Skip to main content
Navigation

Culture & Arts in UP Diliman

Kultura at mga Sining sa UP Diliman

UP Diliman is home to a vibrant art community in an environment with rich heritage and cultural memory. In the pursuit of academic excellence and honor, its faculty and students have committed to hone art practices that are anchored on art research, and interdisciplinal collaborations throughout the various disciplines. 

The creative and critical atmosphere that have challenged the scholars of the nation have invariably produced award-winning artists in the visual arts, architecture, interior design, creative writing, theater, music, dance, cinema, and curatorship, among others. This is exemplified by the roster of the National Artists of the Philippines, wherein artists from UP Diliman have been honored, such as: Napoleon Abueva, Larry Alcala, Federico Alcuaz, Fernando Amorsolo, Benedicto Cabrera, Victorio Edades,  Abdulmari Imao, Jose Joya, Ang Kiukok, Cesar Legaspi, Arturo Luz, Vicente Manansala, Hernando Ocampo, Guillermo Tolentino, Amelia Lapeña-Bonifacio, Ryan Cayabyab, Felipe de Leon, Kidlat Tahimik, Francisco Feliciano, Ramon P. Santos, Benedicto Cabrera, Bienvenido Lumbera, Resil B. Mojares, Ildefonso Santos Jr., NVM Gonzalez, Virgilio S. Almario, Andrea Veneracion, Wilfrido Ma. Guerrero, Jose Maceda, Lucio D. San Pedro, Antonino R. Buenaventura, Carlos P. Romulo, Jovita Fuentes, Francisca Reyes Aquino, Antonio Molina, Gemino Abad, Fides Cuyugan-Asensio, Ricky Lee, Agnes Locsin, and Tony Mabesa. 

Tahanan ang UP Diliman ng isang masiglang komunidad pansining, sa gitna ng kaligirang mayaman sa pamana at alaalang pangkultura. Sa paghahangad ng akademikong kahusayan at dangal, nagsisikap ang mga guro at mag-aaral nito na linangin ang kanilang sining batay sa pananaliksik at interdisiplinaryong kolaborasyon sa iba’t ibang larang.

Walang pasubaling iniluwal ng malikhain at mapanuring kaligirang humubog sa mga iskolar ng bayan ang mga premyadong artist sa larang ng sining biswal, arkitektura, disenyong panloob, malikhaing pagsulat, teatro, musika, sayaw, pelikula, gawaing kuratoryal, at iba pa. Patunay nito ang parangal na Pambansang Alagad ng Sining na iginawad sa mga taga-UP Diliman tulad nina: Napoleon Abueva, Larry Alcala, Federico Alcuaz, Fernando Amorsolo, Benedicto Cabrera, Victorio Edades, Abdulmari Imao, Jose Joya, Ang Kiukok, Cesar Legaspi, Arturo Luz, Vicente Manansala, Hernando Ocampo, Guillermo Tolentino, Amelia Lapeña-Bonifacio, Ryan Cayabyab, Felipe de Leon, Kidlat Tahimik, Francisco Feliciano, Ramon P. Santos, Bienvenido Lumbera, Resil B. Mojares, Ildefonso Santos Jr., NVM Gonzalez, Virgilio S. Almario, Andrea Veneracion, Wilfrido Ma. Guerrero, Jose Maceda, Lucio D. San Pedro, Antonino R. Buenaventura, Carlos P. Romulo, Jovita Fuentes, Francisca Reyes Aquino, Antonio Molina, Gemino Abad, Fides Cuyugan-Asensio, Ricky Lee, Agnes Locsin, at Tony Mabesa.

Art activities and cultural traditions have defined the UP campus. While some UP community traditions in the past have been discontinued, such as cadena de amor, hayride, and arbor day,  other forms of cultural activities have gained popularity, such as the UP Fair and the Oblation Run. As cultural events, these activities have transformed with the times in terms of content and relevance to contemporary culture. 

UP Diliman reinforces the creation of art and cultural activities that promote artistry and socially relevant projects by supporting the creative energies of its faculty, students, and staff. It sees the arts as closely integrated in both academic and community life of its constituency.

Hinubog ng mga gawaing pansining at tradisyong pangkultura ang pagkakakilanlan ng UP campus. Bagama’t may mga tradisyon sa komunidad ng UP na hindi na isinasagawa sa ngayon, tulad ng cadena de amor, hayride, at arbor day, may mga bagong anyo ng gawaing pangkultura na naging tanyag, tulad ng UP Fair at Oblation Run. Bilang mga gawaing pangkultura, patuloy na nagbabago ang mga ito sang-ayon sa nilalaman at kabuluhan sa kontemporaneong kultura.

Pinalalakas ng UP Diliman ang paglikha ng sining at gawaing pangkultura na nagsusulong ng kasiningan at mga proyektong may saysay sa lipunan sa pamamagitan ng pagsuporta sa malikhaing diwa ng mga guro, mag-aaral, at kawani. Itinuturing nito ang sining na mahalagang bahagi ng búhay sa akademya at komunidad ng buong unibersidad.


About UP Diliman
(Community and Heritage)

Tungkol sa UP Diliman
(Komunidad at Pamana)


UP Diliman Narratives of Place

In 2019, to commemorate the 70th year of the University of the Philippines’ move from its 10-hectare original site in Ermita, Manila to its 493-hectare campus in Diliman, Quezon City, an exhibit was held at the Bulwagan ng Dangal University Heritage Museum on February 15 to April 12 entitled Lupang Hinirang: Mga Kuwento ng Pagsasalugar ng UP Diliman.

Noong 2019, sa paggunita sa ika-70 taon ng paglipat ng Unibersidad ng Pilipinas mula sa 10-ektaryang orihinal nitong lokasyon sa Ermita, Maynila patungo sa 493-ektaryang kampus sa Diliman, Lungsod Quezon, idinaos ang isang eksibit sa Bulwagan ng Dangal University Heritage Museum mula Pebrero 15 hanggang Abril 12 na pinamagatang Lupang Hinirang: Mga Kuwento ng Pagsasalugar ng UP Diliman.

 





The UPD Art Collection

Ang UPD Koleksiyong Sining


UPD is steward to many artworks and heritage objects under the care of various units on campus. In 2017, the University Collection Mapping (UCM) project was developed with the goal of updating the 1986 inventory as published in the University Art Collection.

Tagapangalaga ang UPD ng maraming likhang-sining at pamanang bagay na nasa pag-iingat ng iba’t ibang yunit sa kampus. Noong 2017, binuo ang proyektong University Collection Mapping (UCM) na may layuning isapanahon ang 1986 imbentaryo na inilathala sa University Art Collection.





Cultural Facilities

Mga Pasilidad Pangkultura