Skip to main content
Navigation

Mga Tradisyon sa UP Diliman Noon at Ngayon

๐™‹๐™–๐™ข๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™๐™‹ ๐˜ฟ๐™ž๐™ก๐™ž๐™ข๐™–๐™ฃ, ๐™‹๐™–๐™ข๐™–๐™ฃ๐™– ๐™จ๐™– ๐˜ฝ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ!โœŠ

Ang buhay sa UP Diliman kampus ay hindi lamang binibigyang kahulugan ng mga pang-akademikong gawain, kundi pati na rin ng mga kaganapang kultural at pansining, at mga tradisyong nagmula sa mga nakasanayang kagawian. Pinagpapatibay ang mga ito ng Unibersidad sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga malikhain at napapanahong gawaing mula sa sigasig ng komunidad nito.ย 

Kaya bago matapos ang National Heritage Month, ating alalahanin ang ilan sa mga tradisyon at aktibidad na nagbuklod at nagbubuklod sa mga miyembro ng pamayanang UPD at humuhulma ng kasalakuyan nitong kalagayan at kamalayan, at kasaysayan.

LIBRENG SAKAYโ€”HIMIGSIKAN sa Quezon City

Libre lang maging passenger royals papuntang HIMIGSIKAN sa Quezon City! ๐Ÿ˜‰

Magkakaroon ng dalawang batch ng libreng sakay mula sa opisina ng UPD-OICA (C.P. Garcia Ave. corner Purok Aguinaldo St.) papunta sa HIMIGSIKAN sa Quezon City Hall.

Ang unang biyahe ay lalarga sa ganap na 2:45 PM at ang kasunod ay aarangkada sa ganap na 3:15 PM.

Magregister lang sa bit.ly/HIMIGSIKAN-QC

Kita-kits!