Abangan ang pagtatayo ng LAWALAWA: Sa Buhol ng Hindi Tiyak (Webbings of the Uncertain), isang instalasyon ni Isola Tong!
Sa masinop na paghahabi ng mga organikong materyales, inilalatag at ipinagbibigkis din ang sangay-sangay na hibla ng mga isyung pangkalikasan, kalagayang trans*, at ang kasaysayan at hulma ng pamantasan.
Tila mala-sapot na silungan, ang LAWALAWA ay isang pook ng pag-ugnay, isang puwang ng posibilidad, isang lunan ng pagbabagong-anyo sa gitna ng nakasanayang hulmahan ng lipunan.
Magbubukas ito sa Mayo 9 sa pamamagitan ng BAYOTIC FREQUENCIES: Tunugan at Pag-hilom, isang deep listening at sound performance kasama si Tong at T33G33. Kasama rin ang isang natatanging pagbabahagi ni Dr. Jaya Jacobo, isang trans* iskolar at manunula.
Magrehistro sa link na nasa bio: https://forms.gle/CBticLB35njsgbHM6
Samahan din kaming salubungin ang Pride Month sa BRUHA PARTY: Ecodragahan sa Kagubatan na gaganapin sa Hunyo 6. Abangan ang mga susunod na detalye para dito.
Ang LAWALAWA: Sa Buhol ng Hindi Tiyak ay bahagi ng KALIKHASAN: Outdoor Art Projects on Campus Ecology, isang proyekto sa ilalim ng UP Diliman Arts and Culture Festival 2025 na may temang “Kalahok sa Nagbabagong Kalikasan.”
#LAWALAWA
#kaLIKHAsan
#UPDArtsCultureFestival2025
#KalahokSaNagbabagongKalikasan
Forthcoming: the unveiling of LAWALAWA: Webbings of the Uncertain, an installation by Isola Tong.
Through a thoughtful weaving of organic materials, LAWALAWA intertwines fibers of ecological issues, trans* experiences, and the history of the university. Like a web-like shelter, it offers a refuge: a locus of linkages, a space of the possible, a site of transformation within society’s entrenched and contested structures.
The installation opens on May 9 with BAYOTIC FREQUENCIES: Sounding and Healing, a deep listening and sound performance with Tong and T33G33, with a special remark by trans* scholar and poet, Dr. Jaya Jacobo.
Register through the link in the bio: https://forms.gle/CBticLB35njsgbHM6
Join us again as we welcome Pride Month with BRUHA PARTY: Ecodragahan sa Kagubatan, happening on June 6. Stay tuned for more details.