Skip to main content
Navigation

Letters to the Future – Kaloob

Dear Charo 📃✍️ (Creative Hardworking ARtists all Over)

Sa pagsasara ng ating Arts and Culture Festival ngayong taon, may kaloob na liham ang ating mga artista-iskolar para sa mga kapwa artista at aspiring creative content creators. Ito ay words of encouragement and affirmation na magpatuloy lang sa paglubog sa mga komunidad at sa paglikha ng sining na mula at tungo sa bayan.

Maaaring basahin ang buong bersyon ng mga liham sa: https://bit.ly/KaloobLetters

Kaloob-Sining Biswal Exhibit remains open from 6-10 March 2023

[ANNOUNCEMENT]

Please be advised that the Kaloob-Sining Biswal: Mga Likha ng mga Artista-Iskolar ng UP Diliman exhibit at the Palma Hall Lobby will remain open this week (6-10 March 2023).

The exhibit runs until 17 March 2023 (Friday).

The works of the participating artist-scholars may also be viewed at the Kaloob-Sining Biswal online catalog: https://bit.ly/UPDOICAOnlineExhibits

Tampok sa exhibit ang mga likhang sining na tumatalakay sa iba’t ibang pananaw sa sining, lipunan, kapaligiran at sangkatauhan. Hangad ng exhibit na mapagnilayan natin ang mga paksang ito bilang tugon sa mga isyung panlipunang ating kinakaharap.

Samantala, subaybayan, maging mapanuri, at makisangkot din tayo sa pressing social concerns sa kasalukuyan! ✊

Anibersaryo ng Exodo ng UP mula Maynila tungong Diliman—11 Pebrero 2023

Sa paglipat ng Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman noong 11 Pebrero 1949, namukadkad ang malalalim at makukulay na kuwentong humulma ng isip at damdamin ng komunidad ng UP. Nagsilbi itong mahalagang lunan hindi lamang para sa mga residente, kawani, at mag-aaral nito kundi maging sa iba pang mga taong ginagalawan ang Unibersidad bilang lugar pahingahan, palipasan ng oras, lagusan, tagpuan at lokasyon para sa iba pang mga gawain at layon.

Bisitahing muli ang birtuwal na eksibit na “Lupang Hinirang: Mga Kuwento ng Pagsasalugar ng UP Diliman” sa lupanghinirang.upd.edu.ph.

Maaari ring i-download ang monograp ng eksibit sa lupanghinirang.upd.edu.ph/about/monograph.

Photo from Dr. Ricardo Jose Collection. Celebrating the birth and rebirth of the UP College of Liberal Arts (1910-1983), p.128