Skip to main content
Navigation

SINING PROTESTA: Imahe at Tema, Anyo at Pagkilos

When

September 21, 2022 - October 23, 2022    

Event Type

SINING PROTESTA:
Imahe at Tema, Anyo at Pagkilos

Outdoor Exhibition
21 Setyembre – 23 Oktubre 2022
UPD Academic Oval

Sa bawat yugto ng kasaysayan ng Pilipinas, naging lente ang sining biswal sa paglalantad, pagpuna, at pagtuligsa sa mga mapanupil na pangyayari at kalagayan sa ating lipunan. Ito ay malinaw na naipamalas noong dekada ‘70 nang ang bansa ay isinailalim sa Batas Militar na siyang kinasangkapan ng diktaduryang Marcos upang manatili sa kapangyarihan. Sa pamamagitan ng sining protesta, ipinahayag ng mga artista at grupo ng mga artista ang kanilang pagtutol sa kawalan ng katarungan, sensura sa midya, dayuhang dominasyon, korupsiyon, kronyismo, at monopolyo sa lupa ng iilan. Sa pagpapatalsik sa mga Marcos na napagtagumpayan noong 1986, hindi nagwakas ang hamon at pangangailangan na tumugon ang sining sa sari-saring isyung kinaharap ng iba’t ibang sektor ng lipunan.

Layunin ng eksibisyon na sariwain at ipagbunyi ang kapangyarihan ng sining sa pagpapahayag ng katotohanang panlipunan sa mga panahon ng ligalig. Bumabalangkas sa mga konsepto ng imahe, tema, anyo, at pagkilos, ang eksibisyon ay magtatampok ng iba’t ibang imahe at anyo ng sining na pinanday ng mga artista at grupo ng artista, upang tumalakalay sa mga temang panlipunan, na siya ring isang artikulasyon ng pagkilos. Minimithing maging lagusan ang eksibisyon ng pag-unawa sa kondisyong Pilipino na nakatuntong sa danas ng bayan.

Makibahagi sa ML@50: Tugon at Tindig ng Sining: bit.ly/ML50UPDiliman

#ML50
#UPDTugonAtTindigNgSining
#NeverAgain
#NeverForget