Skip to main content
Navigation

Call for Proposals—UPD Arts & Culture Festival 2023

Inaanyayahan ang mga organisasyong pang-estudyante at iba’t ibang yunit sa UP Diliman na ibahagi ang inyong mga proyektong pangsining at pangkultura na may kaugnayan sa temang “KALOOB mula at tungo sa Bayan: Artista-Iskolar-Manlilikha.”

Ang tema at adhikain ng KALOOB Festival ay nagnanais talakayin at bigyang-pugay ang mga artista-iskolar-manlilikha ng bayan na nagpapamalas ng masusing pag-unawa sa kondisyon ng tao, partikular sa karanasang Pilipino. Sa gitna ng pandemya, mga problemang pangkalikasan, panlipunan, pangkabuhayan, at politikal, kasama na ang pagpigil sa karapatan ng malayang pagpapahayag sa isang demokratikong bansa, ang mga artista-iskolar-manlilikha ay patuloy na lumilikha ng sining na nagmumula at patungo sa bayan.

Basahin ang iba pang impormasyon sa: https://bit.ly/2023UPDACFInitiatives

Ang deadline ng pagsumite ng proposal ay sa 25 Enero 2023.

Huwag mag-atubili na kontakin ang opisina para sa mga katanungan. Hihintayin namin ang inyong partisipasyon.