Skip to main content
Navigation

Call for Applications (January to March 2023 projects)⁠—OICA Grants Program

We are now accepting applications for OICA Grant for JANUARY to MARCH 2023 projects/events.

Kindly submit duly-accomplished project proposal form, a copy of your updated org. recognition/registration and other requirements to grants_oica.upd@up.edu.ph on or before DECEMBER 1, 2022.

The implementing guidelines, procedures and project proposal form may be downloaded from https://bit.ly/OICAGrants

For further inquiries, you may contact us via email at grants_oica.upd@up.edu.ph.

Buwan ng Katutubong Pilipino—Oktubre 2022

Nakikiisa ang UP Diliman – OICA sa pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Katutubong Pilipino ngayong Oktubre.

Nagwakas man ang Martial Law, hindi pa rin natatapos ang mga isyung kinakaharap ng mga katutubo lalung-lalo na sa pakikibaka nila alang-alang sa kanilang lupang ninuno.

Ang pagdiriwang na ito ay panawagan din upang makiisa sa kanilang laban para sa karapatan sa edukasyon, pagsusulong ng pagkakakilanlan, at pagtataguyod ng kultura at kasaysayan.

Dahil ang pagsasanggalang sa karapatan ng ating mga katutubo ay pagsasanggalang din sa ating kalikasan at sa buhay ng sangkatauhan.

Mga Larawan:
Hugpungan (2016)
Mula sa UP Diliman Information Office

Hugpungan 2016 Poster
Jefferson Villacruz & UP Diliman Information Office

Hear Them Pray, 2017
Archie Oclos
Acrylic sa konkreto
Koleksyon ng UP Kolehiyo ng Sining Biswal
Larawan mula sa UPD University Collection Mapping Project

Musika:
“Sayaw Pinoy Sayaw, Sayaw Mundo Sayaw”
Kontemporaryong Gamelan Pilipino (Kontra-GaPi)
Youtube: www.youtube.com/user/kontragapi
Spotify: https://open.spotify.com/artist/5lUhEUjsfjQP61c8WEsMoJ?si=6ilMOQw0T3mBsiNBEHraPQ

SINING PROTESTA: Poster Art Contest Winners

Sila ang nagwagi!~

Buong-lugod naming ipinakikilala ang mga estudyante-artista na nagpamalas ng kanilang tapang at husay sa paggawa ng sining na makabuluhan at may ipinaglalaban.

Sa gitna ng sigalot at takot sa pamamayani ng mga kapit-tuko sa kapangyarihan, sila ang nanguna sa pakikibaka—na malikhain at may-dangal!

Muli, pagbati sa mga nagwagi sa Sining Protesta Art Contest!

Makikita ang kanilang likha sa link na ito: https://oica.upd.edu.ph/sining-protesta-poster-art-contest/

Successful Applicants of UPD VACSSP for AY 2022-2023

[VACSSP SCHOLARS]

Isang maalab na pagbati sa mga iskolar sa ilalim ng 𝗨𝗣 𝗗𝗶𝗹𝗶𝗺𝗮𝗻 𝗩𝗶𝘀𝘂𝗮𝗹 𝗔𝗿𝘁𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗖𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗦𝘁𝘂𝗱𝗶𝗲𝘀 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗹𝗮𝗿𝘀𝗵𝗶𝗽 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 (𝗨𝗣𝗗-𝗩𝗔𝗖𝗦𝗦𝗣) ngayong AY 2022-2023.

Mabuhay ang mga artista-iskolar ng bayan!

Successful Applicants of UPD PASP for AY 2022-2023

[PASP SCHOLARS]

Isang maalab na pagbati sa mga iskolar sa ilalim ng 𝗨𝗣 𝗗𝗶𝗹𝗶𝗺𝗮𝗻 𝗣𝗲𝗿𝗳𝗼𝗿𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗔𝗿𝘁𝘀 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗹𝗮𝗿𝘀𝗵𝗶𝗽 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 (𝗨𝗣𝗗 𝗣𝗔𝗦𝗣) ngayong AY 2022-2023.

Mabuhay ang mga artista-iskolar ng bayan!