
Grants & Awards
Grants & Awards
Mga Gawad at Parangal
OICA Grants Program
Programang Gawad Pinansiyal

Financial assistance is given to UPD units and organizations for projects and programs relating to the broad field of culture and arts. These include, but are not limited to cultural and artistic productions, exhibitions, educational workshops, and other artist-support programs. Grants take the form of partial subsidy and shall not exceed the total project cost.
Nagbibigay ng tulong pinansiyal sa mga yunit at organisasyon ng UPD para sa mga proyekto at programa kaugnay ng malawak na larang ng kultura at sining. Kabilang dito, ngunit hindi limitado sa, mga produksiyong pangkultura at pansining, eksibisyon, mga palihang pang-edukasyon, at iba pang programang suporta sa mga artist. Ang mga gawad ay bahagyang tulong lang at hindi lalampas sa kabuoang gastos ng proyekto.
UP Diliman Honorific Award for Student Performing Arts Group (UPD HASPAG)
UP Diliman Honorific Award for Student Performing Arts Group (UPD HASPAG)

This is an incentive program where qualified UPD student performing arts groups are appointed as Official Student Performing Arts Group of UP Diliman for a period of three years. During this period, each group receives an annual monetary grant of P250,000 to be used for special projects and productions.
Programang insentibo ito na ang mga kuwalipikadong UPD student performing arts group ay itatalagang Official Student Performing Arts Group ng UP Diliman sa loob ng tatlong taon. Sa panahong ito, tatanggap ang bawat grupo ng taunang gawad na PHP250,000 na gagamitin sa mga natatanging proyekto at produksiyon.
UP Diliman Performing Arts Scholarship Program (UPD PASP)

This is a scholarship in form of a tuition waiver or stipend (for those covered by the free tuition policy) awarded to deserving student-performers who are members of an Official Student Performing Arts Group of UP Diliman. It is also an honorific award with the title UPD Performing Arts Scholar.
Iskolarsyip ito sa anyo ng tuition waiver o stipend (para sa mga sakop ng libreng matrikula) na ibinibigay sa mga karapat-dapat na mga mag-aaral na tagapagtanghal na miyembro ng isang Official Student Performing Arts Group ng UP Diliman. Isa rin itong parangal na may titulong UPD Performing Arts Scholar.
UP Diliman Visual Arts and Cultural Studies Scholarship Program (UPD VACSSP)

This is a scholarship in form of a tuition waiver or stipend (for those covered by the free tuition policy) awarded to deserving student-performers who are members of an Official Student Performing Arts Group of UP Diliman. It is also an honoric award with the title UPD Performing Arts Scholar.
Iskolarsyip ito sa anyo ng tuition waiver o stipend (para sa mga sakop ng libreng matrikula) na ibinibigay sa mga karapat-dapat na mga mag-aaral na tagapagtanghal na miyembro ng isang Official Student Performing Arts Group ng UP Diliman. Isa rin itong parangal na may titulong Visua
UP Diliman Creative/Critical Thesis Grant in the Arts, Culture, and the Humanities Program (UPD CCTGACH)

This is a competitive thesis grant for undergraduate, master’s, and doctoral UPD students in the following disciplines, but not limited to: painting, sculpture, visual communication, industrial design, architecture, landscape architecture, heritage studies, theatre studies, art studies, comparative literature, area studies, Philippine studies, anthropology, cultural studies, Asian studies, clothing technology, interior design, tourism, and language studies.
The thesis grant is a financial subsidy amounting to P50,000 for undergraduate, P75,000 for master’s and P100,000 for doctoral students. The grant is envisioned to defray some of the student’s expenses in conducting research or producing creative work.
Isang kompetitibong gawad pantesis para sa mga mag-aaral na di-gradwado, master, at doktorado ng UPD sa sumusunod na disiplina, ngunit hindi limitado sa: pagpipinta, eskultura, komunikasyong biswal, disenyong industriyal, arkitektura, arkitekturang hubog-lupain, aralin sa pamanang pangkultura, aralin sa teatro, aralin sa sining, komparatibong panitikan, araling pang-area, araling Filipino, antropolohiya, aralin sa kultura, araling Asyano, teknolohiya ng damit, disenyong panloob, turismo, at araling pangwika.
Ang gawad pantesis ay isang pinansiyal na subsidiya sa halagang PHP50,000 para sa mga mag-aaral na di-gradwado, PHP75,000 para sa master, at PHP100,000 para sa doktorado. Nilalayon ng gawad na ito na makatulong sa ilang gastusin ng mag-aaral sa pagsasagawa ng pananaliksik o paggawa ng malikhaing akda.
OICA Program Logos
Mga Logo ng Programang OICA
The UPD-OICA Program logos were envisioned to be flowers that grow from the “tree of life” that the office’s logo resembles. Inspired by how flowers play a key role in ensuring the persistence and development of plant life through time, the logos act as metaphors to how the programs they represent aspire to nurture and support the artist-scholars of UP Diliman.
Ang mga logo ng mga programa ng UPD-OICA na halos katulad sa logo ng opisina nito ay kahalintulad ng mga bulaklak na tumutubo mula sa “puno ng buhay.” Hango sa mahalagang papel ng mga bulaklak sa pagpapatuloy at pag-unlad ng buhay-halaman sa paglipas ng panahon, nagsisilbing metapora ang mga logo para sa hangarin ng mga programang kanilang kinakatawan—ang alagaan at suportahan ang mga artist-iskolar ng UP Diliman.

The UPD-OICA Grants logo takes off from the likeness of the petals of santan (Ixora coccinea). With the petals arranged in the form of a parol or lantern, the logo was made to tread multiple meanings: warmth, illumination, guide, and gift. It is adorned with a yellow stroke, a stylized lowercase letter ‘g’, which acts as the stem of the flower.

Hango sa anyo ng mga talulot ng santan (Ixora coccinea) ang logo ng mga gawad ng UPD-OICA. Inayos ang mga talulot na tila parol na sumisimbolo sa init, liwanag, patnubay, at handog. Pinalamutian ito ng isang dilaw na guhit at maliit na titik ‘g’, na nagsisilbing tangkay ng bulaklak.

Featuring a lotus flower (Nelumbo nucifera), the logo of the UPD HASPAG and UPD PASP programs represents creativity, because of the ower’s associations with enlightened beauty, rebirth, and transformation. The growth of the scholars and the enhancement of their skills are hinted at by the varying hues of the flower.

Tampok ang isang bulaklak ng lotus (Nelumbo nucifera) ang logo ng mga programang UPD HASPAG at UPD PASP ay sumisimbolo sa pagkamalikhain, dahil sa pagkakaugnay ng bulaklak sa liwanag ng kagandahan, muling pagsilang, at pagbabago. Ipinahihiwatig ng iba’t ibang kulay ng bulaklak ang pag-unlad at pagpapaigting ng kasanayan ng mga iskolar.

Formed with the trumpet-like shape of a yellow bell (Allamanda cathartica) or kampanilya, the UPD-VACSSP logo alludes to how art acts as an instrument to resound or echo advocacies and to amplify voices that speak about issues in society. The breadth of skill in commanding visual form is hinted by the use of the primary colors red, yellow, and blue, which, if mixed together, can produce any color in the spectrum.

Nakaanyong hugis tila-trumpetang kampanilya (Allamanda cathartica), yellow bell sa Ingles, ang logo ng UPD-VACSSP ay nagpapahiwatig ng kung paano nagsisilbing instrumento ang sining sa pagsusulong at pagpapalaganap ng mga adbokasiya at napalalakas ang tinig na nagsisiwalat sa mga isyung panlipunan. Ang paggamit ng pangunahing mga kulay gaya ng pula, dilaw, at asul ay naglalarawan sa lawak ng kasanayan sa pagkontrol ng sining biswal, at kapag pinagsama-sama ay nagpapakita ng kakayahan na lumikha ng kahit anong kulay sa ispektrum.

The general shape of the UPD CCTGACH logo was derived from the gumamela (Hibiscus rosa-sinensis) or tropical hibiscus, with its petals spread out to resemble the pages of an open book. Punctuated with a red plume and a human figure, the logo was made to symbolize research as an endeavor in the fields of arts, culture, and the humanities.

Hango sa gumamela (Hibiscus rosa-sinensis) ang hugis ng logo ng UPD CCTGACH na ang mga nakabukang talulot ay hawig sa mga pahina ng isang bukas na libro. Pinatitingkad ito ng pulang pluma at hubog ng tao, na sumasagisag sa saliksik bilang pagsusumikap sa mga larangan ng sining, kultura, at humanidades.