UP Diliman Arts and Culture Festival 2023
Ang konsepto ng KALOOB na maaaring mangahulugan ng “handog, ambag, regalo, alay, donasyon, pamana, alaala” ay nagbibigay-diin sa pakikipag-ugnayan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng diwa ng pagbibigayan at pakikipagkapwa. Nabibigkis ang isang pamayanan at bayan sa pamamagitan ng mga gawain na nagpapahalaga sa kalooban ng bawat miyembro nito kung kaya’t ang mga likhang sining na naka-ugat sa karanasan ng bayan ay dapat pagyamanin. Dahil dito, ang konsepto ng “loob” ay masusing pinag-aaralan sa mga larangan ng sining at kultura, partikular sa mga disiplina ng Humanidades at Agham Panlipunan.
Ang tema at adhikain ng UPD Arts and Culture Festival 2023 ay nagnanais magbigay-pugay sa mga tagumpay na natamo ng mga artista-iskolar-manlilikha ng bayan na nagpapamalas ng masusing pag-unawa sa kondisyon ng tao, partikular sa karanasang Pilipino. Sa gitna ng pandemya, mga problemang pangkalikasan, panlipunan, pangkabuhayan, at politikal, kasama na ang pagpigil sa karapatan ng malayang pagpapahayag sa isang demokratikong bansa, ang mga artista-iskolar-manlilikha ay patuloy na lumilikha ng sining na nagmumula at patungo sa bayan.
Ang KALOOB Festival ay pagkakataon na bigyan ng karampatang halaga ang sining at kultura sa pagpapayabong ng kamalayang makatao, sa mga pamamaraang malikhain taglay ang perspektibong kritikal na siyang sandigan ng liberal na edukasyon ng Pamantasan. Ito rin ay handog ng UP Diliman para sa pagdiriwang ng Buwan ng Sining tuwing Pebrero, batay sa Proklamasyon Bilang 683 noong 1991.
Kabilin: Paglulunsad ng UP Diliman Culture Bearers-in-Residence Program
Duyan Ka ng Magiting: Pagpupugay sa mga Bagong Hirang na Pambansang Alagad ng Sining mula sa UP Diliman
Kaloob-Sining Biswal: Mga Likha ng mga Artista-Iskolar ng UP Diliman
Kaloob-Saliksik: Bahaginan ng mga Artista-Iskolar ng UP Diliman
LIKHANG PEYUPS: UP Symphony Orchestra (UPSO) Concert
Himigsikan 2023
Kaloob-Tanghal ng mga Artista-Iskolar ng UP Diliman
IBA PANG INISYATIBA SA ILALIM NG “UP DILIMAN ARTS AND CULTURE GRANTS”
Ang mga inisyatiba ay magmumula sa mga organisasyong pang mag-aaral at mga yunit sa UP Diliman na lilikha ng mga proyekto na tutugon sa tema ng UPD ACF 2023 at gaganapin mula 6 Pebrero hanggang 31 Marso 2023.
UP College of Fine Arts—Limbag at Likhang-Kamay: Papel ng Kababaihang Manlilikha sa Pamumulat
UP Artists’ Circle Fraternity—Mga Awit ng Ating Panahon
UP Department of Linguistics—The 3rd Consuelo J. Paz Lecture
UP Asian Institute of Tourism—Utom Ne Lingon Tboli: Rhythm of Musical Instruments, Songs, and Chants
UP Department of History—SineKas: Screening of “The Restless Heron” (2023) directed by Alan Filoteo
UP Composers of New Music—Mga Alaala at Aral mula at para sa Bayan
TriCollege PhD Philippine Studies Program—PAKARADYAAN: WOMEN WEAVING MËRANAW CULTURE
Sa pagsasara ng ating Arts and Culture Festival ngayong taon, may kaloob na liham ang ating mga artista-iskolar para sa mga kapwa artista at aspiring creative content creators. Ito ay words of encouragement and affirmation na magpatuloy lang sa paglubog sa mga komunidad at sa paglikha ng sining na mula at tungo sa bayan.
Join na sa ✨ Kilalanin Game ✨ aka I Can See Your Work 👀 isang online pa-game upang pagpugayan ang ilan sa mga lumilikha ng sining mula at tungo sa bayan. Ang mga legit na creative content creator! 👩🏽🎨
Halina’t makilahok para sa pagkakataong manalo ng librong “Forming Lineage: The National Artists for the Visual Arts of the University of the Philippines” (2008)!
Sa letrang B!
B-ready na manalo ng exciting prizes sa KALOOBINGO sa UPD Arts and Culture Fest 2023!
Basahin nang mabuti ang mechanics! Accomplish at least 4 out of 6 tasks at ipa-stamp ito sa mga main event ng UPD Arts and Culture Festival 2023 (Duyan Ka ng Magiting, opening program ng Kaloob-Sining Biswal, LIKHANG PEYUPS, at Himigsikan)!
Papunta na tayo sa exciting part!