UP Diliman Performing Arts Scholarship Program (UPD PASP)

The UP Diliman Performing Arts Scholarship Program (UPD PASP) is a scholarship in the form of a tuition waiver or stipend awarded by the UPD Chancellor to deserving undergraduate student-performers who are members of an Official Student Performing Arts Group of UP Diliman (OSPAG). The scholarship is also an honorific award with the title UPD Performing Arts Scholar. It takes effect during the school year following the time of application. It is renewable every year until the last year of appointment of the recipient’s organization as an Official Student Performing Arts Group of UP Diliman.
Ang UP Diliman Performing Arts Scholarship Program (UPD PASP) ay isang iskolarsyip na nasa anyo ng tuition waiver o stipend na iginagawad ng UPD Tsanselor sa mga karapat-dapat na di-gradwadong mag-aaral na tagapagtanghal na kasapi ng Official Student Performing Arts Group of UP Diliman (OSPAG). Ang iskolarsyip ay isa ding pamitagang gawad na may titulong UPD Performing Arts Scholar. Nagkakaroon ito ng bisa sa akademikong taon pagkaraan ng taon ng aplikasyon. Maaari itong ma-renew kada taon hanggang sa huling taon ng pagkakahirang ng organisasyong recipient bilang Official Student Performing Arts Group ng UP Diliman.
- Honorific title of “UPD Performing Arts Scholar”
- Priority CRS enlistment
- Conferment of certificate and token during Parangal sa Mag-aaral
- Choice of: Tuition Waiver or Stipend
Tuition Waiver – This is a tuition and other school fees (OSF) waiver and is availed by PASP recipients who are not covered by R.A. 10931 Universal Access to Quality Tertiary Education Act or the no tuition policy, or any other tuition waiving grants.
Stipend – This is a semestral allowance of PhP 10,000.00 availed by PASP recipients who are covered by R.A. 10931 Universal Access to Quality Tertiary Education Act or the no tuition policy, or who enjoy other tuition waiving grants.
Important: A PASP scholar is allowed to choose only one (1) between tuition waiver and stipend.
- Pamitagang titulo na “UPD Performing Arts Scholar”
- Priyoridad sa CRS enlistment
- Pagkakaloob ng sertipiko at token tuwing Parangal sa Mag-aaral
- Opsiyon na: Tuition Waiver o Stipend
Tuition Waiver – May waiver sa tuition at other school fees (OSF) at maaaring matamasa ng mga recipient ng PASP na hindi saklaw ng R.A. 10931 Universal Access to Quality Tertiary Education Act o ng no tuition policy o anumang iba pang tuition waiving na gawad.
Stipend – Isa itong semestral na allowance na PHP10,000.00 na matatamasa ng tumanggap ng PASP na saklaw ng R.A. 10931 Universal Access to Quality Tertiary Education Act o ng no tuition policy, o ng tumatamasa na ng ibang tuition waiving na gawad.
Mahalagang paalala: Makapipili ang PASP iskolar ng isa (1) lamang sa alinman sa tuition waiver o stipend.
- The applicant is an active member of the organization, conferred with the title Official Student Performing Arts Group of UP Diliman, for at least two consecutive semesters.
- The applicant has played important roles in the organization’s production(s) either as a performer or a member of the artistic or production team.
- The applicant is enrolled in at least the minimum number of academic units considered as a regular load during the application period.
- The applicant has a General Weighted Average (GWA) not lower than 2.00 during the credited two (2) semesters prior to application. However, for the reapplication, the scholar must have maintained a GWA of 2.25 or better.
- The applicant shall submit all required documents and comply with the application guidelines.
- Ang aplikante ay aktibong kasapi ng organisasyon na ginawaran ng titulong Official Student Performing Arts Group of UP Diliman, nang hindi bababa sa dalawang magkasunod na semestre.
- May mahalagang ginampanan ang aplikante sa produksiyon ng organisasyon bilang tagapagtanghal o bilang kasapi ng grupong artistiko o pamproduksiyon.
- Nakaenrol ang aplikante sa hindi bababa sa minimum na bilang ng yunit akademiko na itinuturing na regular load sa panahon ng aplikasyon.
- May General Weighted Average (GWA) ang aplikante na hindi bababa sa 2.00 sa nakredit na dalawang (2) semestre bago ang aplikasyon. Gayunman, para sa reaplikasyon, dapat napanatili ng iskolar ang GWA na 2.25 o mas mataas pa.
- Dapat na magsumite ang aplikante ng lahat ng kahingiang dokumento at makatupad sa mga panuntunan sa aplikasyon.
- The applicant must submit the following documents to the group’s faculty adviser:
- Duly accomplished application form of List of Performances certified by the artistic director and noted by the faculty adviser (OICA-PASP-Form-No.-1A-List-of-Performances-Form) (Download here)
- True Copy of Grades (TCG) from the preceding academic year certified by the College Secretary of the unit where the applicant is enrolled
- Signed Data Privacy Consent Form (OICA-PASP-Form-No.2-Consent-Form) (Download here)
- The faculty adviser shall accomplish the submission form and upload the following documents:
- Cover letter addressed to the UPD Chancellor through the UPD-OICA Director with file name: GROUP NAME – Cover Letter
- Duly accomplished OICA-PASP-Form-No.-1-Recommendation-Form (Download here) certified by the Faculty Adviser and the College Dean (if college-based) or the Vice Chancellor for Student Affairs (if university-based), with file name: GROUP NAME – Recommendation Form
- Each applicant’s Form No. 1A List of Performances with file name: APPLICANT’S LAST NAME – List of Performances
- Each applicant’s Form No. 2 Data Privacy Consent Form with file name: APPLICANT’S LAST NAME – Consent Form
- Each applicant’s True Copy of Grades (TCG) with file name: APPLICANT’S LAST NAME – TCG
- Electronic signatures on the application documents and recommendation form shall be accepted.
- A confirmation email shall be sent by the Program Coordinator upon receipt of submissions.
- No application will be accepted beyond the set deadline.
- Kinakailangang maisumite ng aplikante ang sumusunod na dokumento sa gurong tagapayo ng grupo:
● Sinagutang pormularyo ng aplikasyon para sa talaan ng mga pagtatanghal na sinertipikahan ng artistikong direktor at nabatid ng gurong tagapayo (OICA-PASP-Form-No.-1A-List-of-Performances-Form) (I-download dito)
● True Copy of Grades (TCG) mula sa nagdaang akademikong taon na sinertipikahan ng Kalihim ng Kolehiyo mula sa yunit kung saan nakaenrol ang aplikante
● Nilagdaang Data Privacy Consent Form (OICA-PASP-Form-No.2-Consent-Form) (I-download dito) - Sasagutan ng gurong tagapayo ang pormularyo sa pagsusumite at ia-upload ang sumusunod na dokumento:
● Liham sa UPD Tsanselor na ipinadaan sa UPD-OICA Director na may file name na: GROUP NAME – Cover Letter
● Sinagutang OICA-PASP-Form-No.-1-Recommendation-Form (I-download dito) na sinertipikahan ng Gurong Tagapayo at ng Dekano ng Kolehiyo (kung pangkolehiyo) o ng Bise Tsanselor para sa Gawaing Pangmag-aaral (kung pang-unibersidad), na may file name na: GROUP NAME – Recommendation Form
● Form No. 1A List of Performances ng bawat aplikante na may file name na: APPLICANT’S LAST NAME – List of Performances
● Form No. 2 Data Privacy Consent Form ng bawat aplikante na may file name na: APPLICANT’S LAST NAME – Consent Form
● True Copy of Grades (TCG) ng bawat aplikante na may file name na: APPLICANT’S LAST NAME – TCG - Tatanggapin ang mga elektronikong lagda sa mga dokumento ng aplikasyon at pormularyo ng rekomendasyon.
- Magpapadala ng email kumpirmasyon ang Tagapag-ugnay ng Programa pagkatanggap ng mga isinumiteng dokumento.
- Hindi tatanggapin ang anumang aplikasyong lampas sa itinakdang deadline.
- Screening of applications by the Faculty Adviser and Artistic Director of the Official Student Performing Group of UP Diliman
- The faculty adviser and artistic director screens the application of their members.
- The faculty adviser forwards to OICA the list of members who are eligible to receive the scholarship based on the BOR approved guidelines, together with all required application forms and other supporting documents.
- Screening by the Program Coordinator
- The Program Coordinator of OICA shall check and evaluate all applications and supporting documents endorsed by the faculty adviser based on the BOR approved guidelines.
- The Program Coordinator of OICA shall endorse the list of qualified PASP applicants to the OICA Director for approval and endorsement to the OICA Advisory Board.
- Screening by the OICA Director and the OICA Advisory Board
- The OICA Director and the OICA Advisory Board recommend the list of qualified applicants to the Chancellor for approval.
- The Program Coordinator of OICA shall endorse the list of qualified PASP applicants to the OICA Director for approval and endorsement to the OICA Advisory Board.
- Approval of the Chancellor
- The Chancellor approves the list.
- The Program Coordinator of OICA submits the approved list to the Office of the University Registrar for tagging (for priority enlistment and special assessment during enrollment).
- Pag-iskrin ng mga aplikasyon ng Gurong Tagapayo at Artistikong Direktor ng Official Student Performing Group of UP Diliman
- Magsasagawa ng pag-iskrin ang Gurong Tagapayo at artistikong direktor sa aplikasyon ng kanilang kasapi.
- Ipadadala ng gurong tagapayo sa OICA ang talaan ng mga kasapi na elihible na makatanggap ng iskolarsyip batay sa aprobadong patnubay ng BOR, kasama ang lahat ng mga kahingiang pormularyo sa aplikasyon at iba pang suportang dokumento.
- Pag-iskrin ng Tagapag-ugnay ng Programa
- Susuriin ng Tagapag-ugnay ng Programa ng OICA ang lahat ng aplikasyon at suportang dokumento na inendoso ng gurong tagapayo batay sa aprobadong patnubay ng BOR.
- Ieendoso ng Tagapag-ugnay ng Programa ng OICA ang talaan ng kuwalipikadong aplikante sa PASP sa OICA Direktor para sa pag-aproba at pag-endoso sa OICA Lupong Tagapayo.
- Pag-iskrin ng OICA Direktor at ng OICA Lupong Tagapayo
- Magrerekomenda ang OICA Direktor at ang OICA Lupong Tagapayo ng talaan ng kuwalipikadong aplikante para sa pag-aproba ng Tsanselor.
- Mag-eendoso ang Tagapag-ugnay ng Programa ng OICA ng talaan ng mga kuwalipikadong PASP sa OICA Direktor para sa pag-aproba at pag-endoso ng OICA Lupong Tagapayo.
- Pag-aproba ng Tsanselor
- Aaprobahan ng Tsanselor ang talaan.
- Isusumite ng Tagapag-ugnay ng Programa ng OICA ang aprobadong talaan sa Opisina ng Rehistrador ng Unibersidad para sa tagging (para sa priyoritisasyon sa enlistment and special assessment sa panahon ng enrolment).
All PASP applicants will be informed of the screening results via email. Those who qualify for the PASP shall be instructed on the following availment process:
TUITION WAIVER
Qualified scholars availing of the tuition waiver must submit the following requirements via email to haspag_pasp_oica.upd@up.edu.ph on or before the designated deadline:
- Duly accomplish Certification of Scholarship form (OICA-PASP-Form-No.3-Certification-of-Scholarship) (Download here)
- A copy of their Form 5A before assessment.
Once verified and signed by OICA, the scholarship form will be emailed to the Office of the University Registrar (OUR) who will tag the PASP scholar for special assessment. A copy shall also be given to the scholar. The scholar may now proceed to complete their enrollment.
STIPEND
Scholars availing of the stipend can go through the regular enrollment process. After completion of enrollment, they must submit the following requirements to their organization’s faculty adviser/student coordinator for collation. The collated requirements must be submitted by the organization’s faculty adviser/student coordinator to OICA via email haspag_pasp_oica.upd@up.edu.ph on or before the designated deadline.
- Copy of Form 5
- Clear photo of Landbank ATM card
For those who do not have a Landbank account, they may proceed with the online application through the Landbank website. After the online application, the applicant will have to go to the bank just once for the signing and submission of the required documents and finalization of the application. Minimum initial deposit is Php 500.00.
Applicants may also opt for a fully-online application for a digital account through the Landbank Mobile Banking App which they can later upgrade to a regular Landbank Visa Debit Card.
After submission of the above requirements, OICA will proceed with the processing of voucher for stipend payment. The scholars will be notified via email once the payment has been deposited to their respective Landbank accounts.
Padadalhan ng pabatid ang lahat ng aplikante sa PASP sa pamamagitan ng email hinggil sa resulta ng pag-iskrin. Ang mga kuwalipikado para sa PASP ay bibigyan ng instruksiyon sa sumusunod na proseso ng pagkakaloob:
TUITION WAIVER
Ang mga kuwalipikadong iskolar na pinili ang tuition waiver ay dapat na magsumite ng sumusunod na kahingian sa pamamagitan ng email sa haspag_pasp_oica.upd@up.edu.ph sa o bago ang itinakdang deadline:
- Sinagutang pormularyo ng Sertipikasyon ng Iskolarsyip (OICA-PASP-Form-No.3-Certification-of-Scholarship) (I-download dito)
- Kopya ng kanilang Form 5A bago ang assessment.
Kapag maberipika at malagdaan ng OICA, ang pormularyo ng iskolarsyip ay ipadadala sa email ng Opisina ng Rehistrador ng Unibersidad (OUR) na magta-tag sa PASP iskolar para sa special assessment. Ang kopya ng pormularyo ay ipadadala din sa iskolar. Maaari nang magpatuloy ang iskolar para kompletuhin ang kaniyang enrolment.
STIPEND
Ang mga iskolar na pinili ang stipend ay maaaring magpatuloy sa regular na proseso ng enrolment. Kapah nakompleto ang enrolment, kinakailangan nilang isumite ang sumusunod na kahingian sa kanilang gurong tagapayo ng organisasyon/tagapag-ugnay na mag-aaral para sa pagtitipon ng mga ito. Ang natipong kahingian ay dapat na maisumite ng gurong tagapayo ng organisasyon/tagapag-ugnay na mag-aaral sa OICA sa pamamagitan ng email haspag_pasp_oica.upd@up.edu.ph sa o bago ang itinakdang deadline.
- Kopya ng Form 5
- Malinaw na retrato ng Landbank ATM card
Tala: Sa mga walang Landbank account, maaari silang magsumite ng aplikasyon online sa pamamagitan ng Landbank website. Pagkaraan ng online aplikasyon, kailangang magtungo sa bangko ang aplikante para sa paglagda at pagsusumite ng kahingiang dokumento at pagsasapinal ng aplikasyon. Ang minimum na inisyal na deposit ay PHP500.00.
Mapipili rin ng mga aplikante ang fully-online na aplikasyon para sa digital account sa pamamagitan ng Landbank Mobile Banking App na maa-upgrade nila pagkaraan bilang regular na Landbank Visa Debit Card.
Pagkaraang maisumite ang mga nabanggit na kahingian, ipoproseso ng OICA ang voucher para sa pagbabayad ng stipend. Padadalhan ng pabatid sa email ang iskolar kapag naideposito na ang bayad sa kaniyang Landbank account.
- The scholarship is renewable every year within the 3-year HASPAG award period. The renewal follows the same procedure as the application.
- The UPD Performing Arts Scholar must continue their active membership in the group for the duration of the semester for which he/she was granted the scholarship.
- A scholar who becomes inactive during the semester concerned, as reported by the artistic director/faculty adviser, will be required to pay his/her tuition fee or stipend.
- A recipient is barred from reapplying for two (2) consecutive semesters if he/she:
- Becomes an inactive member of the organization;
- Receives a grade of 5.0; and
- Receives a GWA lower than 2.25
- UPD Performing Arts Scholars covered by RA 10931 Universal Access to Quality Tertiary Education or the no tuition policy may no longer apply for the tuition waiver but shall remain eligible for the stipend.
- Maaaring i-renew ang iskolarsyip kada taon sa loob ng 3-taong panahon ng HASPAG award. Ang proseso ng renewal ay katulad ng sa aplikasyon.
- Ang UPD Performing Arts Scholar ay dapat na patuloy na maging aktibong kasapi sa grupo sa kabuoan ng semestreng pinaggawaran ng iskolarsyip.
- Ang iskolar na naging di-aktibo sa kinauukulang semestre, batay sa ulat ng artistikong direktor/gurong tagapayo, ay kinakailangang magbayad ng kaniyang tuition fee o stipend.
- Ang recipient ay pagbabawalan sa reaplikasyon para sa dalawang (2) magkasunod na semestre kung siya ay:
- Naging di-aktibong kasapi ng organisasyon
- Nakatanggap ng gradong 5.0; at
- Nakatanggap ng GWA na mas mababa sa 2.25
- Ang UPD Performing Arts Scholars na saklaw ng RA 10931 Universal Access to Quality Tertiary Education o ng no tuition policy ay hindi na makapagsusumite ng aplikasyon sa tuition waiver ngunit mananatili silang elihible para sa stipend.
For further inquiries, please contact the program coordinator at 8981-8500 local VoIP 2659 or send an email to haspag_pasp_oica.upd@up.edu.ph.
Para sa iba pang katanungan, maaaring kontakin ang tagapag-ugnay ng programa sa 8981-8500 local VoIP 2659 o magpadala ng email sa haspag_pasp_oica.upd@up.edu.ph.