Skip to main content
Navigation

Webinars/Talks

OICA offers free access to online webinars and talks on arts, culture, and the humanities. Check out the list below.

Note: To learn more about a particular webinar/talk in the list, please send an email to oica.upd@up.edu.ph


Poster
Title
Proponent/ Project Lead/ Unit
Description
Date of Event/ Platform
Watch Here
UP Diliman Kanlungan Talk Series Episode 1: Kumusta ang paglikha ng sining sa panahon ng COVID-19?UPD-OICAKumusta na ang kalagayan ng mga artista at kultural na manggagawa sa UP Diliman sa panahon ng pandemic? Paano sila bibigyan ng kanlungan? Bilang artista, anu-ano ang mga maaari nating gawin? Anu-ano rin ang maaaring matutunan sa panahon ng health crisis?

Kasama si Prop. Cecilia S. De La Paz bilang tagapagdaloy at mga tagapagsalita na sina Prop. Toym Imao, Prop. Josefina F. Estrella, Prop. Rolando Tolentino, Prop. Josefino Chino Toledo, at Prop. Patrick Flores.
8 Mayo 2020 (Biyernes), 3:00 - 4:30 n.h.

UP Diliman OICA Facebook page
YouTube, Facebook
UP Diliman Kanlungan Talk Series Episode 2: Paano masisiguro ang kapakanan ng mga artista sa panahon ng krisis?
UPD-OICANapapanahong pag-usapan ang kapakanan (welfare/well-being) ng mga artista ng bayan at kultural na manggagawa. Ang well-being ay hindi lamang danas na tumutukoy sa kalusugan, bagkus sinisiguro rin na ang pamumuhay ay may kaligtasan, kasiyahan at kaginhawahan. Kukumustahin natin ang kalagayan ng mga artista at estudyante sa entablado – teatro at sayaw, sa ikalawang episode ng UP Diliman Kanlungan Talk Series, handog ng Office for Initiatives in Culture and the Arts.

Kasama si Prop. Monica Santos ng UP Diliman Departamento ng Antropolohiya, Nanding Josef (Artistic Director, Tanghalang Pilipino), Jennifer Lee Bonto (Executive Director, Artists Welfare Project Inc.), Ivan Boloron (student of the UP Dance Program) at Issa Manalo Lopez (graduate student, MA Theatre Arts).
5 Hunyo 2020 (Biyernes), 3:00 n.h.

UP Diliman OICA Facebook page
YouTube, Facebook
Layag sa Karagatan: Kultura, Agham at KasaysayanUPD-OICA, UP Diliman College of Science, National Quincentennial CommitteePinag-usapan dito ang iba’t ibang daloy ng karanasan - ang mga naratibo ng karagatan at alon ng tubig na may epekto sa karanasang Pilipino; mga perspektiba sa materyal na kultura na naka-ugnay sa kaligiran ng karagatan; at ugnayan ng Pilipinas sa iba’t-ibang kultura sa mundo.

Kasama si Prop. Tessa Maria Guazon bilang tagapagdaloy at mga tagapagsalita na sina Dr. Maria Bernadette L. Abrera, Dr. Norma A. Respicio, at Dr. Benjamin M. Vallejo Jr.
28 Abril 2021 (Miyerkules), 3:00 n.h.

UP Diliman OICA Facebook page at Zoom
Facebook
Sining at Kamalayang PilipinoUPD-OICAAng webinar ay nagtatampok ng mga piling iskolar sa sining Pilipino sa pagdalumat ng ugnayan ng sining at kamalayang Pilipino. Hangarin ng mga panayam na makapagbahagi ang mga pantas sa sining Pilipino ng kanilang mga kaisipan, saloobin, at tunguhin ukol sa ugnayan ng sining at kamalayang Pilipino sa konteksto ng nagbabagong kondisyon ng ating lipunan.

Ang mga imbitadong pantas na nagbigay ng panayam ay sina Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan Virgilio Almario, Pambansang Alagad ng Sining para sa Musika Ramon Santos, Professor Emeritus Nicanor Tiongson, at Prop. Felipe De Leon, Jr. Kasama sina Prop. Elizabeth Enriquez at Prop. Ma. Crisanta Nelmida Flores bilang mga tagapagdaloy.
23 Pebrero 2022 (Miyerkules), 9:00 n.u. - 12 n.t., 1:00 - 5:00 n.h.

UPD-OICA YouTube channel at Zoom
YouTube
UP Diliman Kanlungan Talk Series Episode 3: Kababaihan, Sining Pilipino, at Komunidad
UPD-OICA, UP Diliman Gender OfficeBilang ambag sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan tuwing buwan ng Marso, nagdaraos ng webinar ukol sa ugnayan ng sining Pilipino, kababaihan, at komunidad bilang usaping kamalayan. Tatalakayin ng mga artistang kababaihan ang naging landas, mga hamon, at direksiyon ng kanilang pagdalumat sa sining Pilipino at proseso ng paglikha. Pinadaloy ang diskurso mula sa kanilang mga likha o identidad bilang babae sa sining sa kung paano nito hinubog, at patuloy na hinuhubog, ang kanilang praksis at komunidad.

Nakapanayam natin sina Prop. Roselle Pineda, Prop. Lisa Ito-Tapang, at Bb. Ana Patricia Non, at nagsilbing tagapagdaloy si Prop. Lousie Jashil Sonido.
2 Marso 2022 (Miyerkules), 2:00 - 5:00 n.h.

UPD-OICA YouTube channel at Zoom
YouTube
Kaloob-Saliksik: Bahaginan ng mga Artista-Iskolar ng UP DilimanUPD-OICABilang kaloob o ambag ng mga iskolar ng CCTGACH, PASP, at VACSSP (2017-2022) mula sa larangan ng Humanidades, Agham Panlipunan, Sining Biswal, at Musika, ang online kolokyum ay naglalayong maibahagi ang kanilang mga pag-aaral ukol sa sining, lipunan, at sangkatauhan; at makapagbukas ng espasyo para sa mas malalimang talakayan ukol dito. Magkakaroon ng apat na panel session na nakaangkla sa mga sumusunod na tema:

1. Performance, mga Tradisyon, at mga Adbokasiya
2. Pagka-Pilipino: Konsepto at mga Isyu
3. Dinamika ng Pagsasalin
4. Sining at Espasyo
8 Marso 2023 (Miyerkules), 8:30 n.u. - 4:30 n.h.

UPD-OICA YouTube channel at Zoom
YouTube,
Book of Abstracts