
9.21 We will never forget—UP Diliman Day of Remembrance 2024

For UP Day of Remembrance 2024, UP Diliman hung banners around the Academic Oval to look back on and learn more about the events and experiences leading to the declaration of Martial Law until the EDSA People Power Revolution in 1986, which marked the restoration of democracy in our country and the end of the Marcos regime.
The banners included information on historical moments and atrocities related to the imposition of Martial Law in the Philippines. The outdoor exhibit ran from September 16 to 30, 2024.
Scroll down to see the online version of the exhibit.
Jabidah Massacre
18 March 1968
18 Marso 1968
On 18 March 1968, at least a dozen Muslim military recruits were murdered in Corregidor. These trainees were part of “Operation Merdeka,” a secret operation with intentions to create disturbances in Sabah that would provide the justification for the Philippine government to take full control of the island. When the recruits protested their living conditions, they were disarmed, sent home, and others executed. This incident, known as the “Jabidah Massacre,” became one critical moment in influencing Moro insurgency against Marcos rule.
Maiuugat sa mahabang kasaysayan ng pagsasantabi sa kapakanan ng mga Pilipinong Muslim ang paglitaw ng mga kilusang nagtataguyod sa pagtatatag ng isang malayang estadong Islamiko sa timog na bahagi ng Pilipinas. Higit na lumawak ang pakikibakang ito sa ilalim ng panunungkulan ni Marcos Sr. nang mabunyag ang nangyaring Jabidah Massacre kung saan pinaslang ng mga kasapi ng militar ang mga sinasanay na mga kabataang Muslim matapos nilang magprotesta hinggil sa kanilang kalagayan. Bahagi ang mga napaslang ng “Operation Merdeka,” isang operasyong militar na naglalayong kubkubin ang Sabah mula sa Malaysia.
Manili Massacre
19 June 1971
19 Hunyo 1971
In Manili, Carmen, North Cotabato, over 70 Muslims were murdered inside a mosque on 19 June 1971. This atrocity is believed to be the actions of Ilaga, a paramilitary group working with the Philippine Constabulary to eradicate Moro insurgency in Mindanao.
Dahil sa lumalalang kaguluhan at karahasan sa Mindanao bunga ng sesesyong Muslim, nakipagtulungan ang Philippine Constabulary sa mga paramilitary groups gaya ng Ilaga. Nakilala ang Ilaga sa karahasan at iba’t ibang mga pang-aabuso sa karapatang pantao partikular na ang kanilang pinaniniwalaang pagpatay sa higit pitumpung (70) Muslim sa loob ng isang mosque sa Manili, Carmen, North Cotabato noong 19 Hunyo 1971.
First Quarter Storm
January to March 1970
Enero hanggang Marso 1970
The First Quarter Storm refers to a series of demonstrations and protests from the months of January to March 1970. These events were organized by students, laborers, and peasants to raise issues regarding low wages, oil price hikes, authoritarianism, and US imperialism, among others. Filipino writer Pete Lacaba described this period as “days of disquiet, nights of rage.”
Sa pagpasok ni Marcos sa kanyang pangalawang termino ng panunungkulan noong taong 1970, sinalubong siya ng magkakasunod na mga kilos-protesta na inorganisa ng mga mag-aaral, manggagawa, at mga pesante. Isinulong sa mga pagkilos na ito ang mga usapin ng
mababang pasahod, pagtaas ng presyo ng langis, imperyalismo ng Estados Unidos, at mga pangamba hinggil sa awtoritaryanismo. Kolektibong tinagurian ang mga malawakang pagkilos na ito na nangyari sa unang tatlong buwan ng 1970 bilang Sigwa ng Unang Sangkapat.
Plaza Miranda Bombing
21 August 1971
21 Agosto 1971
On 21 August 1971, the Liberal Party held a proclamation rally at Plaza Miranda where a large crowd assembled. At 9:13 p.m., a grenade was thrown onto the makeshift stage. A second grenade exploded a few seconds later. Nine people were killed and one hundred twenty-nine people were injured. Then president Marcos Sr. blamed the communists and suspended the writ of habeas corpus. Others believed that Marcos staged the bombing to justify his declaration of martial law in 1972.
Ang pambobomba sa proclamation rally ng mga kandidato ng Liberal Party sa Plaza Miranda noong ika-21 ng Agosto 1971 ang isa sa mga itinuturing na mga ikutang pangyayari sa mga buwan bago ang deklarasyon ng batas militar noong 1972. Siyam na tao ang nasawi, habang isang daan at dalawampu’t siyam naman ang nasagutan. Bunga ng karahasang ito, sinuspinde ni Marcos Sr. ang writ of habeas corpus kasabay ng pagbaling ng sisi sa komunista. Sa kabila nito, may ilang naniniwala na ang pangbobomba ay kagagawan ni Marcos upang bigyang katwiran ang pagdedeklara ng batas militar.
Constitutional Convention
June 1971
Hunyo 1971
In June 1971, 320 delegates convened to begin reviewing and revising the 1935 Constitution. The Constitutional Convention was controversial due to alleged bribery efforts to extend Ferdinand Marcos Sr.’s term limits. By November 1972, two months after Marcos declared Martial Law, the convention approved a draft that would give Marcos more power. Consequently, Marcos organized Citizen Assemblies where citizens would be asked if they approved of the new constitution. Despite opposition, the 1973 Constitution went into effect and Marcos succeeded in legitimizing his unbounded power.
Isa sa mga kinasangkapan ni Marcos Sr. upang magkamkam ng kapangyarihan ay ang
pagpasa ng Konstitusyon ng 1973. Sinimulan ang proseso sa pagbabago ng konstitusyon nang ipatawag ang isang Constitutional Convention na binubuo ng tatlong daan at dalawampung (320) delegado noong Hunyo 1971 upang suriin at rebisahin ang Konstitusyon ng 1935. Naging kontrobersyal ang hakbang na ito dahil sa pinaniniwalaang mga panunuhol kaugnay sa
pagpasa ng probisyon na pahabain ang termino ni Marcos Sr. Noong Nobyembre 1972, dalawang buwan matapos ang deklarasyon ng Batas Militar, inaprubahan ng Convention ang panukala na magbibigay kay Marcos Sr. ng karagdagang kapangyarihan. Dagdag dito, pinanguhan ni Marcos Sr. ang pagtatatag ng Citizen Assemblies na siyang nagpadaloy sa pag-apruba sa bagong konstitusyon. Sa kabila ng oposisyon, naging matagumpay si Marcos Sr. sa pagpasa ng Konstitusyon ng 1973 at sa pagkimkim ng labis na kapangyarihan.
MV Karagatan
3 July 1972
3 Hulyo 1972
In 1971, the New People’s Army (NPA) negotiated an arms shipment from China. MV Karagatan, the ship carrying arms, arrived at the mouth of the Digoyo River in Isabela on 3 July 1972. The crew were unable to move the arms to the jungle as the military strafed and bombed the beach. This unsuccessful attempt by the Communist Party of the Philippines to bring in arms was later cited as one of Marcos Sr.’s rationale for imposing martial law.
Taong 1972 nang magpadala ng materyal na tulong ang Tsina sa New People’s Army (NPA) sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga bala at baril . Mula sa Tsina, ipinadala ang mga ito sa Pilipinas lulan ng MV Karagatan. Ngunit, nang dumaong ang barko sa bukana ng Ilog Digoyo sa Isabela, sinalubong ito ng puwersa ng militar, kung kaya hindi nakuha ng NPA ang mga armas galing Tsina. Itinuturing ang insidenteng ito bilang isa sa mga dahilan sa pagdedeklara ng batas militar.
Coco Levy Fund
19 June 1971
19 Hunyo 1971
On 19 June 1971, Marcos Sr. signed Republic Act 6260, otherwise known as the Coconut Investment Fund. The law put into motion a taxation scheme that promised to fund the development of the coconut industry in the country. As a result, Filipino coconut farmers, who were already living in abject poverty, faced heavy taxes on their produce and saw reduced farm incomes. The multibillion fund was diverted by Marcos cronies, and to this day today, has not benefited the coconut farmers.
Noong 19 Hunyo 1971, nilagdaan ni Marcos Sr. ang Republic Act 6260 na mas kilala bilang Coconut Investment Fund. Isinulong ng nasabing batas ang pagbuo ng iskema ng pagbubuwis na naglalayong palaguin ang industriya ng niyog sa bansa. Ngunit, sa halip na makatulong sa mga magsasaka ng niyog, lalo silang nabaon sa kahirapan bunga ng kargadagang buwis. Higit dito, ang pondo na sana ay magpapaunlad sa industriya ng niyog ay napunta lamang sa mga krony ni Marcos at hanggang ngayon ay hindi napapakinabangan ng mga magsasaka.
Ambush of Enrile
22 September 1972
22 Setyembre 1972
On 22 September 1972, the car of Defense Minister Juan Ponce Enrile was allegedly attacked near Wack Wack subdivision in Mandaluyong. When Marcos declared Martial Law, he used this incident to demonstrate how the state of peace and order in the country were in dire straits. In 1976, it was revealed that the incident was staged and that Marcos Sr. had instructed Enrile to “Make it look good.”
Ginamit ni Marcos Sr. ang pananambang kay Juan Ponce Enrile noong ika-22 ng Setyembre 1972 bilang patunay ng kawalan ng kaayusan at kaligtasang pambansa noong dekada sitenta, at sa gayon, lalong pagtibayin ang kanyang desisyon na ideklara ang batas militar. Apat na taon makalipas ang pananambang, binunyag na ito’y pagtatanghal lamang upang mabigyang katwiran ang deklarasyon ng batas militar.
Proclamation 1081
23 September 1972
23 Setyember 1972
On 23 September 1972, Ferdinand Marcos Sr. declared Martial Law in the Philippines. Among his reasons, he specifically cited the threat of a Communist force that obtained arms from China. Subsequently, leading figures of the opposition such as Benigno Aquino, Jr. and Jose Diokno were arrested. Marcos also authorized the military take-over of major media outlets such as ABS-CBN network, Channel 5, and other radio stations.
Noong 23 Setyembre 1972, idineklara ni Ferdinand Marcos ang pagpapasailalim sa buong bansa sa Batas Militar dahil sa bantang dulot ng paglakas ng mga komunista. Agad na hinuli ang mga pinuno ng oposisyon gaya nina Benigno Aquino Jr. at Jose Diokno. Marami rin sa mga pahayagan at estasyon ng radyo at telebisyon ang kinubkob at ipinasara ng militar gaya ng ABS-CBN network at Channel 5.
Miss Universe 1974 and the Construction of the Folk Arts Theater
1974
In 1974, the Folk Arts Theater (FAT) was constructed for the Philippine hosting of the Miss Universe pageant. The FAT was built in 77 days and was inaugurated in a ceremony entitled “Kasaysayan ng Lahi”. The Marcos government spent millions of dollars in infrastructure, which were primarily funded by foreign loans.
Kinasangkapan ng diktadurang Marcos ang labis na pangungutang para sa pagpapatayo ng mga gusali at imprastraktura upang palakasin ang hawak nito sa kapangyarihan. Isa sa tanyag na ehemplo nito ang pagpapatayo sa Folk Arts Theater (FAT) o Tanghalang Francisco Balagtas na tinapos sa loob lamang ng pitumpu’t pitong araw para dito maidaos ang Miss Universe pageant noong 1974. Nang matapos ang gusali, binuksan ito sa pamamagitan ng isang pambungad na palabas na pinamagatang “Kasaysayan ng Lahi.”
La Tondeña Strike
1975
In October 1975, workers from the La Tondeña distillery led by activist Edgar Jopson went on strike in order to fight for permanent working status and fairer wages. The strike was eventually broken up and the workers were arrested. Consequently, Marcos Sr. passed Presidential Decree No. 823 prohibiting all forms of demonstrations.
Ang kilos-protesta ng mga manggagawa sa La Tondeña distillery na pinangunahan ni Edgar Jopson ang isa sa mga unang kaganapan na humamon sa diktadurang Marcos noong panahon ng Batas Militar. Ipinaglaban ng mga sumama sa protesta ang patas na pasahod gayon din ang pagbibigay ng permanentang posisyon para sa manggagawa. Matigas na
tinugunan ng diktadura ang kaganapan na ito sa pamamagitan ng paghuli sa mga nakisangkot at pagpapatupad ng Presidential Decree No. 823 na nagbabawal sa anumang uri ng protesta.
Malisbong, Palimbang Massacre
September 1974
Setyembre 1974
In September 1974, around 1,500 Muslim men were massacred in Malisbong, Palimbang in Sultan Kudarat as part of the government’s campaign to quell the secessionist movement of the Moro National Liberation Front (MNLF). Today, the Commission of Human Rights consider this event as one of the most gruesome examples of the atrocities committed by the Marcos regime against Muslims.
Pinaigting ng diktadurang Marcos ang kampanyang militar laban sa Moro National Liberation Front (MNLF) na nangunguna sa sesesyong Muslim sa Mindanao noong taong 1974. Isa sa mga naging biktima ng kampanyang ito ang mga residente ng Malisbong sa Palimbang, Sultan Kudarat. Humigi’t kumulang sa isang libo at limang daang kalalakihan ang pinaslang ng mga militar bukod pa sa mga kababaihan at kabataang nakaranas ng pang-aabuso. Kinilala ng Commission on Human Rights ang kaganapang ito bilang isa sa pinakamalalang halimbawa ng pang-aabuso ng diktadurang Marcos sa mga Muslim.
Calauit Safari Park
1976
The Calauit Safari Park in Palawan was constructed in 1976, displacing hundreds of Tagbanwa. The park was intended to house different kinds of wild animals from Africa. It serves as a stark example of the grave abuses experienced by indigenous communities under Marcos rule and represents the excessiveness of the Marcos family.
Itinatag ang Calauit Safari Park noong 1976 upang magsilbing lugar kung saan ilalagak ang iba’t ibang klase ng mga hayop mula sa Aprika. Kapalit ng pagtatayo ng wildlife sanctuary ang sapilitang pagpapaalis sa mga Tagbanwa na matagal nang itinuring na tahanan ang Calauit. Naging simbolo ng pang-aabuso sa mga katutubo at labis na karangyaan ng pamilyang Marcos ang pagpapatayo ng parke.
Tasaday Controversy
1971
In 1971, Manuel Elizalde Jr., the Presidential Assistant on National Minorities (PANAMIN), claimed to have discovered a group of living stone-age people in the Philippines: the Tasaday. The discovery fascinated the international community and was even featured as a cover story of the National Geographic Magazine in 1972. Later, it was revealed that it was a hoax orchestrated by Elizalde and that the Tasadays were really individuals from the Manobo and T’boli indigenous communities.
Taong 1971 nang ibahagi ng Presidential Assistant on National Minorities (PANAMIN) na si Manuel Elizalde Jr. ang paninirahan ng grupo ng mga tao mula sa panahong Paleolitiko sa Lawa ng Sebu sa Mindanao: ang mga Tasaday. Marami ang naging interesado sa pagkatuklas sa kanila, kasama na ang mga mamamahayag sa loob at labas ng bansa, hanggang sa nailathala ang istoryang ito sa National Geographic Magazine noong 1972. Hindi kalaunan, nabunyag ang panlilinlang ni Elizalde at napatunayan ng mga iskolar na hindi mula sa panahong Paleolitiko ang mga Tasaday kundi sila ay mga Manobo at T’boli.
Macli-ing Dulag
24 April 1980
24 Abril 1980
Macli-ing Dulag, chief of the Kalinga Butbut, was murdered in his home by elements of the 44th Infantry Battalion on 24 April 1980. He fiercely opposed the Chico River Dam Project, which sought to construct hydroelectric dams that would submerge numerous villages, displace thousands of families, and devastate the people’s way of life, homeland, and livelihood.
Naging bahagi sa mga planong pang-imprastraktura ng diktadurang Marcos ang pagtatayo ng Chico River Dam. Mariing tinutulan ito ng mga Butbut ng Kalinga na pinangunahan ni Macli-ing Dulag. Iginiit ni Macli-ing ang karapatan ng mga Bubut sa lupaing ninuno na isinawalang-bahala alang-alang sa pagtatayo ng dam. Pinatay si Macli-ing ng mga miyembro ng 44th Infantry Battalion sa kanyang bahay noong 24 Abril 1980.
Human Rights Violations Against Students
April 1973
Abril 1973
On the night of 4 April 1973, men who identified themselves as members of the Philippine Constabulary Anti-Narcotics Unit barged into the home of the Hilao family. Liliosa Hilao, a student activist from the Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, was taken away and was brutally killed in a detention cell at Camp Crame. The military falsely claimed that Liliosa committed suicide by drinking muriatic acid inside a male comfort room. Evidence showed that her body was subjected to torture and abuse. Liliosa’s case remains a testament to the various human rights violations committed against student activists.
Libu-libong mga Pilipino ang nakaranas ng pang-aabuso sa ilalim ng Batas Militar, kasama ang mga kabataang aktibista gaya ni Liliosa Hilao, isang mag-aaral ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Noong 4 Abril 1973, sinugod ng mga tauhan ng Anti-Narcotics Unit ng Philippine Constabulary ang bahay ng mga Hilao at dinakip si Liliosa. Matapos maipiit sa Camp Crame, iniulat ng militar na nagpakamatay ang dalaga sa pamamagitan ng pag-inom ng muriatic acid. Ang mga labi ni Liliosa ay puno ng marka ng pang-aabuso at mga paso mula sa upos ng sigarilyo.
The Tadhana Project
1970s
As part of his attempt to appear as an intellectual and president-scholar, Marcos Sr. assembled a team of historians in the early 1970s to produce a 21-volume history of the Philippines, which was to be credited to him. The Tadhana project was a state-funded, well-resourced endeavor. By the end of his presidency, only four of the supposed 21 volumes had been completed.
Bilang bahagi ng kanyang pagtatangkang pagmukain ang sarili bilang isang intelektwal at akademiko, tinipon ni Marcos Sr. ang ilang mga historyador upang magsilbing ghost writers para sa akda tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang koleksyong bubuuin na aabot sa dalawampu’t isang tomo ay tinawag na Tadhana project. Sa kabuuan tanging apat na tomo lamang sa koleksyon ang natapos.
Lifting of Martial Law
17 January 1981
17 Enero 1981
Under intense international pressure, President Ferdinand Marcos Sr. issued Proclamation No. 2045 on 17 January 1981, officially lifting martial law. However, in reality, Marcos maintained the extraordinary powers that were institutionalized in the Transitory Provisions under the 1973 Constitution.
Sa harap ng lumalakas na batikos hinggil sa patuloy na pagpapatupad ng Batas Militar sa bansa, napilitan si Marcos Sr. na ideklara ang Proclamation No. 2045 noong 17 January 1981. Laman ng proklamasyon ang opisyal na pagtanggal sa Batas Militar. Ngunit sa katanuyan huwad lamang ang proklamasyong ito. Nanatili pa rin ang mga pamamaraan ng diktadura na patuloy na binibigyang bisa ng mga probisyon ng Konstitusyon ng 1973.
Visit of Pope John Paul II
17 January 1981
17 Enero 1981
With martial law “lifted,” and political prisoners, including priests, the stage was set to welcome the head of the Catholic Church, Pope John Paul II. While the Pope acknowledged Marcos Sr.’s efforts to restore a semblance of normalcy in the country, he delivered a pointed message: there is no justification, not even national security concerns, that could ever legitimize the violation of human rights.
Bilang bahagi ng paghahanda para sa pagdating ng Santo Papa na si John Paul II sa bansa noong taong 1981, iilang mga bilanggong politikal, kasama ang ilang miyembro ng kaparian, ang pinalaya kasabay ng pagtanggal sa Batas Militar. Ang mga hakbang na ito ay
ikinasangkapan upang maiwasan ang pagkapahiya ni Marcos Sr. dahil sa mga batikos na kaugnay sa pang-aabuso ng karapatang pantao ng kanyang rehimen. Bagamat pinuri ng Santo Papa ang mga hakbang na ito, binigyang diin din niya na hindi kailan man mabibigyan katwiran ang mga paglabag sa karapatang pantao, maging sa ngalan man ito ng pambansang seguridad.
Hosting of the 11th Southeast Asian Games
6-15 December 1981
6-15 Disyembre 1981
The 11th Southeast Asian Games were held in the Philippines from 6 to 15 December 1981. Marcos Sr. hoped that the ability of sports to unify groups of people would also translate into the fields of economics, politics, and culture. The 1981 sporting event was used by the dictator to further reinforce authoritarian rule and to rehabilitate his image on the international stage.
Idinaos sa Pilipinas ang ika-11 Southeast Asian Games (SEA Games) mula ika-6 hanggang ika-15 ng Disyembre 1981. Umasa si Marcos Sr. na sa pamamagitan ng pakikilahok at pangunguna ng Pilipinas sa pagdaraos ng SEA Games mapagbubuklod ang sambayan tungo sa pag-unlad sa larangan ng ekonomiya, politika, at kultura. Ngunit higit dito, mas mauunawaan ang pagdaraos ng paligsahang ito noong 1981 bilang bahagi ng pagtatangka ng diktador na lalong pagtibayin ang kanyang awtoritaryang pamumuno sa bansa at pagpapabango ng kanyang imahe sa pangdaigdigang komunidad.
Amnesty International Report
September 1982
Setyembre 1982
The release of Amnesty International’s second report in 1982 coincided with Marcos Sr.’s 12-day state visit to the United States. The report documented 49 cases of serious human rights violations, including arbitrary killings, torture, and forced disappearances. In response, Marcos accused Amnesty International of fabricating evidence and manipulating witnesses.
Bunga ng dumaraming kaso ng pang-aabuso sa karapatang pantao ng diktadurang Marcos, nagpadala ang Amnesty International (AI) ng isang fact-finding delegation sa bansa. Inilabas ng AI ang resulta ng kanilang imbestigasyon sa isang ulat na inilathala noong 1982. Ibinahagi ng AI na nakakalap sila ng mga ebidensya hinggil sa apatnapu’t siyam (49) na kaso ng pang-aabuso gaya ng pagpatay, tortyur, at sapilitang mga pagkawala. Bilang tugon, pinaratangan ni Marcos Sr. ng pagmamanipula ng mga datos ang AI.
Shutdown of We Forum
December 1982
Disyembre 1982
In 1982, the headquarters of We Forum in Project 6, Quezon City was raided after it published an expose written by Bonifacio Gillego on Marcos Sr.’ fake war exploits. Their equipment was seized, and more than a dozen of its staff and columnists, including the editor-in-chief, Jose G. Burgos, were arrested. Subversion and libel cases were filed against the independent tabloid, which was part of the emerging “mosquito press” at the time.
Nagsilbi ang mga “mosquito press” bilang alternatibong mapagkukuhanan ng balita sa panahon ng diktadura. Ilan sa napatanyag sa mga ito ang We Forum na naglathala ng mga kritikal na artikulo hinggil kay Marcos Sr., tulad ng sanaysay na isinulat ni Bonifacio Gillego tungkol sa huwad na kabayanihan ni Marcos Sr. noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Bunga nito, sinugod at sinara ng mga militar ang opisina ng nasabing pahayagan na nasa Project 6, Lungsod ng Quezon. Dinakip at kinasuhan ng libel at pagiging subersibo ang higit sa labindalawang mga manggagawa nito kasama ang punong patnugot na si Jose G. Burgos.
Aquino Assassination
21 August 1983
21 Agosto 1983
Despite warnings, former Sen. Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr. returned to the Philippines after three years of self-imposed exile in the United States. Before he could set foot on Philippine soil, he was fatally shot in the back of the head by one of his military escorts. His assassination ignited massive nationwide protests, demanding justice for all victims of the regime’s abuse of power and calling for the resignation of Ferdinand Marcos Sr.
Sa kabila ng mga banta sa kanyang buhay, pinili ni Benigno ‘Ninoy’ Aquino na magbalik sa Pilipinas matapos ang ilang taong paninirahan sa Estados Unidos. Ngunit bago pa man makaapak sa bansa, binaril at pinaslang si Ninoy ng isa sa mga sundalong inatasan na bigyan siya ng proteksyon. Nagbunga ng malawakang kilos-protesta sa buong bansa ang kaganapang ito. Iginiit sa mga pagkilos ang pagbibigay ng hustisya sa mga biktima ng pang-aabuso ng rehimen at ang pagbaba sa pwesto ni Marcos Sr.
Civil Resistance
1983
The anti-Marcos opposition gained momentum after the Aquino assassination. The clamor soon evolved beyond calls for justice for Aquino, shifting from demands for power-sharing with the Marcos regime to outright demands for Marcos’s ouster. Sectoral rallies, where groups such as the urban poor, women, teachers, and artists condemned the Marcos government while voicing their specific grievances and interests.
Lumawak ang hanay at mithiin ng mga nagkikilos-protesta na kinabibilangan ng mga batayang sektor sa lipunan gaya ng mga maralitang taga-lungsod, mga kababaihan, mga guro, at mga alagad ng sining. Bukod sa paghingi ng hustisya sa pagpatay kay Ninoy, bitbit din nila ang mga panawagan na nagsusulong ng kanya-kanyang interes at karapatan
Escalante Massacre in Negros
20 September 1985
20 Setyembre 1985
The Marcos administration’s corruption and mismanagement of the sugar industry led to extreme poverty, starvation, unemployment and abuse of the sacadas (sugarcane workers) in Negros. In September 1985, thousands of Negrenses participated in the Welgang Bayan, where they demanded fair wages, due work benefits, and a stop to human rights violations by military and paramilitary units in the region. The government responded with high-powered rifles and machine guns, leaving 20 people dead and 24 wounded.
Nagbunga ng kahirapan, kakulangan ng makakain, kawalan ng trabaho, at pang-aabuso sa mga sacadas ng Negros ang palpak na pamamalakad ng diktadurang Marcos sa industriya ng asukal at kurapsyon ng kanyang mga krony. Maraming mga Negrense ang lumahok sa Welgang Bayan upang igiit ang patas na pasahod, maayos na benepisyo kaugnay sa trabaho, at ang pagtigil sa mga pang-aabuso ng mga militar. Nauwi ang pagkilos sa isang karahasan nang buwagin ng mga miyembro ng kasundaluhan ang hanay ng mga nagproprotesta sa pamamagitan ng mga baril at water cannon. Dalawampung tao ang namatay habang dalawampu’t walo naman ang nasugatan.
Announcement of Snap Elections
1985
By 1985, Ferdinand Marcos Sr. was losing his grip on power. The dictator was burdened by chronic illness, the economy was in freefall, and an opposition movement was gaining momentum. With the world watching, Marcos Sr. announced on the American public affairs TV program This Week with David Brinkley that he was ready to call a snap election in 1986 to secure a fresh mandate for his regime. The snap elections were held on 7 February 1986 and the official results were considered fraudulent.
Kapansin-pansin ang paglakas ng mga hamon laban sa diktadurang Marcos sa pagpasok ng taong 1985. Dulot ito ng lumalalang kalagayan ng ekonomiya ng bansa, lumalawak na oposisyon, at bumabagsagsak na kalusugan ng diktador. Sa isang programang pantelebisyon sa America, ang This Week with David Brinkley, binanggit ni Marcos Sr. na handa siyang magpatawag ng snap election upang patunayan ang kumpyansa ng taumbayan sa kanyang patuloy na panunungkulan.
EDSA People Power Revolution
1986
The massive fraud and violence of the 7 February 1986 elections triggered widespread protests nationwide, especially after thirty-five (35) COMELEC tabulators walked out of the Philippine International Convention Center (PICC) where the election results were being counted. When a coup attempt by an organized group of military officials called the Reform the Armed Forces Movement (RAM) led by Gringo Honasan, along with top officials of the Marcos regime Juan Ponce Enrile and Fidel Ramos, failed, Archbishop Jaime Cardinal Sin, through a radio broadcast, called on the public to join the protest by gathering at the Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) in front of Camp Crame, to help protect the military officials who defected from the Marcos regime. The mass protest, dubbed as the “People Power Revolution”, culminated in his ouster and the restoration of democracy under the leadership of Corazon Aquino.
Nagresulta sa samu’t saring kilos-protesta sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang malawakang dayaan at karahasan kaugnay sa snap election noong 7 Pebrero 1986, na pinatunayan ng pag-walk-out ng tatlumpu’t limang (35) COMELEC tabulators matapos nilang mapansin ang dayaan na nangyayari sa bilangan ng mga boto. Ilang miyembro rin ng militar na kabilang sa Reform the Armed Forces Movement (RAM) na pinangunahan ni Gringo Honasan, kasama ang ilang mga opisyal ng rehimeng Marcos na sina Juan Ponce Enrile at Fidel Ramos, ang nagtangka ng isang kudeta ngunit nabigo. Naglabas ng panawagan sa radyo ang Arsobispo na si Jaime Cardinal Sin na makiisa ang lahat at tumungo sa Epifanio De Los Santos Avenue o ESDA, sa harap ng Camp Crame kung saan nandoon ang mga tumiwalag sa diktadura, upang hingiin ang pagbaba ni Marcos Sr. sa puwesto. Natapos ang mapayapang kilos-protesta na tinawag na “People Power Revolution” sa pagpapatalsik sa diktador at ang muling panunumbalik ng demokrasya sa bansa matapos mailuklok si Corazon Aquino bilang pangulo ng bansa.