Skip to main content
Navigation

History and Mandate

Kasaysayan at Mandato

The UPD Office for Initiatives in Culture and the Arts (OICA) was established in March 1999 by the UP Board of Regents and is under the UP Diliman Office of the Chancellor. It assumed the functions of the dissolved UP Diliman Committee on Arts and Culture. The transformation of OICA from a committee to an office was spearheaded by Prof. Eufracio C. Abaya, Ph.D. who later became its first director.

Itinatag ang UPD Opisina ng Pagpapasimuno para sa Kultura at mga Sining (OICA) noong Marso 1999 ng UP Lupon ng mga Rehente at nasa pamamahala ito ng UP Diliman Opisina ng Tsanselor. Ginampanan nito ang mga tungkulin ng dating UP Diliman Komite sa Sining at Kultura. Ang transpormasyon ng OICA mula sa isang komite patungong isang opisina ay pinangunahan ni Prop. Eufracio C. Abaya, Ph.D., na naging unang direktor nito.


Current OICA Logo
First version of the OICA Logo

THE OICA LOGO

ANG LOGO NG OICA

The UPD-OICA tree-of-life logo was conceptualized during the term of Prof. Eufracio C. Abaya, Ph.D. as OICA Director in 2000. It rst appeared as a graphic image in the poster of the UP Diliman Month February 2000 which had the theme “Hitik sa Sining 2000: Pamana at Pagsulong.” The poster was designed by UP College of Fine Arts faculty members Armando B. Burgos and Roberto Eliseo G. Paulino based on the Samal “Tree of Life,” an applique tapestry displayed during festivities in Tawi-Tawi. By February 2001, the image was adopted as the OICA logo in that year’s UP Diliman Month poster with the theme “Hitik sa Sining 2001: Talas-Suri sa Tuwid na Simulain.” The logo was modified during the term of director Ruben D.F. Defeo. (Source: RGPaulino, pers. comm., 2021)

Ang logong punò-ng-búhay ng UPD-OICA ay ikinonseptuwalisa noong panahon ni Prop. Eufracio C. Abaya, Ph.D. bilang Direktor ng OICA noong taong 2000. Unang lumitaw ang imaheng ito sa poster ng Buwan ng UP Diliman noong Pebrero 2000 na may temang “Hitik sa Sining 2000: Pamana at Pagsulong.” Idinisenyo ito nina Armando B. Burgos at Roberto Eliseo G. Paulino, mga guro mula sa UP Kolehiyo ng Sining Biswal (College of Fine Arts), batay sa “Punò ng Búhay” ng mga Samal—isang tapeseriyang may disenyong borda na karaniwang itinatanghal sa mga pista sa Tawi-Tawi. Pagsapit nang Pebrero 2001, pormal na ginamit ang imaheng ito bilang opisyal na logo ng OICA sa poster ng Buwan ng UP Diliman na may temang “Hitik sa Sining 2001: Talas-Suri sa Tuwid na Simulain.” May pagbabagong ginawa sa logo sa panahon ng panunungkulan ni Direktor Ruben D.F. Defeo. (RGPaulino, personal na komunikasyon, 2021).