Skip to main content
Navigation

ML@50: Tugon at Tindig ng Sining

When

September 14, 2022 - October 17, 2022    

Event Type

Bilang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar, inihahandog ng UP Diliman Office for Initiatives in Culture and the Arts (UPD-OICA) ang ML@50: Tugon at Tindig ng Sining.

Mula Setyembre hanggang Oktubre, iniimbitahan namin kayong alalahanin ang pakikibaka ng sambayanang Pilipino laban sa panunupil at pang-aapi ng diktaduryang Marcos. Naghanda ang mga unit ng Unibersidad ng mga gawaing tampok ang iba’t ibang anyo ng sining na naglalayong pumukaw upang sariwain ang kolektibong gunita ukol sa madilim na yugto ng kasaysayan ng bansa.

Ang tugon ng sining: Huwag hayaang burahin ng mga naghahari-harian ang kaSAYSAYan!

Ang tindig ng sining: Ipaglaban ang tunay na katotohanan!

Ang proyektong ito ay bahagi ng UP Day of Remembrance para sa ML@50: Manindigan sa Katotohanan, Itanghal ang Katarungan.

*Schedules/venues are subject to change without prior notice.
 

GO TO PAGE