Ngayong ika-124 Araw ng Kalayaan, ating ipagdiwang ang kasarinlan ng ating bayan at gunitain ang mahabang panahon ng pagpupunyaging makamit ito mula sa panloob at dayuhang pangingikil.
Sa mga panahon ng dilim at ligalig, nasa kamay natin ang patuloy na pakikibaka at pagsasakatuparan ng isang malaya at mapagpalayang bukas.
Pagbati sa mga nagawaran ng Outright Grant sa ilalim ng UP Diliman Creative/Critical Thesis Grant in the Arts, Culture and the Humanities (UPD CCTGACH) Cycle 5 ngayong 2nd semester, AY 2021-2022. Padayon!
We are now accepting applications for OICA Grant for JULY to SEPTEMBER 2022 projects/events.
Kindly submit duly-accomplished project proposal form, a copy of your updated org. recognition/registration and other requirements to grants_oica.upd@up.edu.ph on or before JUNE 1, 2022.
Pinakamataas na pagpupugay sa kagitingan ng bawat Pilipinong nag-alay ng kanilang buhay upang ipaglaban ang kasarinlan ng ating bayan!
Sa ika-80 taon anibersaryo ng Labanan sa Bataan, ating ipagdiwang hindi lamang ang mga kabayanihang ipinamalas, ngunit pati na rin ang patuloy na pananalaytay ng lakas at giting sa kasalukuyang pakikibaka para sa kalayaan at kaligtasan ng lahat.
#ArawNgKagitingan
References: National Commission for Culture and the Arts (NCCA), “PHILIPPINE HISTORY SOURCE BOOK: Annotated Compilation of Selected Philippine History Primary Sources and Secondary Works in Electronic Format,” p. 297, via https://ncca.gov.ph/2021/08/27/philippine-history-source-book/ accessed 6 April 2022
Images: Designer: Victorino Z. Serevo/Philippine Postal Corporation, Public domain, via Wikimedia Commons W.wolny, Public domain, via Wikimedia Commons
Sa ika-36 anibersaryo nito, ating gunitain ang EDSA People Power Revolution, isang yugto ng ating kasaysayan na nagpamalas sa husay at tapang ng mga Pilipino na kolektibong nakibaka para sa matagal na ninakaw na kalayaan, karapatang pantao, at demokrasya.