ML@50: Tugon at Tindig ng Sining
Noong 21 Setyembre 2022, ginunita ang ika-50 anibersaryo ng pagsasailalim ng Pilipinas sa Batas Militar ng rehimeng Marcos. Malalim at marahas ang naging epekto nito sa demokrasya—ang pagyurak sa mga karapatang pantao; paghina sa kapangyarihang sibilyan; opresyon sa mga maralita, mga katutubong grupo, at marhinalisado sa lipunan; pagkitil sa kalayaan sa pagpapahayag; pagbaluktot sa pag-unawa sa ating kasaysayan at kultura; at nagdulot ng malawakang collective trauma sa iba’t ibang larangan ng buhay Pilipino.
Ang pagbabalik-tanaw sa madilim na yugto ng ating kasaysayan ay lubhang kinakailangan sa kasalukuyan dahil na rin sa mga banta sa kalayaan, lalo na sa prinsipyo ng academic freedom. Dahil dito, magdaraos ng mga aktibidad ang Unibersidad ng Pilipinas Diliman na gugunita sa panahon na ito at ang mga naging tugon ng mga iskolar-artista ng bayan sa mga hamon sa kalayaan at pamumuhay. Gayundin, hangarin ng proyekto na magbigaypugay sa mga sakripisyo ng sambayanan na nagsikap palayain ang ating bayan mula sa mapaniil na diktaduryang Marcos.
Sa larangan ng sining, tumugon at nanindigan ang mga artista ng bayan sa gitna ng paniniil sa mga karapatang pantao at pagsikil sa malayang pagpapahayag. Naging lunsuran ang konsepto ng sining protesta para sa mga likha sa sining biswal, panitikan, musika, pelikula, dula, at iba pa, na nagbigay-diin sa ugnayan ng sining at lipunan, taglay ang kritikal na perspektiba ng pag-unawa sa kondisyong Pilipino. Nagkaroon din ng mga paradigm shifts sa mga batayang konsepto ng sining – sa produksyon ng paglikha, sirkulasyon, at resepsyon ng sining – na nagpalawak ng kahulugan at estetika ng “art for social transformation” na pinalawig sa mga pag-aaral ni Propesor Emeritus Alice Guillermo, kasama ng iba pang mga iskolar sa sining Pilipino.
Ang proyektong ito ay bahagi ng UP Day of Remembrance para sa ML@50: Manindigan sa Katotohanan, Itanghal ang Katarungan.
Maaaring i-download ang ML@50: Tugon at Tindig ng Sining Brochure sa:
Tugon at Tindig: Martial Law Memorial TikTok Challenge (Social Media Platform)
Kamao ang Hugis ng Puso: Neil Doloricon Retrospective
Martial Law Era Film Series (Pilot)
Lino Brocka’s Manila in the Claws of Light
Sining Protesta: Imahe at Tema, Anyo at Pagkilos
The Marcos Regime Research: In Print and Online
Pagtindig: Mga Tala sa Papel ng Akademikong Larang ng Malikhaing Pagsulat, Panitikan at Wika Kontra Batas Militar Hanggang Kasalukuyan
“A Name by Candlelight”: Subversive Lives Then and Now
KAL Bahaginan Research Forum:
BANWAG: Sining sa Panahon ng Batas Militar, Paglikha para sa Bayan at Kinabukasan
The Art of Disquiet and Rage
Paglulunsad at Pagmumulat: Ang GE Kursong Philippine Studies 21 (PS 21) sa Paggunita sa ika-50 Anibersaryo ng Batas Militar ni Marcos, Sr.
Kwentong Mulat – ML@50
OICA Learning Resource Dissemination and Social Media Campaign Project
“Remains To Be Seen”
Installation by Toym Imao
Letters to the Past – ML@50
Basahin at pakinggan ang ilang liham ng kasalukuyang henerasyon na nagbibigay-pag-alala at pagpupugay sa mga martir at bayaning lumaban sa diktadurang Marcos. Isinulat ito ng mga kasalukuyan at dating estudyante ng PS 21 sa komemorasyon ng ika-50 anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar.