“Isa kang indigo child. Ikaw ang puputol ng kadena ng paulit-ulit na kasawian, pasakit, kamangmangan, kababawan. Ikaw ang sasagip ng lahat na nalugmok na sangkatauhan sa kumunoy ng nakaraang panahon. Ikaw ang isa sa henerasyon ng bagong tao na magbubukas ng bagong kabanata.”
— Felisa
Muling panoorin ang pagtatanghal ng “Gunita sa Karimlan ng Batas Militar,” tampok ang isang sipi ng “Indigo Child” ni Rody Vera, sa interpretasyon ni Skyzx Labastilla.
Ito ay bahagi ng “Sa Mahal Kong Bayan,” isang birtuwal na palatuntunan na nag-premier noong Marso 19 sa opisyal na Facebook page at Youtube channel ng UP Diliman (UPD) para sa pagdiriwang ng UPD Arts and Culture Festival 2022, “kaMALAYAn: Pamana ng GomBurZa @ 150.”
Makibahagi sa ML@50: Tugon at Tindig ng Sining: bit.ly/ML50UPDiliman.
#ML50
#UPDTugonAtTindigNgSining
#NeverAgain
#NeverForget