Skip to main content
Navigation

UP Diliman Month 2016

Panahon ng Luwalhati 2016

(Halaw sa akda ni Pambansang Alagad ng Sining NVM Gonzalez 
na pinamagatang, A Season of Grace)

Taun-taon ipinagdiriwang ng UP Diliman ang sining at kultura bilang bahagi ng selebrasyon ng UP Diliman Month. Para sa taong 2016, ginunita ang sentenaryo ng kapanganakan ng apat na pambansang alagad ng sining na sina Lamberto Avellana (Pelikula), Manuel Conde (Pelikula), Severino Montano (Teatro) at NVM Gonzalez (Panitikan). Layunin ng pagdiriwang na buhaying muli ang gunita ng ating mga Pambansang Alagad ng Sining sa pamamagitan ng mga pagtatanghal, lektura at eksibit na magpapatingkad hindi lamang sa kanilang obra maestra kundi maging sa kanilang buhay bilang mga natatanging manlilikha ng bayan. Pinag-uukulan sila ng mataas na pagpapahalaga ng UP Diliman sapagkat ang kanilang mga obra ay hindi kailanman kukupas sa kanilang pagiging mulat sa mga realidad ng lipunang Pilipino.



Bodabil sa Kampus: Seremonya ng Pagbubukas ng Buwan ng Diliman
Usapang Pambansang Alagad ng Sining: Serye ng Lektura ukol kina Montano, Avellana, Conde, at Gonzalez
Conde sa Dap-ay
Pagpupugay: A Tribute to the National Artists of UP Press
Himigsikan 2016
Avellana sa Arki Ampiteatro
Montano sa UP Theater: The Ladies and the Senator
Konsyerto: Bawat Bata, Artista
Haranafest 2016
Papet Gonzalez: The Bread of Salt
Wanderer in the Night of the World: A Dance Concert featuring the UP Dance Company
Pagtahak sa Kaluwalhatian: Dulaang UP’s Tisoy Brown: Hari ng Wala
Elevate 2016: Utak at Puso: The UP Pep Squad Concert
Gabi ng Luwalhati: Seremonya ng Pagwawakas