Kaalinsabay ng pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Sining noong Pebrero 2021, ginunita ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman ang dalawang mahahalagang engkwentro o pagtatagpo: ang ika-50 taon ng Diliman Commune at ika-500 taon ng Pagtatagpo ng Pilipinas at Espanya. Kaalinsabay rin nito ang ika-500 anibersaryo ng tagumpay ng labanan sa Mactan at ang ika-500 taon ng pagpapakilala ng Kristiyanismo sa bansa. Ang mga pagtatagpong ito ay ginunita sa pamamagitan ng Engkwentro: UP Diliman Arts and Culture Festival 2021 na ginanap sa buwan ng Pebrero hanggang Abril ng taong 2021.
Isang katangi-tanging pagkakataon na tingnan ang mga kaganapang ito bilang engkwentro o mga pagtatagpo na nagmula sa iba’t ibang sitwasyon ng pakikipag-usap o diyalogo – conversation, negotiation, emotion, silence, etc. Ang paggunita sa dalawang yugto na ito sa kasaysayan ng Pilipinas ay itinuturing na mahalagang batis ng mga pag-aaral at pag-unawa sa sining at kultura ng mga Pilipino. Magkaiba man ang panahon, lunan at konteksto, itinanghal ng mga engkwentrong ito ang panata, dedikasyon at kolektibong aksyon sa ngalan ng kalayaan ng bayan.
Gayundin, nagpapatuloy ang paghikayat sa mga iskolar ng bayan na pagnilayan sa pamamagitan ng mga proyektong pansining at pangkultura ang mga pagtatagpo ng ideya at konsepto, ang palitan ng materyal at performatibong kultura, ang paglikha ng mga kolaborasyon na nagbibigay ng kritikal na perspektiba sa mga isyung pangkasaysayan at panlipunan, at ang pagsusulong ng mga talastasan ng mga mananaliksik, guro, mag-aaral, at publiko.
Ang UP Diliman Arts and Culture Festival 2021 Omnibus Program ay maaaring i-download sa:
Barikada Singkwenta: Pagpupugay at Paggunita (a late afternon vigil)
enKWENTrO: Mga Kwento ng Enkwentro (A Public Art Installation Project)
Engkwentro: Salaysay ng Diliman Commune (A Virtual Exhibition)
Talastasan sa Kasaysayan: Serye ng mga Webinar
KWENTONG MULAT: The Diliman Commune Virtual Pasyal
Saysay ng Salaysay: Paggunita sa Pagtatagpo ng Puwersa at Pamayanan
The Boxer Codex Reimagined: A Re-viewing and Re-creating of the Illustrations of Filipinos in the Codex through Digitally Generated Images
Obras Arquitectónicas En Ultramar: Arquitectura Mestiza and the Built Environment in the Philippines
Of Crosses and Culture: An Anthropological Look at 500 Years of Christianity in the Philippines
PAGDIRIWANG 2: Christianity and Popular Devotions—An Online International Conference on Folklore and Heritage
Sabang: Early Southeast Asian-European Intercultural Encounters (An International Online Conference)
The 2nd Consuelo J. Paz Lecture:
A thumbnail sketch of Philippine Linguistics during the Spanish Colonial Period by Dr. Arwin Vibar
Tugon: Community Reflects on Historical Moments
Layag sa Karagatan: Kultura, Agham, at Kasaysayan
MGA INISYATIBA NG IBANG YUNIT AT MAG-AARAL
Itinampok din ang mga inisyatiba ng mga organisasyon ng mag-aaral at ng iba pang mga yunit sa UP Diliman na tumutugon sa mga nabanggit na tema.