🤔Alam niyo ba na ngayong taon, bahagi ng UP Diliman Arts and Culture Festival ang isang pampublikong exhibit na maghahatid sa atin ng tatlong kakaibang likhang-sining na magpapaisip sa ating koneksyon sa kalikasan at sa komunidad ng ating pamantasan? 😲💚
🌱 Bisitahin ang iba’t ibang obra na hatid ng Kalikhasan: Outdoor Art Projects on Campus Ecology, kung saan ipapaunawa sa atin ang epekto ng ating kakayahang hubugin ang mundong ating ginagalawan.
📍 Mula sa Amphitheater hanggang sa Academic Oval, uusbong sa iba’t ibang lugar sa kampus sa mga susunod na linggo ang iba’t ibang art installation na siguradong pupukaw sa atensyon ng bawat isa.
📅 Tatakbo ang eksibit mula buwan ng Pebrero hanggang Hunyo 2025
🎶🎨Tunghayan bukas, ika-4 ng Pebrero, 4:30 ng hapon sa University Amphitheater, ang aktibasyon ng obra ni Dayang Yraola na pinamagatang “Kaibuturan,” isang interactive sound art installation, na nakapaloob sa Seremonya ng Paglulunsad ng UP Diliman Arts and Culture Festival 202! Halina’t maging parte ng isang pagtatanghal na puno ng kahulugan at pagninilay. 💭✨
🪧 Abangan ang iba pang detalye at updates tungkol sa mga makikkita pang exhibit sa official FB page ng OICA – kita-kits, ha!
Poster by Ynah Garcia