SINING PROTESTA: Poster Art Contest
Bilang sangay na proyekto ng outdoor exhibition na “Sining Protesta: Imahe at Tema, Anyo at Pagkilos,” inaanyayahan sa Poster Art Contest ang pagsusumite ng poster art— tradisyunal man o digital—na nagpapalawak at nagpapalawig ng mga ideya at konsepto na tinalakay sa outdoor exhibition at ng mga artwork na itinampok dito. Bukas ang poster collage contest sa lahat ng aktibong mag-aaral ng UP sa antas na di-gradwado, Grade 11, at Grade 12.
“The time is ripe, I believe, to beg people to listen to the songs of darkness. For it is only in hearing the screeching of ignorance and feeling its chains of shadows that we look for hope in knowledge. Our generation is still muddied with false information, denouncement of history, demagogues, fascists, and their supporters. As art becomes a utility for preaching misinformation and ignorance, it now falls to our generation’s responsibility to fight fire with fire.”
Jairus Adriel V. Dianzon
Anino sa Liwanag ng Dilim, 2022
Acrylic on canvas board
“Noong panahon ng Martial Law, isinusulat ang mga mensaheng politikal sa mga dyaryo, na siyang idinidikit sa mga pader at kung saan mang marami ang makakakita. Parehong metaporikal at literal na naglalaman ng mga mensaheng politikal ang mga peryodiko, hindi lang talaan ng mga kwento at pangyayari. Ito rin ay binansagang “pahayagan,” upang isigaw ang mga damdamin at adhikain ng taumbayan.”
Raia Alexis Gallardo
Peryodikit, 2022
Acrylic, mixed media on canvas
“The Bloody “Golden” Era is an editorial cartoon-like art work that aims to reach more children in understanding the terrors of Martial Law and the dictatorship. Martial Law was a bright and joyful period for those who are at the top of the triangle, yet everyone at the bottom, under the eyes of the military, suffered poverty, torture, and life amidst dark and terror.”
Just_ten
The Bloody “Golden” Era, 2022
Digital art
“Isa si Prof. Neil Doloricon sa mga batikang artista ng bayan na inilubog ang kaniyang sining para ipakita ang malupit na estado ng lipunan. Nakapagbibigay ang pagkilos ng mga magigiting at maalamat na katulad niya ng inspirasyon sa mga kabataan na tumindig din at gamitin ang sining sa kapakanan ng sambayanan at isulong ito sa tamang landasin upang mas magkaroon ng boses ang mga pinagkaitan.”
Romeo R. Nungay III
Repleksyon ng Pagtindig, 2022
Watercolor on Arches paper
“Ang pagprotesta ay hindi natatapos sa lansangan. Ang lagablab ng pagmamahal sa bayan ay hindi lamang naipamamalas sa mobilisasyon, kundi sa pang-araw-araw na gawain rin. Ang aktibismo ay isinasabuhay; ito ay bahagi ng sarili at pagkatao.”
Basilio Pangilinan
billybored
Pagsasabuhay, 2022
Digital painting
- Ang mga poster art na gagawin ng mga kalahok ay maaaring tradisyunal (pisikal) o digital. Anuman ang uri nito, ang poster ay dapat orihinal na ginawa ng mga kalahok. Sa mga kalahok na gagawa ng poster na may mga collage component, siguruhing nagmula sa Creative Commons ang mga gagamiting materyales o kaya'y mayroong permiso mula sa may-ari ng copyright ng mga ito. Para sa mga poster na gagamit ng mga materyales na mula sa Creative Commons, siguruhing sundin ang mga alituntunin na kaakibat ng paggamit ng mga ito.
- Ang isusumite na poster art ay kinakailangang JPG o PNG file na high-definition (humigit-kumulang 300 dpi). Para sa mga tradisyunal na poster, kinakailangang kunan ng larawan o i-scan ang obra na nabuo upang makasumite ng file na sumusunod sa mga specification na nakatala sa itaas. Gamitin ang filename na ito para sa larawan na ipapadala: SiningProtestaArt_LastNameFirstName-or-ArtistName_TitleofWork.jpg/.png
- Ipapasa ang file sa isang Google form, kung saan magbibigay rin ang kalahok ng mga personal na impormasyon at ng artist statement patungkol sa gawa na hindi lalampas sa 200 na salita. Kailangan ring magpasa sa Google form ng Form 5 at pirmadong consent form ang bawat kalahok. Maaaring magbigay ng alyas o nom de guerre ang kalahok kung hindi niya nais isapubliko ang kanyang pangalan.
Narito ang consent form na kailangang pirmahan: bit.ly/SP2022Consent
Narito ang link para sa Google Form para sa mga submission: bit.ly/SP2022Submission - Sa pagsusumite ng file at pirmadong consent form, binibigyan ng permiso ng kalahok ang UPD-OICA na i-reproduce ang larawan sa mga collateral ng proyekto, tulad ng online exhibition, monograph, study guide, dokumentasyon, publicity o promotions, social media campaign, at content sa website at online channels ng UP Diliman at UPD-OICA.
- Ang lahat ng personal na impormasyon na isusumite ng mga kalahok ay pamamahalaan ng UPD-OICA, alinsunod sa Data Privacy Act ng bansa. Ang mga personal na impormasyon ay gagamitin lamang sa pagproseso ng premyo para sa mga nanalong kalahok.
- Pagsusumite ng poster art na inilahok na sa ibang paligsahan, sa mga publikasyon, o sa mga commercial platform.
- Pagsusumite ng poster na naglalaman ng malisyosong content na nag-uudyok ng prejudice sa aspeto ng lahi, sekswalidad, relihiyon, at iba pang uri ng karapatang pantao at ng kalikasan.
- Pagsusumite ng poster na gumamit ng materyales na walang permiso ng may-ari ng copyright
- Pagsusumite ng poster na gumamit ng artificial intelligence (AI) sa pagbubuo ng mga imahe
Deadline para sa pagsusumite | 7 Oktubre 2022, 11:59 ng gabi |
Paglalabas ng resulta ng contest | 14 Oktubre 2022, UPD-OICA Facebook Page |
May isang grupo ng hurado na pipili ng limang (5) kalahok na mananalo ng Php. 6,000 bawat isa. Ang desisyon ng mga hurado ay pinal.
Pagka-orihinal at pagkahinog ng konsepto | - 30% |
Koneksyon sa mga ideyang mula sa Sining Protesta outdoor exhibition | - 30% |
Teknikal na kahusayan sa pag-implementa | - 20% |
Kabuuang harmony | - 20% |