
Events
Events
Mga Gawain
Events held annually have become platforms of campus tradition and artistic collaborations, working on themes that resonate with the times. Annual events spearheaded by OICA are the UP Diliman Arts and Culture Festival, UP Foundation Day, and Pag-iilaw. OICA has also proactively developed its own initiatives and events for the benefit of the UPD Community and its environs.
OICA participates in other institutional events such as the annual Linggo ng Parangal as a member of an overall Adhoc Committee. As a sub-committee, OICA is usually assigned to special programs and/or site design.
These various events become opportunities for many art activities to flourish in the form of concerts, commissioned new music, experimental dance choreographies, creative programs, site-specific art installations, exhibits, performance art, among others. Moreover, these events provide opportunities for collaborations between artists and as training ground for artist-students of UPD.
OICA also supports events organized by the various units and student organizations that contribute to the arts and cultural landscape of UP Diliman. These activities include many kinds of art and culture-based projects, workshops, conferences, public lectures, and seminars. These events are in conjunction with OICA’s mandate to develop venues on campus, including the possible activation of heritage spaces as sites of performances. With the shift to online learning, events have also utilized virtual spaces as a viable space for linking the UP community during the pandemic.
Naging bahagi na ng tradisyon sa kampus ang mga taunang gawain at mga malikhaing kolaborasyon, na nakatuon sa mga napapanahong tema. Pinangungunahan ng OICA ang taunang mga gawain gaya ng UP Diliman Pista ng mga Sining at Kultura, UP Foundation Day, at Pag-iilaw. Masigasig din ang OICA sa pagpapaigting ng mga programa at gawain para sa kapakinabangan ng komunidad ng UPD at sa mga nakapaligid dito.
Nakikilahok ang OICA sa iba pang pagdiriwang ng institusyon gaya ng taunang Linggo ng Parangal bilang miyembro ng pangkalahatang Komiteng Adhoc. Bilang subkomite, karaniwang itinatalaga ang OICA sa mga espesyal na programa at/o pagdidisenyo ng lugar.
Nagiging pagkakataon ang mga gawaing ito para sa iba’t ibang aktibidad pansining tulad ng mga konsiyerto, kinomisyong bagong musika, eksperimental na koreograpiya ng sayaw, malikhaing programa, instalasyong pansining, eksibit, gawaing pansining, at iba pang katulad. Dagdag pa, nagiging oportunidad ang mga gawaing ito para magkaroon ng kolaborasyon ang mga artist at mahubog pa ang kasanayan ng mga artist-mag-aaral ng UPD.
Sinusuportahan din ng OICA ang mga gawaing inorganisa ng iba’t ibang yunit at mga organisasyong pangmag-aaral na umaambag sa sa larang ng sining at kultura sa UP Diliman. Kasama sa mga gawaing ito ang iba’t ibang proyektong nakabatay sa sining at kultura, palihan, kumperensiya, publikong lektyur, at seminar. Bahagi rin ng mandato ng OICA na lumikha ng mga pamanang espasyo sa kampus bilang lugar ng mga pagtatanghal. Sa panahon ng pagkatutong online, isinagawa ang mga birtuwal na paraan upang maipagpatuloy ang mga ugnayan sa komunidad ng UP sa kabila ng pandemya.
Events
Mga Pagdiriwang/Gawain
UP Diliman Arts and Culture Festival
UP Diliman Pista ng mga Sining at Kultura
The UP Diliman Arts and Culture Festival is an annual celebration of the Campus, spearheaded by the UPD Office of the Chancellor through the UPD Office for Initiatives in Culture and the Arts (UPD-OICA) in commemoration of the National Arts Month and the historic exodus of the University campus from its site in Manila to Diliman.
The tradition is more than a decade old, and has become the ultimate venue to showcase not only the creativity and academic excellence of our constituents, but also to share with the nation UP Diliman’s wealth of talents, inspiration, resources and its leadership in culture and the arts.
Isang taunang pagdiriwang ng Kampus ang UP Diliman Pista ng mga Sining at Kultura, pinasisimunuan ng UPD Opisina ng Tsanselor sa pamamagitan ng UPD Opisina ng Pagpapasimuno para sa Kultura at mga Sining (UPD-OICA) bilang paggunita sa Pambansang Buwan ng Sining at sa historikong paglipat ng kampus ng Unibersidad mula sa Maynila patungo sa Diliman.
Mahigit sampung taon na ang tradisyong ito at naging pangunahing venue ito upang maipakita hindi lamang ang pagiging malikhain at mahusay ng mga taga-UP, kundi maibahagi rin nito sa bansa ang angkin nitong yaman sa iba’t ibang talento, inspirasyon, risorses, at ang pangunguna nito sa larang ng sining at kultura.


What’s UP? Archives
What’s UP? Artsibo
What’s UP? is a monthly/bi-monthly joint publication by UPD-OICA and the UP Diliman Information Office (UPDIO) that was published in pamphlet form from February 2006 until January-February 2011. The publication showcases the latest happenings in the UP Diliman Campus.
Archived in this section are the complete digital copies of past What’s UP? issues during the said period
Ang What’s UP? ay publikasyong inilalabas isa o dalawang beses kada buwan ng UPD-OICA at ng UP Opisina ng Impormasyon ng Diliman (UP-DIO). Inilathala ito sa anyong polyeto mula Pebrero 2006 hanggang Enero-Pebrero 2011. Nilalaman ng publikasyong ito ang pinakabagong mga pangyayari at gawain sa Kampus ng UP Diliman.
Naka-artsibo sa seksiyong ito ang kompletong kopyang dihital ng mga nakaraang isyu ng What’s UP?.

Permanent Online Exhibitions
Permanenteng Eksibisyong Online
Various units in UP Diliman began conducting online or virtual exhibits in 2020 and continued during the present pandemic. These exhibits aim to make archived knowledge, ideas, and information in a variety of subject areas accessible through the web, thereby contributing to the growth and expansion of exchanges and engagements through online technology platforms.
Noong 2020, nagsimulang magsagawa ng mga online o birtuwal na eksibit ang iba’t ibang yunit ng UP Diliman at nagpatuloy sa panahon ng pandemya. Layunin ng mga eksibit na makalikha ng artsibo ng mga kaalaman, idea, at impormasyon tungkol sa iba’t ibang larang na maaakses sa web, na makaaambag sa pagyaman at paglawig ng pagpapalitan at pakikilahok sa pamamagitan ng mga platapormang teknolohiyang online.