
30 NOBYEMBRE 2025
Bilang paggunita sa buhay at kagitingan ni Andres Bonifacio, nakikiisa ang UPD-OICA sa mga tawag para sa hustisya, pananagutan, at katarungan, para sa isang malaya at mapagkalingang bayan.


Nakikiisa ang UPD-OICA sa pagdiriwang ng ika-160 anibersaryo ng kapanganakan ni Andres Bonifacio na may temang “Bonifacio 2023: Katungkulan at Pananagutan Tungo sa Kaunlaran ng Bayan”. Tinaguriang Ama ng Rebolusyong Pilipino, si Bonifacio ay kinikilala dahil sa taglay niyang katapangan at dedikasyon sa pagtaguyod ng kalayaan para sa ating bayan.
Mabuhay ang ating mga kababayan na patuloy na kumakawala mula sa tanikala ng pang-aapi! Nawa’y patuloy na umalab ang espiritu ng rebolusyon sa ating mga puso tungo sa kolektibong paghahangad ng kalayaan at katarungan.
Content by Monica Delos Santos
Poster by Christian Jay Santillan
Reference:
José P. Santos, Si Andres Bonifacio at ang Himagsikan (Manila: n.pub, 1935) via http://www.thephilippineliterature.com/ang-dapat-mabatid-ng-mga-tagalog/
