UP Diliman Month 2016
Panahon ng Luwalhati 2016
(Halaw sa akda ni Pambansang Alagad ng Sining NVM Gonzalez
na pinamagatang, A Season of Grace)
Taun-taon ipinagdiriwang ng UP Diliman ang sining at kultura bilang bahagi ng selebrasyon ng UP Diliman Month. Para sa taong 2016, ginunita ang sentenaryo ng kapanganakan ng apat na pambansang alagad ng sining na sina Lamberto Avellana (Pelikula), Manuel Conde (Pelikula), Severino Montano (Teatro) at NVM Gonzalez (Panitikan). Layunin ng pagdiriwang na buhaying muli ang gunita ng ating mga Pambansang Alagad ng Sining sa pamamagitan ng mga pagtatanghal, lektura at eksibit na magpapatingkad hindi lamang sa kanilang obra maestra kundi maging sa kanilang buhay bilang mga natatanging manlilikha ng bayan. Pinag-uukulan sila ng mataas na pagpapahalaga ng UP Diliman sapagkat ang kanilang mga obra ay hindi kailanman kukupas sa kanilang pagiging mulat sa mga realidad ng lipunang Pilipino.