Skip to main content
Navigation

Bonifacio Day—30 November 2023

Nakikiisa ang UPD-OICA sa pagdiriwang ng ika-160 anibersaryo ng kapanganakan ni Andres Bonifacio na may temang “Bonifacio 2023: Katungkulan at Pananagutan Tungo sa Kaunlaran ng Bayan”. Tinaguriang Ama ng Rebolusyong Pilipino, si Bonifacio ay kinikilala dahil sa taglay niyang katapangan at dedikasyon sa pagtaguyod ng kalayaan para sa ating bayan.

Mabuhay ang ating mga kababayan na patuloy na kumakawala mula sa tanikala ng pang-aapi! Nawa’y patuloy na umalab ang espiritu ng rebolusyon sa ating mga puso tungo sa kolektibong paghahangad ng kalayaan at katarungan.

Content by Monica Delos Santos
Poster by Christian Jay Santillan

Reference:
José P. Santos, Si Andres Bonifacio at ang Himagsikan (Manila: n.pub, 1935) via http://www.thephilippineliterature.com/ang-dapat-mabatid-ng-mga-tagalog/

Indigenous Peoples Month — October 2023

October is Indigenous Peoples Month. Learn about the rights of indigenous peoples and indigenous cultural communities in the Philippines as enacted in the Indigenous Peoples’ Rights Act of 1997 (IPRA).

References:

• Indigenous Peoples’ Rights Act of 1997: https://www.officialgazette.gov.ph/1997/10/29/republic-act-no-8371/

• Indigenous Peoples Month: https://www.officialgazette.gov.ph/2009/10/28/proclamation-no-1906-a-s-2009/

• National Indigenous Peoples’ Day: https://legacy.senate.gov.ph/republic_acts/ra%2010689.pdf; https://www.officialgazette.gov.ph/2015/10/23/republic-act-no-10689/

Araw ng mga Bayani – 28 Agosto 2023

Ngayong Araw ng mga Bayani, ating inaalala at binibigyang pagpupugay ang mga taong humuhubog sa ating kamalayan upang maging malaya ang kaisipan, damdamin, at diwa ng bawat Pilipino.


“Routine says that freedom of the press is dangerous. Let us see what History says: uprisings and revolutions have always occurred in countries tyrannized over, in countries where human thought and the human heart have been forced to remain silent.”

—Jose Rizal, “The Philippines a Century Hence” (Filipinas dentro de Cien Años), 1889-1890

115th Foundation Day of UP

Ngayong 18 Hunyo 2023, ipinagdiriwang ang ika-115 anibersaryo ng pagkakatatag ng UP Diliman sa pamamagitan ng Act No. 1870 ng Philippine Assembly.

Maligayang kaarawan, UP! Mga Iskolar ng Bayan, patuloy nating ialay ang ating utak at puso para paglingkuran ang sambayanan!

Ika-125 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas

MALIGAYANG ARAW NG KALAYAAN!

Ngayong 12 Hunyo 2023, nakikiisa ang UP Diliman Opisina ng Pagpapasimuno sa Kultura at mga Sining sa pagdiriwang ng ika-125 na anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas mula sa pananakop ng mga Español.

Ang tema ng selebrasyon ngayong taon ay “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan.” Makibahagi sa mga aktibidad na inihanda ng National Historical Commission of the Philippines. Tignan ang buong detalye sa link na ito: https://bit.ly/PH125-Calendar-of-Activities

Photo Credits: Mga imahe mula sa Bonifacio Monument ni Pambansang Alagad ng Sining sa Eskultura Guillermo Tolentino sa mga kuha ng Pampangatalents