Skip to main content
Navigation

Programs

Mga Programa

To advance UPD to the forefront of artistic and cultural engagement in the Philippines, OICA has created four key programs to systematize and enrich the University’s artistic and cultural endeavors. These programs are: Artist Support, Audience Development, Venue Development and Cultural Exchange. Under these programs, various artists and artistic groups, as well as artistic and cultural initiatives from units and organizations at UPD are given nancial and technical assistance. OICA likewise supports mutually enriching partnerships with the UP autonomous units and other cultural institutions through collaborative projects such as conferences, workshops, performances, and other forms of dissemination. OICA has also proactively developed and implemented its own projects to further enhance the initiatives from various sectors of the University.

Upang maitaguyod ang UPD bilang nangunguna sa pakikilahok sa sining at kultura sa Pilipinas, nilikha ng OICA ang apat na pangunahing programa upang makabuo ng sistematisasyon at mapagyamanin ang mga pagsusumikap sa sining at kultura sa Unibersidad. Ang mga programang ito ay: Suporta para sa mga Artist, Pagdevelop ng Audience, Pagdevelop ng Venue, at Palitang Pangkultura. Sa programang ito, binibigyan ng suportang pinansiyal at teknikal ang iba’t ibang artist at grupong pang-artist, gayundin ang mga inisyatiba sa sining at kultura mula sa mga yunit at organisasyon sa UPD. Suportado rin ng OICA ang magkatulong na pagtataguyod ng mga proyektong nagpapayaman sa pag-uugnayan ng mga awtonomong yunit ng UP at iba pang institusyong pangkultura sa pamamagitan ng mga kolaboratibong proyekto tulad ng mga kumperensiya, palihan, pagtatanghal, at iba pang paraan ng diseminasyon. Masugid na binuo at ipinatupad din ng OICA ang sarili nitong mga proyekto upang higit pang mapaigting ang mga inisyatiba mula sa iba’t ibang sektor ng Unibersidad.


Artist Support Program

Programang Suporta sa Artist

This program nourishes the creative energies of UP Diliman artists, critics, and cultural workers.

Pinapalakas ng programang ito ang malikhaing sigla ng mga artist, kritiko, at manggagawang pangkultura ng UP Diliman.


Audience Development Program

Programa sa Pagdevelop ng Audience

This program promotes the cultivation of critical education and appreciation of culture and the arts among members of the public on campus and beyond UPD. It complements the existing curricula of various UPD colleges as well as the cultural programs of government and non-government organizations.

Ang programang ito ay nagtataguyod ng paglinang ng mapanuring edukasyon at pagpapahalaga sa kultura at sining sa mga miyembro ng publiko sa loob at labas ng UPD. Sumusuporta ito sa kasalukuyang kurikulum ng iba’t ibang kolehiyo ng UPD gayundin sa mga programa sa kultura ng pamahalaan at mga non-government organization (NGOs).


Venue Development Program

Programa sa Pagdevelop ng Venue

OICA’s support for the various student- and faculty-led activities in the arenas of theater, music, cinema, visual arts and others does not only serve to enrich the artistic and cultural experiences of the UP Diliman audience but also helps to promote the UPD campus as a veritable cultural venue where artists’ works are staged and fostered.

Ang suporta ng OICA para sa iba’t ibang aktibidad na pinangunahan ng mga mag-aaral at guro sa teatro, musika, pelikula, sining biswal, at iba pang katulad na larang ay hindi lamangnagsisilbing pagpapayaman ng mga karanasan sa sining at kultura ng mga audience sa UP Diliman kundi tumutulong din ito sa promosyon ng kampus ng UPD bilang isang tunay na venue para sa kultura kung saan ang mga likhang sining ng mga artist ay itinatanghal at itinataguyod.


Cultural Exchange Program

Programang Palitang Pangkultura

This program promotes the participation of UPD in cultural and artistic endeavors at the national, regional, and global arenas. It supports mutually enriching partnerships with the UP autonomous units and other cultural institutions through collaborative projects such as conferences, workshops, performances, and other forms of dissemination.

Itinataguyod ng programang ito ang paglahok ng UPD sa mga gawaing pangkultura at pansining sa pambansa, panrehiyon, at pandaigdigang antas. Sinusuportahan nito ang makabuluhang ugnayan ng mga awtonomong yunit ng UP at iba pang institusyong pangkultura sa pamamagitan ng mga kolaboratibong proyekto tulad ng mga kumperensiya, palihan, pagtatanghal, at iba pang paraan ng diseminasyon.


Other Services/Projects

Iba Pang Serbisyo/Proyekto

Other services/projects handled and offered by UPD-OICA include Institutional Events, Learning Resources/Special Publications, Equipment and Technical Assistance, and the University Collection Database.

Kabilang sa iba pang serbisyo at proyektong pinangangasiwaan at ipinagkakaloob ng UPD-OICA ang mga Institusyonal na Gawain, Kagamitang Pampagkatuto/Natatanging Publikasyon, Kasangkapan at Tulong Teknikal, at Database ng Koleksiyon ng Unibersidad.