Sa paglipat ng Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman noong 11 Pebrero 1949, namukadkad ang malalalim at makukulay na kuwentong humulma ng isip at damdamin ng komunidad ng UP. Nagsilbi itong mahalagang lunan hindi lamang para sa mga residente, kawani, at mag-aaral nito kundi maging sa iba pang mga taong ginagalawan ang Unibersidad bilang lugar pahingahan, palipasan ng oras, lagusan, tagpuan at lokasyon para sa iba pang mga gawain at layon.
Bisitahing muli ang birtuwal na eksibit na “Lupang Hinirang: Mga Kuwento ng Pagsasalugar ng UP Diliman” sa lupanghinirang.upd.edu.ph.
Maaari ring i-download ang monograp ng eksibit sa lupanghinirang.upd.edu.ph/about/monograph.
Photo from Dr. Ricardo Jose Collection. Celebrating the birth and rebirth of the UP College of Liberal Arts (1910-1983), p.128