Skip to main content
Navigation

Buwan ng Katutubong Pilipino—Oktubre 2022

Nakikiisa ang UP Diliman – OICA sa pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Katutubong Pilipino ngayong Oktubre.

Nagwakas man ang Martial Law, hindi pa rin natatapos ang mga isyung kinakaharap ng mga katutubo lalung-lalo na sa pakikibaka nila alang-alang sa kanilang lupang ninuno.

Ang pagdiriwang na ito ay panawagan din upang makiisa sa kanilang laban para sa karapatan sa edukasyon, pagsusulong ng pagkakakilanlan, at pagtataguyod ng kultura at kasaysayan.

Dahil ang pagsasanggalang sa karapatan ng ating mga katutubo ay pagsasanggalang din sa ating kalikasan at sa buhay ng sangkatauhan.

Mga Larawan:
Hugpungan (2016)
Mula sa UP Diliman Information Office

Hugpungan 2016 Poster
Jefferson Villacruz & UP Diliman Information Office

Hear Them Pray, 2017
Archie Oclos
Acrylic sa konkreto
Koleksyon ng UP Kolehiyo ng Sining Biswal
Larawan mula sa UPD University Collection Mapping Project

Musika:
“Sayaw Pinoy Sayaw, Sayaw Mundo Sayaw”
Kontemporaryong Gamelan Pilipino (Kontra-GaPi)
Youtube: www.youtube.com/user/kontragapi
Spotify: https://open.spotify.com/artist/5lUhEUjsfjQP61c8WEsMoJ?si=6ilMOQw0T3mBsiNBEHraPQ

SINING PROTESTA: Poster Art Contest Winners

Sila ang nagwagi!~

Buong-lugod naming ipinakikilala ang mga estudyante-artista na nagpamalas ng kanilang tapang at husay sa paggawa ng sining na makabuluhan at may ipinaglalaban.

Sa gitna ng sigalot at takot sa pamamayani ng mga kapit-tuko sa kapangyarihan, sila ang nanguna sa pakikibaka—na malikhain at may-dangal!

Muli, pagbati sa mga nagwagi sa Sining Protesta Art Contest!

Makikita ang kanilang likha sa link na ito: https://oica.upd.edu.ph/sining-protesta-poster-art-contest/

[POSTPONED] PAGTINDIG—Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas

PABATID SA PUBLIKO

Ang webinar na “PAGTINDIG: Mga Tala sa Papel ng Akademikong Larang ng Malikhaing Pagsulat, Panitikan at Wika Kontra Batas Militar hanggang Kasalukuyan” ay pansamantalang ipagpapaliban.

Mangyaring tumunghay sa aming page para sa mga susunod na anunsiyo.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.

Makibahagi sa ML@50: Tugon at Tindig ng Sining: bit.ly/ML50UPDiliman

[RE-SCHEDULED] The Art of Disquiet and Rage—Department of Art Studies

PABATID SA PUBLIKO

Ang symposium na pinamagatang “The Art of Disquiet and Rage” ng Departamento ng Aralin sa Sining ay pansamantalang ipagpapaliban. Ito ay pormal nang gaganapin sa ika-14 ng Oktubre 2022 (Biyernes) ng 2:30 n.h.

Mangyaring tumunghay sa aming page para sa mga susunod na anunsiyo.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.

Makibahagi sa ML@50: Tugon at Tindig ng Sining: bit.ly/ML50UPDiliman