Bahagi ng proyektong Blind Together ang isang workshop at performance showcase kung saan inaanyayahan tayong gumalaw at makiramdam sa pamamagitan ng tunog, haplos, tiwala, at ugnayan.
Pinangunahan ng Thai blind artist na si Toffee Tabklong, kasama si Ong Pholchai, binibigyang-halaga ng proyektong ito ang karanasan ng pagkabulag bilang malikhaing puwersa at bukas na daan sa mas inklusibong pamamaraan ng paggawa ng sining.
Magkita-kita tayo ngayong Pebrero sa isang espasyong ating sama-samang bubuuin. Kung saan ang paggalaw ay paraan ng pag-unawa, at ang sining ay daluyan ng pakikilahok at empatiya.
Makilahok. Makibahagi. Kumilos.
Kasama ka.
Workshop
Pebrero 9, 2026
UP College of Music Dance Studio
Performance Showcase
Pebrero 13, 2026, 4:00 PM
UP Carillon Plaza at College of Music Front Lawn
Ang proyektong ito ay bahagi ng UP Diliman Arts and Culture Festival 2026. Bisitahin lamang ang bit.ly/UPDACF2026 o i-scan ang QR code para sa iba pang detalye.
Poster by Vince de Dios
