Skip to main content
Navigation

Audience Development Program

This program promotes the cultivation of critical education and appreciation of culture and the arts among members of the public on campus and beyond UPD. It complements the existing curricula of various UPD colleges as well as the cultural programs of government and non-government organizations (NGOs).

Ang programang ito ay nagtataguyod ng paglinang ng mapanuring edukasyon at pagpapahalaga sa kultura at sining sa mga miyembro ng publiko sa loob at labas ng UPD. Sumusuporta ito sa kasalukuyang kurikulum ng iba’t ibang kolehiyo ng UPD gayundin sa mga programa sa kultura ng pamahalaan at mga non-government organization (NGOs).

Strategies/Programs:

Mga Estratehiya/Programa:

1. Financial Grants Program
1. Programang Gawad Pinansiyal

Financial assistance is given to UPD units and organizations for projects and programs relating to the broad field of culture and arts. These include but are not limited to audience development projects like exhibitions, educational workshops/lectures, and art fairs. Grants take the form of partial subsidy and shall not exceed the total project cost.

Nagbibigay ng tulong pinansiyal sa mga yunit at organisasyon ng UPD para sa mga proyekto at programa kaugnay ng malawak na larang ng kultura at sining. Kabilang dito, ngunit hindi limitado sa, mga produksiyong pangkultura at pansining, eksibisyon, mga palihang pang-edukasyon, at iba pang programang suporta sa mga artist. Ang mga gawad ay bahagyang tulong lang at hindi lalampas sa kabuoang gastos ng proyekto.

2. Bisita Kultura
2. Bisita Kultura

Presentations by established, as well as budding UPD artistic groups from various elds as dance, theater, instrumental and voice music regularly take place amid gatherings of students, faculty, staff, residents and visitors during the Christmas season and twice a year in selected dormitories. Halls of buildings and dormitories on campus serve as venues for groups that regularly grace this event such as: the UP Madrigal Singers, UP Concert Chorus, UP Singing Ambassadors, UP Staff Choral, Entwined Voices, Saxophoro, Symphony Orchestra, Guitar Orchestra, UP Kontra-Gapi, UP Filipiniana Dance Group, UP Streetdance Club, and the UP Teatrong Mulat, among many others. The last Bisita Kultura (sa Pasko) was held in December 2008. (STATUS: CURRENTLY SUSPENDED)

Ang mga pagtatanghal ng mga kilalá na at bagong sibol na grupong pansining ng UPD mula sa iba’t ibang larang tulad ng sayaw, teatro, musikang instrumental at vocal ay regular na isinasagawa sa mga pagtitipon ng mga mag-aaral, guro, kawani, residente, at mga bisita tuwing Kapaskuhan at dalawang beses sa isang taon sa mga napiling dormitoryo. Ang mga bulwagan ng mga gusali at dormitoryo sa kampus ay nagsisilbing venue para sa mga grupong regular na nagtatanghal sa mga pagtitipong ito tulad ng: UP Madrigal Singers, UP Concert Chorus, UP Singing Ambassadors, UP Staff Choral, Entwined Voices, Saxophoro, Symphony Orchestra, Guitar Orchestra, UP Kontra-Gapi, UP Filipiniana Dance Group, UP Streetdance Club, at UP Teatrong Mulat, at marami pang iba. Ang huling Bisita Kultura (sa Pasko) ay ginanap noong Disyembre 2008. (STATUS: SUSPENDIDO SA KASALUKUYAN)

3. Other OICA-initiated productions/activities
3. Iba pang produksiyon/aktibidad na pinangungunahan ng OICA

Performances, exhibitions, lectures, and other cultural activities produced by OICA are free and open to the public.

Ang mga pagtatanghal, eksibisyon, lektura, at iba pang aktibidad pangkultura na ipinamamahagi ng OICA ay libre at bukás sa publiko.