Skip to main content
Navigation

Rizal Day—30 Disyembre 2025

Ating gunitain ang buhay ni Dr. Jose Rizal—isang siyentista, pilosopo, makata—sa pamamagitan ng pagyakap sa iba’t ibang uri ng kaalaman at kakayahan at sa pagsasaloob ng mga ito sa iba’t ibang uring serbisyong pampubliko tungo sa isang marangal, makatarungan, at mulat na pagpapairal ng nasyonalism sa ating lipunan.

Ito ang ilang piling mga sulatin tungkol sa buhay ni Dr. Jose Rizal, na nagpapakita ng kanyang paglago bilang intelektual at rebolusyonaryo:

Critical Readings on the state of Indigenous Peoples in the Philippines—Indigenous Peoples Month 2025

Habang tayo ay madalas sumangguni sa mga kaalaman, kasanayan, at gawaing pansining mula sa mga komunidad ng katutubo sa Pilipinas para bigyang saysay ang ating kamalayan at pagkakakilanlan bilang mga Pilipino, ang kanilang mga pasakit at ang mga hamon sa kanilang mapayapang pamumuhay ay hindi nabibigyan ng karampatang pansin.

Itong buwan ng mga katutubo, alamin natin ang kalagayan ng mga komunidad ng mga katutubo sa Pilipinas sa pamamagitan ng ilang mga babasahin mula sa mga organisasyong katuwang ng mga katutubo sa kanilang pagpupunyagi tungo sa buhay na payapa, marangal, at may kapasidad para umunlad ayon sa kanilang mga paniniwala at sa pamamaraang makabuluhan para sa kanilang buong komunidad.

References:

  1. Legal Rights and Natural Resources Center: Link
  2. Cultural Survival: Link
  3. Mongabay News: Link
  4. Legal Rights and Natural Resources Center: Link
  5. Legal Rights and Natural Resources Center: Link
  6. UP Center for Integrative and Development Studies (CIDS): Link
  7. United Nations Development Programme Philippines: Link
  8. The World Bank: Link
  9. UP Center for Integrative and Development Studies (CIDS): Link

Flores de Mayo sa UP Diliman—National Heritage Month 2025

Sa UP Diliman, matutunghayan din ang iba’t ibang mga tradisyong pangkomunidad tulad ng mga parada, piyesta, prusisyon, at iba pa. Sa mga pagdiriwang na ito, naipapahiwatig nila ang kanilang paniniwala, kaalaman, at pagpapahalaga sa mga ugnayan nila sa isa’t isa at sa ginagalawan nila, at sa kanilang pananampalataya.

Photos from Ledda Zapanta

Earth Day!—22 April 2025

Ngayong Earth Day, ating bigyang-pansin ang malawakang panawagan para sa sostenible at pantay-pantay na pamumuhay. Ating patibayin at pagyamanin ang mga pamamaraang nakabubuti sa kalikasan para sa maayos na kinabukasan! 🌱

Maging responsable. Maging sostenible. Maging kalahok sa nagbabagong kalikasan! 🌏✊

“We are faced not with two separate crises, one environmental and the other social, but rather with one complex crisis which is both social and environmental. Strategies for a solution demand an integrated approach to combating poverty, restoring dignity to the excluded, and at the same time protecting nature.”

—Pope Francis from the encyclical letter “LAUDATO SI’: On Care For Our Common Home” (2015)


Reference:
“ENCYCLICAL LETTER LAUDATO SI’ OF THE HOLY FATHER FRANCIS ON CARE FOR OUR COMMON HOME” via https://www.vatican.va/content/francesco/en/encyclicals/documents/papa-francesco_20150524_enciclica-laudato-si.html