Other Services/Projects
Other services/projects handled and offered by UPD-OICA include Institutional Events, Learning Resources/Special Publications, Equipment and Technical Assistance, and the University Collection Database.
Kabilang sa iba pang serbisyo at proyektong pinangangasiwaan at ipinagkakaloob ng UPD-OICA ang mga Institusyonal na Gawain, Kagamitang Pampagkatuto/Natatanging Publikasyon, Kasangkapan at Tulong Teknikal, at Database ng Koleksiyon ng Unibersidad.
Strategies/Programs:
Mga Estratehiya/Programa:

1. Institutional Events
1. Mga Institusyonal na gawain
OICA is the main event organizer for the annual celebration of the UP Diliman Arts Festival. It is also involved in the design and artistic requirements (stage setup, performers, publicity signages) of other institutional events like the General Commencement Exercises, special receptions and cultural shows for the Office of the Chancellor, and University guests.
Pangunahing tagapagtaguyod ang OICA ng taunang pagdiriwang ng UP Diliman Arts Festival. Katuwang din ito sa pagdidisenyo at pagtugon sa artistikong kahingian (tulad ng set-up ng entablado, mga tagapagtanghal, at patalastas na pampublisidad) ng iba pang institusyonal na gawain gaya ng Pangkalahatang Pagtatapos, mga espesyal na pagtitipon at palabas pangkultura para sa Opisina ng Tsanselor at mga panauhin ng Unibersidad.

2. Learning Resources / Special Publications
2.Risorses sa Pagkatuto/ Natatanging Publikasyon
OICA offers a listing/database of creative and research works and links to online webinars, digital publications, and conference papers as additional teaching and learning resources for faculty, students, and researchers.
Nagkakaloob ang OICA ng talaan/database ng mga likhang sining at pananaliksik, pati na rin ng link sa mga online webinar, publikasyong dihital, at mga papel sa kumperensiya bilang karagdagang risorses na panturo at pampagkatuto para sa mga guro, mag-aaral, at mananaliksik.

3. Equipment and Technical Assistance
3. Kasangkapan at Tulong Teknikal
This service is offered to UP Diliman units and organizations and is administered through the lending or donation of equipment such as sound and exhibition systems, lights and props for use in their projects, and in the form of technical and administrative assistance.
Ipinagkakaloob ang serbisyong ito sa mga yunit at organisasyon ng UP Diliman sa pamamagitan ng pagpapahiram o pagbibigay ng kasangkapan gaya ng sound at exhibition systems, ilaw at props para sa kanilang mga proyekto, at sa anyo rin ng tulong teknikal at administratibo.

4. University Collections Database
4. Database ng Koleksiyon ng Unibersidad
This 3-year project, which started in July 2017, has the following objectives: 1) to update the existing UPD inventory; 2) to expand the breadth and scope of the university art collection to include the ne arts, archaeological and ethnographic materials, heritage furniture, and public art; 3) to create a print and digital/online databases, and 4) To create a preliminary report on the condition of the collections in UP Diliman.
Spearheaded by the Office of the Chancellor through proponents and contributors from the Department of Art Studies and the College of Fine Arts, the project is a joint endeavor of OICA and the Bulwagan ng Dangal University Heritage Museum.
The project is envisioned to help formulate policy regarding art collections at UPD in terms of content development, sustainable museum education programs, conservation and maintenance of the art collections, and the creation of public access to relevant information on UP art heritage.
Nagsimula noong Hulyo 2017, layunin ng tatlong-taóng proyektong ito na: 1) isunod sa panahon ang umiiral na imbentaryo ng UPD; 2) palawakin ang saklaw ng koleksiyong sining ng unibersidad upang maisama ang mga likhang sining, arkeolohiko at etnograpikong materyal, pamanang muwebles, at publikong sining; 3) lumikha ng print at dihital/online database; at 4) bumuo ng preliminaryong ulat hinggil sa kondisyon ng mga koleksiyon sa UP Diliman.
Pinangungunahan ng Opisina ng Tsanselor, sa pamamagitan ng mga proponent at kontribyutor mula sa Departamento ng Aralin sa Sining at Kolehiyo ng Sining Biswal, ang proyekto ay kapuwa itinataguyod ng OICA at Bulwagan ng Dangal University Heritage Museum.
Layon ng proyekto na makatulong sa pagbuo ng mga patakaran hinggil sa mga koleksiyong sining sa UPD, ayon sa paglinang ng nilalaman, pagpapatupad ng mga likas-kayang programang pang-edukasyon sa museo, konserbasyon at pangangalaga sa mga koleksiyon ng sining, at paglikha ng publikong akses sa mahahalagang impormasyon tungkol sa pamanang sining ng UP.