Skip to main content
Navigation

UP Diliman Honorific Award for Student Performing Arts Group (UPD HASPAG)

The UP Diliman Honorific Award for Student Performing Arts Group (UPD HASPAG) is an awards system under the Artist Support Program of the UPD Office for Initiatives in Culture and the Arts (UPD-OICA). The award is an honorific appointment attained through the endorsements of the OICA Advisory Board and the UPD Chancellor and approval by the Board of Regents (BOR). It aims to further uplift the welfare of student artists and performing arts groups and to give recognition to their role in the academic, cultural, and artistic life of UPD.

As an incentive program for UP Diliman cultural performing groups and student artists, HASPAG gives qualified groups the honorific title “Official Student Performing Arts Group of UP Diliman (OSPAG).” The OSPAG holds the appointment for three years and enjoys an annual creative grant of PhP250,000.00 to be used for the group’s special projects and productions. Student members of an OSPAG are included in the Office of the University Registrar’s priority list for registration and are eligible to apply to the Performing Arts Scholarship Program (PASP) of UPD-OICA.

Ang UP Diliman Honorific Award for Student Performing Arts Group (UPD HASPAG) ay sistema ng parangal sa ilalim ng Programang Suporta sa Artist ng UPD Opisina ng Pagpapasimuno para sa Kultura at mga Sining (UPD-OICA). Isa itong pamitagang pagtatalaga na natatamo sa pamamagitan ng mga pag-endoso ng OICA Lupong Tagapayo at ng UPD Tsanselor at sa pag-aproba ng Lupon ng mga Rehente (Board of Regents). Layunin nitong lalong paunlarin ang kapakanan ng mga mag-aaral ng sining at mga grupong tagapagtanghal at mabigyan ng pagkilala ang kanilang gampanin sa akademiko, kultural, at artistikong buhay ng UPD.

Bilang programang insentibo para sa mga grupong tagapagtanghal at mga artist na mag-aaral, ibinibigay ng HASPAG sa mga kuwalipikadong grupo ang pamitagang titulo na “Official Student Performing Arts Group of UP Diliman (OSPAG).” Dadalhin ng OSPAG ang titulong ito sa loob nang tatlong taon at makakukuha sila ng taunang creative grant na PHP250,000.00 na gagamitin para sa mga espesyal na proyekto at produksiyon ng grupo. Ilalahok ang mga kasaping mag-aaral ng OSPAG sa talaan ng priyoridad ng Opisina ng Rehistrador ng Unibersidad at maaari silang magsumite ng aplikasyon sa Performing Arts Scholarship Program (PASP) ng UPD-OICA.


For further inquiries, please contact the program coordinator at 8981-8500 local VoIP 2659 or send an email to haspag_pasp_oica.upd@up.edu.ph.

Para sa iba pang katanungan, maaaring kontakin ang tagapag-ugnay ng programa sa 8981-8500 local VoIP 2659 o magpadala ng email sa haspag_pasp_oica.upd@up.edu.ph.