OICA Grants Program

It is a financial assistance program that provides funding to UP Diliman units and student organizations for projects and programs that contribute to the culture and the arts in the University. These include but are not limited to cultural and artistic productions, exhibitions, educational workshops, and other artist-support programs. Grants take the form of partial subsidy of total project cost.
Ito ay programang nagbibigay ng tulong pinansiyal sa mga yunit at organisasyong pangmag-aaral ng UP Diliman para sa mga proyekto at programang naglalayong palaganapin at paunlarin ang kultura at mga sining sa Unibersidad. Kabilang dito ang mga produksyon sa kultura at sining, mga pagtatanghal o eksibisyon, mga palihang pang-edukasyon, mga programang suporta sa mga artista, at iba pa. Ang mga gawad ay nagbibigay ng parsiyal na suportang pinansyal at hindi lalagpas sa kabuoang gastos para sa proyekto.
- Eligible applicants:
a. Officially recognized student organizations and performing arts groups in UP Diliman
b. Academic units of UP Diliman
c. Administrative, academic and non-teaching associations in UP Diliman
d. Service units and offices in UP Diliman
Note: Individuals or unrecognized groups are NOT eligible to apply. - Only student organizations/units with NO pending obligations (unsettled grants, unsubmitted accomplishment reports) may apply for a grant;
- The OICA Grants Program will only accept one project proposal per proponent per cycle.
- The PROPONENT of the project should have a legal personality in the University and should be affiliated with the student organization as its faculty adviser or with the unit as its unit head/dean/director;
- The proposal should be for an activity or project that can be under any of the following UPD-OICA Programs: Artist Support Program, Audience Development Program, Venue Development Program, and Cultural Exchange Program.
- Proposals for fund-raising projects, organization membership inductions/parties and academic requirements are not allowed;
- Projects should be in line with the UPD-OICA Research and Extension Agenda: 2024-2026;
- The proposed project/activity should not be a duplication of any existing completed project; if at all related, it must complement the existing or completed project;
- Grants shall take the form of partial subsidy and shall not exceed the total project cost. UPD-OICA is not expected to bear the full cost of the activity/project. (Note: It is expected that the proposed project can be co-financed by the organizers through their own funds or from other sources);
- The proponent of the project should NOT request support from other funding institutions FOR THE SAME ITEMS requested for funding from UPD-OICA;
- As much as possible, projects (e.g. performances, exhibits, film showing and the like) shall be free to UPD students.
- Mga maaaring mag-aplay:
a. Mga opisyal na kinikilalang organisasyong pangmag-aaral sa UP Diliman
b. Mga akademikong yunit ng UP Diliman
c. Mga asosasyong administratibo, akademiko, at di-nagtuturo (non-teaching) sa UP Diliman
d. Mga yunit at opisinang panserbisyo sa UP Diliman
Tala: HINDI maaaring mag-aplay ang mga indibidwal o di-kinikilalang grupo. - Tanging ang mga organisasyong pangmag-aaral/yunit lamang na WALANG nakabinbing obligasyon (hindi pa natatapos ang gawad, hindi nakapagsumite ng mga ulat ng nagawa) ang maaaring mag-aplay para sa gawad;
- ISANG panukala mula sa isang yunit/organisasyon lamang ang maaaring isumite kada siklo;
- Ang PROPONENT ng proyekto ay kailangang may legal na personalidad sa Unibersidad at ang tumatayong gurong tagapayo ng organisasyong pangmag-aaral o pinuno/dekano/direktor ng yunit;
- Ang panukala ay dapat umayon sa (kahit isa sa) mga sumusunod na programa ng UPD-OICA: Programang Suporta sa Artist, Programang Pagdevelop ng Audience, Programa sa Pagdevelop ng Venue/Plataporma, at Programang Palitang Pangkultura;
- Hindi pinahihintulutan ang mga panukala para sa mga proyektong ang pangunahing layunin ay ang paglikom ng pondo, induction o handaan para sa mga kasapi, at pagpapatupad ng mga kahingiang akademiko;
- Ang mga proyekto ay kailangang tugma sa UPD-OICA Adyenda sa Saliksik at Gawaing Pang-Ekstensyon;
- Ang panukalang proyekto/gawain ay hindi dapat pag-uulit o duplikasyon ng anumang umiiral na natapos nang proyekto; kung kaugnay man, kailangang maghuhusto o dadagdag sa umiiral o natapos nang proyekto;
- Ang mga gawad ay parsiyal na subsidyo at hindi dapat lalagpas sa kabuoang gastos para sa proyekto (Tala: Inaasahang kaya nang punuan ang kailangan pang pondo ng panukalang proyekto ng mga tagapagtaguyod sa pamamagitan ng sarili nilang pondo o pondong mula sa iba; hindi dapat asahan na sasagutin ng UPD-OICA ang kabuoang gastos para sa gawain/proyekto);
- Ang proponent ng proyekto ay HINDI dapat humingi ng suporta mula sa ibang institusyon o ahensiya para sa parehong gastusin na hinihiling sa UPD-OICA;
- Hangga’t maaari, ang mga posibleng proyekto (hal. pagtatanghal, eksibit, pagpapalabas ng pelikula, at katulad) ay libre o walang bayad para sa mga mag-aarál.
IMPORTANT: ONLY APPLICATIONS WITH COMPLETE REQUIREMENTS WILL BE FORWARDED TO THE UPD-OICA ADVISORY BOARD FOR EVALUATION AND APPROVAL.
- Project Proposal Form (Digital signatures shall be accepted)
- A brief profile of the organization/unit;
- (for student organizations) Copy of organization’s valid certificate of recognition/registration issued by:
– Office of the Vice Chancellor for Student Affairs (OVCSA) for university-based organizations
– Office of the Dean for college-based organizations
MAHALAGA: ANG MGA APLIKASYON LAMANG NA TUMUTUGON SA SUMUSUNOD NA KAHINGIAN ANG IPADADALA SA LUPON NG MGA TAGAPAYO NG UPD-OICA PARA SA EBALWASYON AT PAG-APROBA.
- Pormularyo ng Panukalang Proyekto (Maaaring gamitin ang digital na lagda)
- Maikling profile ng organisasyon/yunit;
- (para sa organisasyong pangmag-aaral) Kopya ng opisyal na pagkilala sa organisasyon o sertipiko ng rehistrasyon mula sa:
– Opisina ng Bise Tsanselor para sa mga organisasong pang-unibersidad
– Opisina ng Dekano para sa mga organisasyong pangkolehiyo
- Submit the requirements through the OICA Grants Submission Portal. Proponents and project coordinators will receive a notification within two (2) working days if their application was received in good order.
- Project proponents will be informed by e-mail of the result of their application within sixty (60) days after the submission deadline of the current cycle.
- Isumite ang mga kahingian gamit ang OICA Grants Submission Portal. Makakatanggap ang proponent at tagapag-ugnay ng proyekto ng kumpirmasyon na natanggap ang kanilang aplikasyon sa loob ng dalawang (2) araw pantrabaho.
- Ipapaalam ang kinalabasan ng aplikasyon sa mga project proponent sa loob ng animnapung (60) araw matapos ang huling araw ng pagsumite ng aplikasyon ng kasalukuyang siklo sa pamamagitan ng e-mail.
Effective January 2025
Event Dates | Application Period |
January to April | August 1 to November 1 |
May to August | December 1 to March 1 |
September to December | April 1 to July 1 |
Note: If the last day of submission falls on a non-working day, the deadline is moved to the next working day.
Petsa ng Gawain | Panahon ng Aplikasyon |
Enero hanggang Abril | Agosto 1 – Nobyembre 1 |
Mayo hanggang Agosto | Disyembre 1 – Marso 1 |
Setyembre hanggang Disyembre | Abril 1 – Hulyo 1 |
Paunawa: Kung tumapat ang huling araw ng aplikasyon sa araw na walang trabaho, maaaring magsumite ng aplikasyon hanggang sa susunod na araw pantrabaho.
For further inquiries, please contact the grant coordinator at 8981-8500 or local VoIP 2658 or send an email to grants_oica.upd@up.edu.ph.
Para sa iba pang tanong, kontakin ang tagapag-ugnay para sa gawad sa 8981-8500 o local VoIP 2658 o magpadala ng email sa grants_oica.upd@up.edu.ph.