secondary Works in Electronic Format,” p. 297, via https://ncca.gov.ph/2021/08/27/philippine-history-source-book/ accessed 6 April 2022
Images: Designer: Victorino Z. Serevo/Philippine Postal Corporation, Public domain, via Wikimedia Commons W.wolny, Public domain, via Wikimedia Commons
Sa ika-36 anibersaryo nito, ating gunitain ang EDSA People Power Revolution, isang yugto ng ating kasaysayan na nagpamalas sa husay at tapang ng mga Pilipino na kolektibong nakibaka para sa matagal na ninakaw na kalayaan, karapatang pantao, at demokrasya.
Mula sa UP Diliman Opisina ng Pagpapasimuno sa Kultura at mga Sining, maalab na pagpupugay kay Dr. Jose P. Rizal at sa mga pamanang iniwan niya gamit ang galing at talino upang patuloy na gampanan ng bawat Pilipino, lalo ng mga kabataan, ang kanilang tungkulin sa sarili, kapwa, at bayan!
—— Ang Sa Kabataang Pilipino (A La Juventud Filipina) ni Rizal rin ang pangunahing lenteng ginamit sa pagbuo ng Engkwentro: Sa(la)ysay ng Diliman Commune virtual exhibit, na nagsasabuhay ng naging papel ng kabataan noong Diliman Commune.
Nakikiisa ang UP Diliman Opisina ng Pagpapasimuno sa Kultura at mga Sining sa paggunita ng ika-158 Araw ng Kapanganakan ni Andres Bonifacio.
Lumipas man ang mahabang panahon, ang pag-aalay ni Bonifacio ng kanyang buong buhay para sa pakikibaka upang makamit ang kalayaan ng mga Pilipino ay nagsisilbi pa ring inspirasyon para sa tunay na pagkakaisa at pagwawaksi ng mga ligalig, takot, at inhustiyang panlipunan hanggang ngayon.