[UPD HASPAG CYCLE 4 AWARDEES]
Pagpupugay at pagbati sa mga organisasyong ginawaran ng UP Diliman Honorific Award for Student Performing Arts Group (HASPAG) para sa Cycle 4 (2026-2029)!
UP Concert Chorus
UP Dance Company
UP Junior Music Educators’ Guild
Kontemporaryong Gamelan Pilipino
UP Voice and Music Theater Guild
Bilang programang insentibo para sa mga grupong tagapagtanghal sa Unibersidad, makakatanggap ng taunang creative work grant na nagkakahalagang PHP250,000.00 ang bawat grupo na maaaring gamitin para sa malalaking produksyon ng grupo. Maaari ring makatanggap ng scholarship ang mga kwalipikadong miyembro ng grupo sa ilalim ng UP Diliman Performing Arts Scholarship Program (UPD PASP).



























