Skip to main content
Navigation

UGNAYAN: Mga Kuwento ng Talában sa Pamayanang UP Diliman—Quezon City Hall

Nang mamalagi si Oblê sa Diliman, Lungsod Quezon, nabuo ang iba’t ibang ugnayan sa pagitan ng komunidad ng UP at mga nadatnang mga pamayanan sa loob at sa paligid ng campus. Nakipagbigkis, nagkiskisan, at nakiramay, dulot ng mithiin na paglingkuran ang kanyang kababayan.

Kaya naman ang eksibit na pinamagatang, Ugnayan: Mga Kuwento ng Talában sa Pamayanang UP Diliman ay magpupunta sa Lobby ng Quezon City Hall. Bubuksan ito sa Mayo 14, sa ganap na 2:00pm, at mananatili doon hanggang Mayo 27, 2024. Bukás ito para sa lahat.

Ang proyektong ito ay pinangunahan ng UPD Office for Initiatives in Culture and the Arts (UPD-OICA) at ng Bulwagan ng Dangal University Heritage Museum bilang bahagi ng UP Diliman Arts and Culture Festival 2024: Pamamalagi at Pamamahagi, kasama ang Pamahalaan ng Lungsod Quezon, bilang paggunita sa ika-85 na taon ng pagkatatag ng lungsod.