Skip to main content
Navigation

Kalahok sa Nagbabagong Kalikasan—UP Diliman Arts and Culture Festival 2025

When

February 4, 2025 - February 28, 2025    

Event Type

Inihahandog ng UP Diliman Opisina para sa Pagpapasimuno sa Kultura at mga Sining (UPD-OICA) ang mga programa at aktibidad na bahagi ng Arts and Culture Festival 2025 na may temang “Kalahok sa Nagbabagong Kalikasan.” Sa isang buwang pagdiriwang na ito ay matutunghayan natin ang iba’t ibang paraan ng pagpapahalaga at pangangalaga sa kalikasan sa larangan ng sining at gawaing pang-kultural.

Narito ang mga proyektong inihanda ng UPD-OICA at ng iba pang mga opisina, yunit, at organisasyong pangmag-aaral ng UP Diliman:

Seremonya ng Pagbubukas ng UP Diliman Arts and Culture Festival 2025, tatlong Himigsikan, at ang konsiyerto ng Kuwerdas Filipinas mula sa UP Diliman OICA

Mga workshop tungkol sa kalikasan at mga sostenibleng kasanayan sa teatro mula sa Dulaang UP, Departamento ng Komunikasyong Pasalita at Sining Panteatro (DSCTA), na pinamagatang “DuLABhusayan: Mga Anak ng Unos” (Workshops on Environment and Sustainability Component)

Ang docu-series na “Bukas, sa UP, bukas: Imagining UP Diliman’s Ecocritical Futures” mula sa Departamento ng Brodkasting

Isang workshop tungkol sa personal archiving na pinamagatang “Future-Proofing Stories: Climate-Responsive Personal Archiving Workshop for Student Filmmakers and Film Scholars” mula sa UP Instityut ng Pelikula (UPFI)

Ang “Imbuing Cultural and Arts Education with Critical Discourse on the Interface of Ecological Issues, Social Justice, and Human Rights” isang kumperensiya mula sa Departamento ng Edukasyong Pangmusika, UP Kolehiyo ng Musika

Talakayan tungkol sa aksesibilidad at inklusibong kasanayan sa museo na pinamagatang “Accessibility and Ecology: Sessions on Equity in Museums” mula sa Bulwagan ng Dangal University Heritage Museum

Ang “AnthropoScene”, isang interactive na exhibit mula sa Departmento ng Sining sa Estudyo, Kolehiyo ng Sining Biswal (CFA)

Diskurso tungkol sa kultura ng Cordillera mula sa Paggawisan Tako Am-In UP Diliman, na pinamagatang “PAGTAtalakay Series: Navigating the Impact of Environmental Changes to Cordilleran Cultural Performances”

Mga workshop tungkol sa pagsusulat ng sining na “Essays and Assays: Approaches and Experiments in Art Writing” mula sa Departamento ng Aralin sa Sining, Kolehiyo ng Arte at Literatura

Isang proyekto tungkol sa sostenibleng pamamaraan sa pagkain mula sa Serbisyong Pampagkain ng Unibersidad (UFS) na pinamagatang “Kani-kaniyang Baunan (KKB): Tungo sa Sostenibleng UP Diliman”

Ang “Youth In-Charge: Environmental Actions of the Youth as Champions of Sustainability”, isang proyektong tungkol sa halaga at papel ng kabataan sa mga krisis sa kalikasan na mula sa Sentrong Asyano

Kompetisyon ng sabayang pagbigkas at interpretasyong oral na pinamagatang “Speech Cup 2025” mula sa UP Speech Communication Association (SPECA)

Samahan kaming suriin kung paano nakakaapekto ang sining sa ating pananaw at pagtangkilik sa mas maayos na kalikasan. Abangan ang mga susunod na anunsiyo at detalye sa aming FB page. Sama-sama nating itaguyod ang sining para sa kalikasan! 🍃✨

#UPDArtsCultureFestival2025
#KalahokSaNagbabagongKalikasan