Sa Araw ng mga Manggagawa (Labor Day), nakikiisa ang UPD-OICA sa ating mga manggagawa at sa pagtatanggol ng kanilang mga karapatan – ang pagprotekta at pagtaguyod sa pagkakaroon nila ng regular na trabaho (full employment) at ang pagkakaloob sa kanila ng pantay na pagkakataong magtrabaho o lumikha, na hindi inaalintana ang katauhang pangkasarian, katayuan sa buhay, o relihiyon.
Sa araw ring ito, balikan natin ang siyam na araw ng Diliman Commune at sariwain ang matibay na suporta ng mga estudyante sa mga tsuper ng dyip para kondenahin ang pagtaas ng presyo ng gasolina noong 1970s.
Pakinggan ang mga tagapagsalaysay na sina Atom Araullo, Sarah Elago, Rex Nepomuceno, Shan Abdulwahid, at Gio Potes. Pakinggan ang buong playlist.