Skip to main content
Navigation

Araw ng Kagitingan (Day of Valor) – April 9, 2022

9 ABRIL 2022

Pinakamataas na pagpupugay sa kagitingan ng bawat Pilipinong nag-alay ng kanilang buhay upang ipaglaban ang kasarinlan ng ating bayan!

Sa ika-80 taon anibersaryo ng Labanan sa Bataan, ating ipagdiwang hindi lamang ang mga kabayanihang ipinamalas, ngunit pati na rin ang patuloy na pananalaytay ng lakas at giting sa kasalukuyang pakikibaka para sa kalayaan at kaligtasan ng lahat.

#ArawNgKagitingan


References:
National Commission for Culture and the Arts (NCCA), “PHILIPPINE HISTORY SOURCE BOOK: Annotated Compilation of Selected Philippine History Primary Sources and Secondary Works in Electronic Format,” p. 297, via https://ncca.gov.ph/2021/08/27/philippine-history-source-book/ accessed 6 April 2022

Images:
Designer: Victorino Z. Serevo/Philippine Postal Corporation, Public domain, via Wikimedia Commons
W.wolny, Public domain, via Wikimedia Commons

Rizal Day – 30 December 2021

30 DISYEMBRE 2021

Mula sa UP Diliman Opisina ng Pagpapasimuno sa Kultura at mga Sining, maalab na pagpupugay kay Dr. Jose P. Rizal at sa mga pamanang iniwan niya gamit ang galing at talino upang patuloy na gampanan ng bawat Pilipino, lalo ng mga kabataan, ang kanilang tungkulin sa sarili, kapwa, at bayan!

#RizalDay

——
Ang Sa Kabataang Pilipino (A La Juventud Filipina) ni Rizal rin ang pangunahing lenteng ginamit sa pagbuo ng Engkwentro: Sa(la)ysay ng Diliman Commune virtual exhibit, na nagsasabuhay ng naging papel ng kabataan noong Diliman Commune.

Para sa iba pang kaalaman, bisitahin ang engkwentro.upd.edu.ph.

Bonifacio Day – 30 November 2021

30 NOBYEMBRE 2021

Nakikiisa ang UP Diliman Opisina ng Pagpapasimuno sa Kultura at mga Sining sa paggunita ng ika-158 Araw ng Kapanganakan ni Andres Bonifacio.

Lumipas man ang mahabang panahon, ang pag-aalay ni Bonifacio ng kanyang buong buhay para sa pakikibaka upang makamit ang kalayaan ng mga Pilipino ay nagsisilbi pa ring inspirasyon para sa tunay na pagkakaisa at pagwawaksi ng mga ligalig, takot, at inhustiyang panlipunan hanggang ngayon.

#BonifacioDay

Poster by Josee Marie Pleños

Pagbabalik sa siyam na araw ng Diliman Commune ngayong Araw ng mga Manggagawa

Sa Araw ng mga Manggagawa (Labor Day), nakikiisa ang UPD-OICA sa ating mga manggagawa at sa pagtatanggol ng kanilang mga karapatan – ang pagprotekta at pagtaguyod sa pagkakaroon nila ng regular na trabaho (full employment) at ang pagkakaloob sa kanila ng pantay na pagkakataong magtrabaho o lumikha, na hindi inaalintana ang katauhang pangkasarian, katayuan sa buhay, o relihiyon.

Sa araw ring ito, balikan natin ang siyam na araw ng Diliman Commune at sariwain ang matibay na suporta ng mga estudyante sa mga tsuper ng dyip para kondenahin ang pagtaas ng presyo ng gasolina noong 1970s.

Pakinggan ang mga tagapagsalaysay na sina Atom Araullo, Sarah Elago, Rex Nepomuceno, Shan Abdulwahid, at Gio Potes. Pakinggan ang buong playlist.